1. Kwentong Fangirl

871 14 0
                                    

"Hay naku Mel! Wala ka man lang new movies dito sa laptop mo?Puro videos lang ata to ng Peace eh!" hinahalungkat ni Anna yung laptop ko dahil magpapa copy daw sya ng mga movies. Eh busy ako sa pag-kopya ng assignment nya. Hindi kasi ako naka gawa kagabi dahil sa pag-internet at pag fa-fangirl sa Peace kaya hindi ko sya naasikaso.

"Wag kasi sa Documents na folder. E click mo lang yung new movies na document. Nandyan lang yung mga new movies na na-download ko." sabi ko habang nagmamadali sa pag-kopya sa assignment nya. 

10 minutes na lang at matatapos na yung break namin at mag be-bell na.

"Puro ka kasi Peace! Puro Rex Tan. Paniguradong di naman al nun na nag-eexist ka. Tsss!" Kakairita naman tong isang to. Pinabayaan ko lang sya sa mga sermon nya. Kesyo hindi daw ako mapapansin ni Rex Tan. Wag nalang daw akong mangarap. Pero pinagwalang bahala ko nalang sya. 

Hanggang sa.....

"Ewan ko lang kung masasagutan mo yung mga questions ni Miss De Leon mamaya sa oral recitation natin."

At dahil dun, kasabay ng pag-hinto ng earth ang pag-hinto ng aking kamay sa pag susulat. Pinag halong gulat at kaba yung nafe-feel ko. OMG! OMG!!!!!

"MAY ORAL TAYO SA FINANCE 8?!?" oh ha ! caps lock yan para intense. Shet talaga ! Ilang minuto nalang at mag be-bell na.

"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!?! Anong klaseng kaibigan ka?!?! huhuhu" na se-stress na talaga ako. Hindi pa ako tapos sa pag-kopya sa assignment ko, tapos may oral recitation pa kami! waaaaahhhhh !!! I'm dead!>.< Niyugyug ko ng niyugyug si Anna habang sya'y tumatawa lang. 

"Ikaw? anong klase kang estudyante?" tanong nya habang tumatawa. Friendship Over to mamaya.

At ang pinaka ayaw kong mangyari ay nangyari na nga. Tumunog na yung bell sa whole campus. Meaning, Finance na namin.

"Waaahhh !!! I'm dead. I'm dead" Tulong. gusto ko pang pumasa ! T___T 

Strict pa naman yung si Miss de Leon. 42 na kasi pero wala pang asawa. Patay talaga ako nito mamaya. Yung recitation panaman namin is by index card. Kung sino yung mabubunot, yun yung tatanungin nya. Dalawa lang ang pwede mong matanggap na score. It's either 10 or 0. Pag tama, 10. Pag mali, 0.

May 5 minutes pa kaming nakalaan para mag lakad. Ganito kasi sa school namin, may 2nd bell para sa paglalakad ng mga estudyante para sa kanilang susunod na klase. malayo kasi ang mga building dito sa St. John University(SJU) kasi isa lang naman ito sa pinaka malaking school sa Pinas.

Habang naglalakad kami papuntang 308, na room namin sa Finance, saSan Jose Building, kung saan nandon ang Accountancy and Finance Department, feel na feel ko talaga na parang hinahatid ko yung sarili ko papunta kay kamatayan. Ba't ba kasi ako nagpuyat kagabi sa pag fa-fangirl??T___T

Everything You Are (BTS fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon