Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2: Confusion

◇◇◇

"Emeryn?Iha?"

Tatlong mag kaka-sunod na katok ang aking narinig na galing sa matandang kasambahay, na siyang Yaya ko rin.

"Pasok po"- walang gana kong sagot, ang utak ko ay iniisip pa rin ang mga senaryo na aking napaginipan, senarong ayaw ko ng balikan.

"Ayos ka lang ba iha? Pawis na pawis ka oh! Teka Lang at ipag kukuha kita ng pamunas. " tarantang saad ng aking Yaya

Sya si Yaya Emma, sya ang pinaka matanda sa lahat ng kasam-bahay dito, sya na rin ang nag sisilbing mayordoma dito sa loob ng mansyon. Wala na akong maalala sa nakaraan ko basta ang sabi ni Mama simula bata ay si Yaya Emma na ang nag aalaga saakin.

"May napa-ginipan kana naman ba? " tanong agad ni Yaya Emma pagka-tapos kumuha ng bimpo.

"Dating... senaryo, napa-ginipan ko naman po ulit ang senaryong iyon."

Maraming beses at para-rehong senaryo lamang ang napapa-ginipan ko, Hindi kaya bahagi ito ng nakaraan ko?

"Sa tingin mo po bahagi iyon ng naka-raan ko?"

"Iha... Hindi ko alam, sigurado ako hindi iyon bahagi ng-"

"Yung bata? Yung inosenteng batang babae sa panaginip ko, na...pumatay sa lalake, a-ako po ba iyon?"

"Hindi!hindi ikaw iyon!kahit kailan hindi magiging ikaw iyon!"

Nabigla ako sa sigaw ni Yaya Emma, Hindi ko akalain na sisigaw sya ng ganon. Bakit ganon ang reaksyon ni Yaya? Nag tatanong lang naman ako, dahil kahit ako e 'litong lito na, gulong gulo na yung utak ko dahil sa mga sernaryo na iyon, senaryong pamilyar ngunit hindi ko matandaan.

"Iha, Hindi ikaw iyon, hindi ikaw ang batang babae sa panaginip mo, maniwala ka saakin." Umupo si Yaya Emma sa tabi ng kama ko at yinakap ako.

"P-pero pano po kung... parte iyon ng mga alala ko? Tama! kumalas ako sa pag kakayakap ni Yaya Emma "Hindi po ako iyong batang babae sa panaginip ko, dahil baka parte po ito ng alaala ko, kailangan kopong maalala lahat Yaya!"

Baka konektado ito sa nakaraan ko, baka ito ang maging susi upang maibalik ko lahat ng alaala ko-

"Leave us Yaya Emma, I'll talk to her"

Hindi ko napansin na pumasok si Mama sa sa kwarto ko, napaka seryoso ng awra ngayon ni Mama. Hindi ako nag kaka-mali ganito sya kapag napag uusapan namin ni Yaya ang panaginip na iyon, ang mga senaryo sa panaginip ko.

Umalis na muna si Yaya, dahil alam nya kung gaano ka seryoso si Mama ngayon. Naguguluhan ako bakit sa tuwing nababanggit o napag uusapan ang panaginip ko o ang mga sernaryo sa panaginip ko, ibang iba ang awra ni Mama kumpara sa mga araw na nakikita ko.

LOVE ME KILL ME (ONGOING)Where stories live. Discover now