"GOOD MORNING my beautiful sister!" Kuya rio exclaimed while pulling the blanket away from me.
"What now kuya? Bakit ka ba nandito sa kwarto ko?!" Iritadong sabi ko
"It's already 7:30 in the morning sis, hindi kaba papasok?"
"Papasok syempre! Pero 8:00 o'clock pa klase namin."
"Bangon na sis, ihahatid kita." Sabi niya at pilit pa ring hinihila ang kumot na nakatalukbong sakin
"Kuya! Mamaya na inaantok pa ako!" Sigaw ko habang pilit na nakikipag hilaan sa kanya ng kumot.
"You have 30 minutes left Rouisse, maliligo kapa ang tagal mo pa namang maligo, male-late ka talaga niyan."
"Pake mo ba? Mamaya na nga kasi kulit naman nito!"
"Ah hindi ka talaga babangon?" Hindi ko man siya nakikita dahil nakatalukbong ako ay natitiyak ko na naka pamaywang na siya ngayon
"Ayaw!" Iling ko
"Ayaw mo ha."
Natahimik siya kaya nag taka ako kung ano ang gagawin niya, nakarinig ako ng yabag ng paa kaya inalis ko ang kumot na nakatabon sa aking muka.
Kumunot ang noo ko ng hindi ko na makita si kuya.
Pero ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng bigla siyang lumitaw sa may paanan at hinila ang papa ko.
"Ahhh!" Tili ko matapos akong bumagsak sa sahig dahil sa hila niya
Napahawak ako sa aking balakang nang tumama ito sa sahig. Nag angat ako ng tingin sa kapatid ko na ngayo'y naka higa na sa kama ko habang hawak-hawak ang tiyan at mamatay-matay na sa kakatawa.
Sinamaan ko siya ng tingin habang siya at tinuturo pa ako, tumayo ako at lumapit sa kanya na wala paring tigil sa kakatawa.
Bigla siyang napa sigaw ng tumalon ako at dinaganan siya. Sinabunotan ko siya at pilit niyang hinuhuli ang aking kamay habang tumatawa.
"Kumain na kayong dalawa, tama na yang harutan!" Saway samin ni mama habang pababa kami ni kuya sa hagdan
"Ito kasing kuya ma oh!" Turo ko sa kanya
"Anong ako? Ginising nga lang kita." Sagot niya na naka simangot.
"Ah parte na pala nang pag gising yun yung may dalang hila?" Sarkastikong aniko
Humagalpak naman siya nang tawa.
"Grabi sis, sayang hindi ko na videohan. Ang epic pa naman ng muka mo dun." Tumatawang aniya
"Ano nanaman bang ginawa mo sa kapatid mo ha? Cirios Rod Emanuel?" Naka pamaywang na Ani ni mama
"Huh? Wala ah, ano bang ginawa ko?" Maang-maangan naman na sagot ng isa
"Anong wala? Ang sakit kaya ng balakang ko kuya! Langhiya ka, ikaw kaya ibagsak ko sa sahig tignan natin!" Inis na singhal ko at binatukan siya
"Aray! Ma, si Catalinna nanakit na!" Sumbong niya at tumakbo palapit kay mama na abala sa pag hahanda ng agahan
Pero imbis na kampihan siya ay naka tanggap din siya ng batok. Humagalpak naman ako ng tawa
Inakay na kami ni mama na kumain ng agahan, at sandali lang rin kaming nag kwentohan bago ako nag handa upang pumasok sa paaralan.
Lumuwas pala si papa kanina nang madaling araw papunta sa quezon dahil kinakailangan niyang kitain ang kanyang kleyenting umorder ng isa sa mga furniture na gawa ni papa.
May munting furniture shop kami dito sa Puerto, hindi naman gaanong kalakihan pero marami rin namang bumibili. At meron rin kaming limang branch ng milktea shop, si mama ang namamahala ng lahat ng yun at tumutulong rin ako kapag hindi busy sa school. Si kuya naman ay isang engineer at sa Italy ngayon nags-stay dahil dun sila na assign ng ka-team nila.