Kabanata 3
"Sino kasama mo mamayang lunch?" Tanong ko kay ace na ngayo'y nag aayos ng kanyang mga gamit.
Napansin ko rin na may dala siyang ilang mga novels book, at laptop.
"Hmmm...Wala eh, ikaw ba?" Balik na tanong niya
"Yung kaibigan kong si allisse, Sabay ka nalang kaya samin?" Nahihiyang aniko
Agad naman siyang napalingon sakin at nginitian ako.
"Pwede ba?"
"Oo naman." Masayang tugon ko
Kailangan ko na palang e'ready ang tenga ko sa mga sasabihin ng kaibigan ko. Parang armalite pa naman ang bibig nun.
Napailing nalang ako at muling binalingan ng tingin si ace. "Tapos kana?" Tanong ko sa kanya ang tipid na tango naman ang kanyang naging sagot
"Mahilig ka palang mag basa ng novel?" Tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami sa hallway.
"Yup, mahilig din akong mag sulat ng mga romance na story kapag bored ako o walang ginagawa." Nakangiting sagot niya
"Wow! Di halata ah, Ilang story naba natapos mong isulat?" Tanong kong muli
"Limang story palang, most of them are romance stories."
"Pabasa ako minsan ha?" Aniko
"Sure, bibigyan kita ng libro na isa sa mga story ko." Tugon niya
"Talaga? Published author kana? Ang galing naman." Namamanghang aniko
Tinawanan niya lang ako.
"Kelan kapa nag simulang mag sulat?"
"Hmmm...I started writing when I was on grade 10."
Namamanghang napatango naman ako.
"Bakit mo nga pala naisipang mag sulat? Kasi akala ko engineering yung gusto mo."
"San mo nalaman yan? Stalker kita no?" Biro niya
"Uyy hindi ah, andami kasing tsismosa dito sa loob ng university. Kapag nakakakita ng gwapo magugulat ka nalang na may bagong headline nanaman." Depensa ko
"Alam ko naman na gwapo ako, wag mo ng ipaalala."
"Kapal naman ng apog mo mare." Sabi ko sabay irap sa kanya
Muli nanaman siyang natawa.
"So ano na nga?"
"Nung una ang hilig ko lang talaga ay ang pag babasa, pero hanggang sa tumagal na naisip ko na ‘what if isulat ko rin kaya yung mga pinagdaanan ko.’ And then nung nag umpisa na akong mag sulat gumagaan yung pakiramdam ko, nakakalimutan ko yung mga problema ko. Dati pangarap kong mag karoon ng isang endless love, at happy ending which is hindi naman nag e'exist kaya naisipan ko na kung hindi ko mararanasan ang gusto kong mangyari edi isusulat ko nalang. At nangako rin ako sa sarili ko na kapag nahanap ko yung one great love ko isusulat ko yung love story naming dalawa, at gagawan ko ng happy ending." Nakangiting kwento niya
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya, at hindi ko namalayang nasa canteen na pala kami.
"CATALINNANGINA!!"
Nagitla ako ng marinig ang matinis na sigaw ng kaibigan ko habang kumakaway, nakaupo siya sa may bandang entrance ng canteen kaya madali niya akong nakita. Napalingon tuloy yung ibang estudyante sa kanya.
Lumapit ako sa kanya habang naka sunod naman sakin si ace.
"Ang tagal mo namang hinayupak ka! Kanina pa ako nag hihintay dit— oh hi kuyang berde ang mata." Naputol ang kanyang panenermon sa akin ng mabaling ang kanyang tingin sa aking likuran.