Alex's Point of View
Nagplan kaming magbakasyon ng mga friends ko. Habang nililista at pinag-uusapan namin yung mga kailangan, sumingit ako sa usapan.
"Isama naman natin si Kenneth. okay lang ba sa inyo?"
Hahaha! ang kapal ko rin noh? eh pake niyo ba kung gusto ko siya makasama!? XD
"Sige! Tama nga yan para naman maging close kayo nun kasi naman since 1st year magkaklase na kayo pero di parin kayo close." sabi ni Mhika
Narealize ko na totoo nga yung sinabi ni Mhika. Kasi naman!! Nahihiya ako sa kanya eh. Since first year palang crush ko na siya pero hindi ko masabi
sa kanya kasi ayokong mailang siya sa akin. Pero dahil matagal na yun at nagmature na ako ng konting konti mga 5% charot! Hindi ko na hahayaan na magsnob-an parin kami! Kailangan maging close na kami kahit friends lang muna. Doon naman maguumpisa yun eh. di ba? :))
"oy wait! one more thing! WAG NA WAG NIYONG SASABIHIN KAY KENNETH:"> NA AKO ANG MAY GUSTONG SUMAMA SIYA AH! SECRET LANG YUN! "
"oo naman! ^^" <silang lahat
"Good!"
Umuwi na kaming lahat..
Pag-uwi ko ng bahay naligo ako at kumain na ng dinner. Pagkatapos kong kumain naisipan kong magfacebook pero ginagamit ni Cosette yung laptop.
"Aya Cosette. pagamit naman ng laptop oh kahit 15 minutes lang."
"Eh! ayoko!"
aysusko naman talaga tong spoiled na to!
"eto oh" sabay lapag ng 20pesos
"Sige ate ikaw muna! hehe"
"dun ka muna . wag mo akong bantayan"
"Sige ate, take your time! :)) "
So ayun. ang sweet namin ni Cosette noh? Suhulan lang yang batang yan susunod agad yan eh.
Nagbukas na ako ng facebook ko para tignan yung mga notifications at friend requests.
Habang naglilibang ako sa mga nakikita ko sa news feed ko, biglang may nagPM. Guess who?
OO! Si Mhika nga! Magjogging daw kami bukas sa central park. Nireplyan ko siya ng AYOKO TINATAMAD AKO. hahaha.
Ooops! may nagPM pang isa. "KYAAAAAAAAAAAAH"
"HOY ALEX! Punyeta ka ang ingay mo! Kita mo namang nanonood ako dito eh! Di ko tuloy narinig! Argh!" sabi ng nakakatakot na si Lloyd
"Hehehe sorry naman! Nadala lang ng emosyon!"
.......................................................................
Paul Kenneth Soriano
Alex, sasama ka sa swimming?
.......................................................................
OMG! Ang bilis talaga tumakbo ng kabayo sa dibdib ko. :">
.......................................................................
Alexa Yana Dela Cruz
Oo naman! Ako pa! eh ikaw?
.......................................................................
.......................................................................
Paul Kenneth Soriano
Oo sasama ako. May surprise ako sayo sa outing mo na malalaman. :))
Sige Out na ako Alex ah! May gagawin pa kasi ako eh.
BINABASA MO ANG
He Likes to Surprise (on going)
RomancePagbibigay ng sorpresa ang paraan ni Kenneth para pakiligin ang girlfriend niya pero paano kaya kung isang maling sorpresa ang maihandog niya sa girlfriend niya. Paano pa kaya ang relasyon nila?