CHAPTER 1

32 3 0
                                    

May mga bagay na dapat natin isaalang- alang lalo na kung mataas ang mga pangarap natin bilang isang tao. Bawat matutuklasan natin sa ating sarili at buhay ay inuugnay na natin na mangyayari nga siya sa hinaharap.

"Mom pag laki ko ba may mga makikila din ba ako na prince na magmamahal sa akin?" tanung ni Galah sa kanyang mommy habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang.
"Yes my little princess, time will come at makakatapo ka ng isang prince na mamahalin ka ng buong buo." nakangiting pangungumbinsi niya sa kanyang unica iha..
"Halika nga dito, mag aral ka ng mabuti para maging mas succesful ka pa gaya namin ni daddy anak ha?" malambing na pahayag sa anak..

Matapos ang pag uusap nila ng mommy niya ay pinatay na neto ang ilaw sa kanyang silid at lumabas na habang marahang sinara ang kayang pinto. Agad agad siyang bumangon at nagtungo sa kanyang laptop, binuksan neto iyon at doon nakita niya na ang kanyang picture na hinahanap.. Larawan iyon ng kanyang matalik na kaibigang si Lawrence. Napangiti siya habang nakatitig sa larawan at marahang sinabi sa sarili na "ikaw ang magiging prinsipe ko munchie ko" at bumalik na siya sa kanyang higaan.

Munchie at Caramel ang tawagan nila Galah at Lawrence mga baby pa lamang sila ay palagi na silang pinagsasama ng kanila mga magulang ng lumipas ang labing limang taon ay dinala na sa Australia si Lawrence ng kanyang Daddy ng mamatay sa aksidente ang kanyang Ina. Kung kaya't labis niya na miss na miss ang kanyang kababata. Bumangon na sa higaan si Galah at nagtungo na sa kusina at andoon nga ang kanyang mga magulang naghihintay sa kanya para sa kanilang breakfast.

"Goodmorning our princess" halos sabay na bati sa knya ng kanyang mga magulang.

"Dad,mom maybe sa St.Sebastian Academy nalang po ako mag papaendroll please, I really want to endroll there kasi all of my classmates from Senior High are go there." nakamaktol na saad niya sa kanyang parents.

"Ok sweety but you have to go in our Company first dahil bakasyon pa naman now mag OJT ka muna dun samen so matutunan mo na ang takbo ng mga business natin. Dahil para sayo din naman lahat lahat ng ito." naka ngiting sabi ng kanyang Daddy.

"Ugh! But dad! Di ba as you said sa akin din naman mapupunta then why bothered to go in the company pa daddy naman eh" nagmamaktol niyang sagot sa kanyang Ama.

"Hon,wag na natin muna siyang madaliin para sa mga bagay na ganyan bata pa si Galah sa ganoong bagay." pagkakampi sa kanya ng kanyang Mommy.

Napabuntung hininga na lamang ang kanyang Daddy, ibigsabihin nanalo sila ni Mommy niya kaya ngumiti siya ng matamis sa Mom niya at naupo na sa hapag upang kumain.

Alam ni Galah ang pakiramdam na pinaghihigpitan siya ng kayang Daddy dahil alam niya na nag-iisang anak lamang siya at mahal na mahal siya neto. Subalit sa edad ng mga kabataan ngayun at takbo ng modernong panahon di maiiwasang mas nagiging progresibo ang aktibong utak ng mga kabataan ngayun. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at pumasok ng mall. Pumunta siya sa women's shirt area nakita niyang nakaantay na sa kanya ang kanyang mga kaibigang sina Zayuna at Dalal. Kagaya niya din na anak mga mayaman ang mga kaibigan at kagaya niyang masyado mahilig sa mga materyal na bagay.

Nagbeso beso sila sabay pasok sa loob.

"Girl, balita ko dumating na daw si Lawrence ah galing Australia?" nakangiting saad ni Dalal,ang kaibigan niyang palaging nauuna sa mga tsismiss at bali balita.

"owh?papaanung nangyari yon kung uuwi man yun palaging nasa bahay mauuna yun pupunta" pasimpleng saad niya pero sa kaloob looban ng kanyang puso alam niyang kinilig siya sa bagay na andyaan na ang kanyang lihim na minamahal.

"I guess nag gagawa gawa ka na naman ng story mu Dalila..hahaha How come na andiyan si Lawrence eh oo nga dapat si Galah ang unang nakakaalam nun noh!" pasinghal na tugon ni Zayuna.

"Ah! Basta! Madami na nakakita sa kanya sa St. Sebastian na nagpa endroll" at may ngiting kinilig si Dalal habang sinasabi nito iyon.

Nagkuwaring di interesado si Galah subalit sa kaloob looban ng kanyang puso alam niyang nais niya ng kompirmahin iyon subalit nagpipigil siya dahil kasama niya pa ang dalawang girl bff niya at may rules sila tatlo na di nila maaring magustuhan si Lawrence sapagkat nag-iisang boy bestfriend nila ito tatlo.

Nakahilata sa sala si Galah napagod sa maghapong pashopping nila tatlo ng bigla siyang napaiktad ng maalala ang sinabi ni Dalal na umuwi na nga ng Pilipinas si Lawrence. Kaagad niyang kinuha sa bag ang kanyang cellphone at tiningnan sa instagram kung may bagong post ba dun ang binatilyong lalaki.

Nanlaki ang nga mata habang nakatakip ang mga palad ng kamay sa kanyang bibig. Dahil sa nakita niyang picture neto na super gwapo sa suot nitong kaki pants at brown bench body shirt, bakat na bakat ang dibdib neto sa kanyang damit..napagwapo neto sa aurang ganoon..at naka tayo ito paharap sa dagat at alam niya kung nasaan iyon sa resort na pag mamay-ari ng Pamilya ng lalaki.

"Oh!Gosh! Lawrence is here nga in the Philippines! But why it is He did not send me message or visit me here?" malumanay na pabulong na sabi niya sa kanyang sarili.

Subalit nabigla siya sa pagtawag ng kanya yaya sa kanyang pangalan.

"Galah, nasa labas ang kotse ni Sir Lawrence at pinapatawag ka may pupuntahan daw kayo." nakangiting saad neto sa kanya.

Galah lamang ang tawag neto sa kanya dahil iyon ang nais niya.At eto lang ang nakakaalam ng kanyang bonggang secrets patungkol sa undying love niya sa kanyang kababata.

Halos hindi niya na alam ang uunahin niyang gawain. Pakiramdam niya natataranta siya subalit di naman siya gumagalaw sa kanyang kinahihigaan na sofa. Tinapik pa siya ni Roma ang kanyang yaya upang siya ay bumalik sa sarrili. Bumangon siya at nagkukumahog na mag palit ng suot at nag lagay lamang ng kaunting Normal foundation at kaunting lip gloss at hinawi ang buhok at tinali ito na naka pony tail dahil ganung ayus niya gustong gusto ni Lawrence tingnan at iyon lagi ang saad ng binatilyo sa kanya. Maganda daw sya na ganoon kasi napakasimple daw. Kinatok siya ulit ng yaya niya sa kwarto na kadahilanang mas napabilis ang pintig ng dibdib niya.

"Galah relax, oh! My god! Relax please.. Gaya ng mga nagdaang taon you have to..no no..you need to behave." saad niya sa sariling alam niyang natataranta siya.

Bumaba na siya sa kanilang mansyon at nakita niya nga ang lalaki na nag aabang sa kanya ang kababata. Palagi siya nitong inaasar tuwing nagkikita sila at palaging kinukulit subalit sa nakikita niya ngayun mukhang nagmatured na ang maingay niyang boybestfriend.

A princess StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon