CHAPTER 3

13 2 0
                                    

"Dad bakit po natin inililihim si Edward sa mga tao. Kakambal ko po siya daddy kahit anu pa po siya." saad ng batang si Lawrence.

"Anak kahit kelan walang makakatanggap sa iyong kapatid kaya mas mainam na lamang siya ay nakatago sa kwartong iyan. At ang mahalaga anak ay iyong buhay siya at safe. Sana naman anak maintindihan mo kung bakit natin ito ginagawa sa kanya, para din sa kanyang kaligtasan ito Lawrence." seryosong sagot ng kanyang daddy.

"Mommy ok lang ba sayo na palaging andito lang sa pangasinan si Edward di mo ba siya namimis Mommy? Ako gusto ko siya makilala din ni Galah para may kalaro din ang kakambal ko" pagpipilit pa din ni Lawrence sa mga magulang.

"Son, you need to behave ok if anu yung sinasabi namin sayo ni Dad mo yun lamang ang susundin mo ha para iyon sa kaligtasan ng kakambal mo. At tsaka mahina ang puso ni Edward anak bawal siya mapagod kaya di siya pupwede na makilala ng mga kaibigan mo,ok ba anak,its a big secret between us,in our family tsaka andiyan naman si Yaya Merna niya maalagaan siya ng mabuti." mahabang paliwanag ng kanyang Mommy.

Di man pinapalabas ng bahay ai Edward walang araw na di niya ito pinapasok sa silid upang ikwento sa kanya lahat lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. Lahat ng pictures at happy moment nila ng matalik na kaibigang si Galah at iba pa nilang mga kaibigan ay pinapadala niya sa kakambal. Mahal na mahal niya si Edward dahil ito ang kalahating bumubuo ng pagkatao niya. Hindi man niya alam ang ganap na sitwasyon na malubhang sakit ng kanyang kakambal pero alam niyang mahal na mahal nila ito at pinoprotektahan nila ito.

Lumipas ang mahabang panahon ng tumuntong ng kinse anyos ang kambal nagbyahe ang mag inang Lawrence at Donya Karina upang papunta ng pangasinan para dalawin si Edward dahil doon nila cecelebrate ang kaarawan ng kambal. Nang biglang lumakas ang hangin at ulan, bumaha ang ilang bahagi ng kanilang dadaanan. At nung sa may bangin na sila di na naapakan ng kanyang Mommy ang preno ng kotse sa sobrang dulas ng daan at nagbabagsakang mga punong kahoy sa kalsada. Nabunggo sila sa malaking puno ng Akasya at malakas ang impact nito na ikinasanhi ng kamatayan ng kanyang mommy. Si Lawrence ay nadala pa sa ospital ng mga byaherong nakakita ng pagkakadisgrasya nila.

Ayun sa Doctor ni Lawrence ay di na aabot ng dalawa pang araw na mabubuhay nito dahil masyadong napuruhan ang kanyang ulo na na nagsahi ng pag buo ng dugo sa kanyang utak. Nagdisisyon ng mabigat sa loob ang Daddy ni Lawrence dahil alam nila na darating nga sa ganitong sitwasyon ang lahat at kailangan tuparin iyon ng kanyang Daddy dahil naka Attorney iyon, may kasulatan na kung anu man ang mangyayari sa kanya na wala ng pag asang mabubuhay siya ibibigay niya sa kanyang kakambal ang kanyang puso,mata,at right kidney nito.

Kaagad na inoperahan ang kambal at sinalin kay Edward ang mga bahaging i donate ni Lawrence sa knyang kakambal habang siya ay may natitirang buhay pa.

Ang congenital heart disease ay isang sakit sa puso na karaniwang nakikita sa mga sanggol.

Isa sa mga kondisiyon ng congenital heart disease ay ang pagkakaroon ng butas sa puso. At sakit sa bato ang sakit na Edward sa kadahilanang namamaga ang kanyang katawan at mga mata. At madami pang sakit noong sanggol hanggang lumaki si Edward ay dala dala ang mga sintomas na iyon.

Matapos maisalin kay Edward lahat na kailangan ilipat na galing kay Lawrence ay nailipat na. At binawian na nga ng buhay si Lawrence.

Matapos ang insedenteng iyon dinala na ng Daddy nila Lawrence at Edward ang binata sa Australia upang duon ipag patuloy ang pagpapagaling ng operasyon at ng mga puso nila na labis na nasaktan sa pagkawala ng kakambal at Ina nito. Makalipas lamang ang ilang buwang pamamahinga ay nag desisyon na si Edward na magpapa retoke ng mukha para kamukhang kamukha niya na si Lawrence sapagkat dahil sa mga sakit niya nilamon na ng sakit niya sa bato ang mga bahagi ng kanyang katawan kaya ipapaayus niya iyon.

A princess StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon