CHAPTER 4

9 2 0
                                    

Nanakit ang katawan ni Galah, napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanila ng lalaki kahapon sa lawa. Napapangiti siya ng maalala ang sitwasyong matapos sila mag sex ni  Lawrence ay parang nagkahiyaan pa sila. Pero hinatid parin siya ng binata hanggang dito sa silid niya at naulit muli ang kanilang pagsisiping at bago pa ito lumabas ay hinalikan at niyakap pa siya nito ng mahigpit. Di niya man alam anung label ang meron sila ni Munchie niya pero alam niyang mahal na mahal niya pa din ito dahil kusang nagpaubaya ang kanyang puso kahit nakikipagtalo ang kanyang utak.

Marahan siyang nagtungo sa banyo at nag shower. Matapos makapag ligo at magbihis ay lumabas na siya ng kwarto at ng akmang patungo na sana siya sa corridor pababa ng hagdan nadaanan ng mga mata niya ang kaunting nakabukas na pinto ng maliit na silid sa dulo ng bahay. Nagpalinga linga siya upang tingnan kong may ibang tao ba dun maliban sa kanya. Nang wala siyang makitang tao dahan dahan niyang tinahak ang direksyon ng silid.

Napatulala si Galah sa bumungad sa kanyang harapan pag bukas ng pinto isang napakalaking painting ng isang batang babae na naka gown ang kanyang nakita. Kung di siya nag kakamali iyon ang kanyang larawan nong nag birthday siya ng 10years old siya. Mas lalo siyang naiintriga kong anu ang meron sa silid na iyon bakit may ganoong larawan siya. Lumapit siya sa tokador nakita niya ang isang Diary book. Marahan niya itong binuksan at nalaglag mula doon ang mga larawan,pinulot niya ito sa sahig. Mga larawan iyon nila ni lawrence nong mga bata pa sila. Subalit ang nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang larawan ng dalawang batang lalaki. At sobrang magkahawig ang mga ito.

"Oh my gosh!! Me twin si lawrence?" bulalas ng dalaga.

Agad niyang kinuha ang mga larawang nalaglag at mabilis na naupo sa bed at binuksan ang diary na hawak nito. Nabigla siya sa mga nabasa at di namalayang napaluha na pala siya. Naiiyak siya sa kwento ng isang batang Edward ang pangalan ang mga karanasan nito sa araw-araw  sa loob ng isang silid. Pinunasan niya ang mga mata at di namalayang nakahiga na siya sa kama duon habang nagbabasa pa din subalik napa upo siya ng mabasa ang diary ng sila ay nasa edad na nakinse anyos. Hindi niya alam kung anu ang magiging reaction niya ng mga sandaling iyon. Dahil nalaman niya na ang katotohanan, ang katotohanang patungkol kay Edward at sa bagong Lawrence ngayun na nasa kanyang harapan. At nalaman niya ding wala pala talaga feelings sa kanya ang nakababatang totoong Lawrence na kaya pala ito malambing sa kanya at lagi siya pinoprotektahan dahil sa paki usap ng kakambal nito. Halos matuyuan ng pawis si Galah sa mga nalaman, gustong gusto niyang tumakbo palayo pero halos di niya man lang maigalaw ang kanyang katawan. Nalulumong napatihaya siya sa kama, naiiyak siya ng malamang ang lalaking pinag alayan niya ng kanyang pagkababae ay hindi ang taong matagal niyang minahal kundi ang kakambal nito. Pakiramdam niya niloko siya ng mga ito. Malungkot pa din siya ng malamang matagal na palang namatay ang kanyang kababata at lihim na iniibig. Umiyak na lamang siya ng umiyak ng buong araw na iyon di siya lumabas ng silid.

Naalimpungatan si Galah at tumambad sa kanyang pagmulat ang mga nag uusisang mga mata ng mga kaibigan.

"Anyare sayo girl?!" pagalit na tanung ni Dalal.

Umupo siya at marahang sinapo ang kanyang ulo pakiramdam niya ay nahihilo siya marahil sa sobrang pagtagis niya ng iyak.

"Princess may masakit ba sayo, masama ba pakiramdam mo?" nag aalalang tanung sa knya ni Raven na hinahawakan pa siya sa leeg at sinapo ang kanyang noo.

Marahan niyang inangat ang kanyang mga mata, napansin niya sa dulo ng kwarto andun si Edward nakatanaw sa kanya habang naka ekis ang mga kamay sa may dibdib. Nakakalusaw ang mga titig nito na puno ng pag aalala. Binawi niya ang kanyang tingin at marahang nagsalita.

"Mauuna na akong umuwi maya ha, masama kasi pakiramdam ko tsaka naalala ko may pinapagawa pala si Daddy sa akin sa office niya." mahinahon niyang sabi.

"Ganun ba, oh sige ihahatid na.." di natuloy na salita ni Lawrence ng biglang sumagot si Galah.

"no, no,wag na ako nalang sasakay ako ng bus galing dito, wag na kayo mag alala saken alam ko ginagawa ko. Ok lang ako. Mag enjoy lang kayo dito." sabay ngiti na sabi niya. Ngiting pilit na itinatago ang mga sakit na nararamdaman ng kanyang puso.

Di na lamang umimik si Lawrence at lumabas ito ng silid. Tinulungan naman siya ng mga kaibigan na gumayak, inayos ng mga ito mga gamit niya.

Ilang oras na nakaupo sa bus si Galah subalit di pa din siya dalawin ng antok kakaisip sa mga natuklasan. Halos kalahati ng kanyang pagkatao ang gumuho sa nalaman. Ang pagmamahal na naramdaman sa kababata ay napalitan ng matinding poot at hinanakit. Napakadami nitong ni lihim sa kanya at sa paniniwalang ito nga si Lawrence ay isinuko niya dito ang kanyang pagkababae. Di niya namalayan ang pagbagsak ng mga luha. Napahalukipkip siya at humikbi ng humikbi.

Nang makarating sa bahay ay duon na lamang siya nag wala ng nag wala. Nagkulong at nagmukmuk. At ng maramdaman niya ng medyo ok na siya nag prepare na para pumunta ng Sebastian Academy upang mag pa endroll.

Habang naglalakad siya sa pasilyo ng paaralan papunta sa opisina ng registrar nahagip ng gilid ng kanyang mata ang bulto ng isang lalaki na nakatayo doon.
Napagpasyahan niyang pagbibigyan ito sa mga paglilihim nito, sasakyan niya lahat ng trip nito. Nagkunwari siyang busy mag scroll ng kanyang cp habang naglalakad ng bigla na lamang may humila sa kanya papasok ng isang classroom duon.

"Ay!Anu ba?! Sino ka?!" nagulantang na sigaw niya.

"Iniiwasan mo ba ako caramel?" nasa tinig nito ang matinding hinagpis.

"ay ikaw pala yan E..Munchie?" pasimpleng sagot niya at inayos ang nagusot na buhok.

"Bat naman kita iiwasan? Busy lang ako mga nakaraang araw, tsaka bat kaba andito di ba tapos kanang mag endroll?" mahabang litanya niya.

"Akala ko kasi galit ka saken eh, Nga pala ying tungkol sa mga nangya.." naudlot ito ng sumabat siya agad.

"Ah wala yun wag mo nang isipin yon tsaka ayoko malaman ng mga friends natin yon ayoko silang masaktan." kibit balikat na sagot niya.

Tumayo na siya at inayos ang kanyang damit na kusa atang nawawala sa direksyon. Naamoy na naman niya ang mabangong perfume nito na nakahalo ang normal na pawis nito. Kaagad na pinigilan ni Galah ang pag papantasya sa lalaki at tumalikod na sya.

"sige mauuna na ako may lakad pa kmi nila zayun,sofie at dalal." sabi niya na tuluyan ng umalis.

Gustong gusto niyang lumingon pa muna para makita ang lalaki subalit pinigil niya ang kanyang sarili.
Napa tiimbagang na naiwan si Edward sa pasilyo. Di niya alam bat biglang nagbago sa kanya ng pakikitingo si Galah pero gagawin niya ang lahat para bumalik sila sa dati.

Mabilis na umalis ang dalaga sa school kung maari lang maglaho na parang bula ginawa niya na. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. May kung anu sa puso niya na parang mas matagal niyang nakasama si Edward kesa kay Lawrence pero di niya lang matanggap ung pakiramdam na parang naloko siya ng magkakambal. Na para bang pinaka isahan siya ng mga ito. Pero alam naman niyang di totoo iyon. Baka di lang niya matanggap na mahal na niya ang lalaki lalo't me nangyari na sa kanila.

Hanggang saan ang mga pagtitiis ni Galah kay Edward?

A princess StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon