Sa ilang buwan na investigation ng mga pulisya, ang tanging sinabi nila Tita saakin ay totoong suicide ang lahat ng iyon.
Sa una ay hindi ko ito mapaniwalaan. Ngunit nang dumating ang proweba kagay ng depression ni Dana at ang statements ng mga kaklase niya ay wala na akong magawa kung hindi ang manahimik.
Napag-isipan namin na mag outing upang makapag-pahangin at makapagisip-isip na rin. At dahil kakatapos pa lamang ng pandemya ay hindi pa rin ganoon kaluwag ang mga protocols.
Ngunit kahit ganoon, nakapag-book kami ng cottage sa isang beach.
"Rin, okay ka lang?"
Napalingon ako sa harapan, nag-aalala ang mukha ni Freesia at nakalingon ito saakin, tanging ngiti lang ang naisagot ko at napatango.
"'wag mo na isipin ang nangyari kay Dana, we can't do anything about it anymore... Sadyang desisyon niya na umalis. She can't smile any longer... Tsaka, hindi mo iyon kasalanan..." Sabi pa nito.
Pinisil ko ang mga kamay ko, hindi ko gusto ang nasa isip ko. Gusto ko'ng sigawan si Sia, sabihin sakanya na mali siya at hindi iyon desisyon, kung hindi takot ni Dana. Gusto ko siyang mamulat, gusto ko'ng mawala nalang siya sa harap ko kung ganoon lang naman ang pinagsasabi niya saakin.
Pakiramdam ko ay hindi niya ako pinapakalma kung hindi ay parang sinisisi pa niya ako sa mga pangyayari. Hindi ko rin gusto ang tono ng boses niya, naiinis ako. Sabagay, dahil nandito si Raymond ay talagang nanaisin niya na magmukhang mabait at ako naman ang problematic na kinailangan pa nila mag-adjust para komportable ako.
Sa katotohanan ay hindi ko din naman talaga ninais na sumama, pero dahil sakanya, pinagmukha niya akong masama. Siya rin ang nakapag-isip ng outing na ito.
Dahil aprobado naman ng mga magulang namin ay sumama na rin ang magkakapatid na sila Raymond at Alistar. Siguro nga dahil ex ako ni Raymond ay matatakot si Freesia sa kung ano mang lingering attachments.
"Sia, 'wag mo na pag-usapan pa, from now on, taboo topic na yan" seryosong ani ni Hana at bumalik ulit sa pagtitingin sa bintana.
Gusto ko rin makita ang view pero dahil sa malakas na ulan ay naging foggy ang bintana sa tabi ko.
"We're almost there" balita ni Raymond na siyang nagma-maneho.
"Ray, maganda ba doon sa beach?"
"Yeah, Kuya Al and I used to go there when we were younger, I'm sure walang pinagbago" sagot nito sa nobya.
"Teka... Is it the same beach na pinuntahan na'tin sa 2nd year anniversary na'tin?!"
Gulat na tanong ni Sia sabay hawak sa braso ni Raymond. Napatawa ito at tumango kay Sia.
"You got it right."
Napa-buntong hininga ako. Kamamatay nga lang ni Dana pero parang wala lang iyon sakanila. Hindi naman sa gusto ko'ng magmukmok sila, ang gusto ko lang ay isipin ang sitwasyon. Kung tutuusin ay parang napaka-bastos nito.
Kahit na dalawang buwan na ang lumipas, ang mag outing ng ganito ay parang pangbabastos sa namatay.
Sa aming lahat.... Parang ako at si Hana lang yata ang nakaka-alala sa nangyari sa kaibigan namin. Kahit ang Parents ni Hana at Dana... Parang wala lang sakanila.
Napatingin ako sa librong hawak ko. Ikalawang volume ito sa Princess of Argos' death na siyang binasa namin ni Dana noong gabing namatay ito.
Hindi ko na ulit nahanap ang libro kung kaya't binasa ko nalamang ang volume two. Konektado ito kung kaya't medyo nahihirapan akong maintindihan ang mga pangyayari sa pangalawang libro.
YOU ARE READING
The Requiem That She Sang Yesterday
PoetryA series of death causes thousands of conundrums in Rinia Salcedo's group of friends. The overlooked misunderstandings and the millions of hidden jealousy and sinister thoughts slowly unraveled.... Who was behind the curtains?