Princess

10 2 0
                                    

Do not_ do not,
Do not.

Regret is in the end.

The end, the end, oh a requiem.

Requiem! Ahh~ reque reque~ ah~ ahh~

To you, a requ- -

____

Malamig ang simoy ng hangin, katitigil lang ng malakas na ulan at ramdam ko pa rin ang lamig sa bawat paghaplos ng hangin sa balat ko.

Isang kamay ang humampas sa ulo ng radyo dahilan upang magkandaleche-leche ang tinig.

"The heck, Rin? Anong klaseng kanta yun?!" Reklamo ni Dana.

Nakasuot ito ng mahabang necktie at nagkabuhol-buhol ang dulo nito dahil nakatulog si Dana sa kalagitnaan ng online class niya, ang kulot niyang buhok na maayos pa noong umaga ay nagkabuhol-buhol na din at sigurado ako na iiyak na naman ito dahil sa hirap siyang ayusin ito bukas.

"Hindi ko alam, pinabayaan ko lang eh" sagot ko dito, kasalukuyan akong nagbabasa ng mga naka-pondo na libro na nakita ko sa basement ng bahay noong isang linggo, luma na ito pero maganda ang style ng pagkakasulat. Medyo nakakakilabot nga lang kasi halos horror ang theme ng author. Same author, isang buong series.

"Ang weird na nga ng binabasa, creepy pa ang music taste, you're a walking vessel of weirdness, Rinia"

"Heh, dafuq" tawa ko dito, binaba ko ang libro at agad nan niya itong pinulot at binasa ang unang pahina.

"Uy, naalala mo yung gwapong schoolmate natin noon?" Binaba nito ang libro at tumingin saakin

"Sino ba doon?" Tanong ko.

"Yung crush mo noon_ este ex boyfriend, si Raymond"

"Oum, bakit ba?"

"Umuwi na! Nakita ko kanina, mas lalo pa talagang gumwapo doon sa amerika ah"

"Talaga?"

"Kasama niya yung kuya niyang pulis"

Tumango-tango nalang ako, napansin naman niya na hindi ako interesado kaya nagpatuloy nalamang siya sa pagbabasa.

"'I'll check the food', I said and scurried to the kitchen" she read.

"Speaking of food, titingnan ko muna, baka kumukulo na" sabi ko rito at dali-daling umalis doon. Malakas ang boses nito habang binabasa ito pero dahil medyo malayo ang kusina ay medyo muffled lang ang naririnig ko.

"The sound of bells coming from the chapel near our house resounded, it was the third bell and it indicates that it is already evening,"

Imwenestra nito ang kanyang kamay na para bang guro, iyon lang ang huling nakita at narinig ko habang nilalakad ang daan sa kusina.

I hummed a familiar tune habang dahan dahang pinapaikot ang noodles sa tinidor na hawak ko.

Sa kabilang banda naman ay kumukulo ang chicken porridge na pinapaluto ni Dana.

The Requiem That She Sang YesterdayWhere stories live. Discover now