Prologue

657 15 0
                                    

"Tangina, hoy! Nagsasaya tayo rito tapos makikita kitang may kausap na naman sa telepono!"

Nairolyo ko ang aking mga mata sa sita ng isa sa aking mga kaibigan. Wrong timing talaga ang putangina.

"Sir?"

"Yes, approve it, I'll be back to you soon." Sabi ko sa aking sekretarya habang madilim na ang ekspresyon na nakatingin sa aking kaibigan na hindi man lang natakot at nagawa pang itaas ang kanyang kilay.

"Will do, sir." Binaba ko na agad ang tawag at kinutusan ito.

Mangdidisturbo na nga lang, lagi pang sa oras kung saan may katawagan ako na sobrang importante. Tanga-tanga rin mamili 'to ng oras kung kelan ako guguluhin.

Galing mamili, amputa.

"Sabi sainyo eh." Nginisian ako ni Ate Raika nang makita akong bumalik katabi si Kuya Tyron. Madilim parin ang aking ekspresyon pero medyo kalmado narin naman.

I've been so busy for these two and a half past years. Graduate na kami kaya mas pokus na kami sa mga kompanya namin, lalo ako. Maraming mga kompanya ang gustong magkaroon ng shares sa kompanya ko, not to mention those numerous companies who has been trying their best to invest.

Wala namang kaso sa'kin kung hindi sila mag-iinvest, hindi naman sila kawalan. Ako ang kawalan sakanila kaya ako ang hinahabol-habol.

Maintaining my top position as the wealthiest person in the entire world is very hard. That's an understatement. Naipakita ko ang aking potensyal sa industriya kung saan karamihan ay mahilig magpataasan at magpalamangan, at magpapatay kapag hindi na kinaya pa ang kanilang kalaban.

Parehas din naman magiging mahirap kung simpleng tao lamang ako. Ganoon din naman, walang pinagkaiba. May mga taong sisiraan ka hanggang sa mahulog ka pinaka-ibaba, maitataas lamang nila ang kanilang mga sarili kapag may nasira na sila.

Walang duda kung bakit hindi umuunlad itong bansang 'to. Tingin nila ay puro laro lamang ang lahat at hindi magseryoso. Sisiraan ka tapos kapag nahuli, sila pa itong nagkukunyaring sila ang kawawa, mga tanga.

My empire widens every month. I have a lot of real estates, lalo rito sa Pilipinas. I have build a lot of new buildings to provide jobs to those who needs it dahil sariling gobyerno ng bansang 'to ay hindi matugunan ang pangangailangan ng sarili nilang kababayan.

Sa sobrang rami ng aking ari-arian ay minsan nauuwi na lamang iyon sa auction, o kaya ay ibinibigay ko nalang sa aking mga kaibigan. O kaya naman ay hinahayaan ang mga maliliit na kompanya na hawakan ang mga ito para matulungan ko parin kahit papaano na lumago ang kanilang maliit na negosyo.

I got tons of money why not lend a hand and give it to those who needs it? Sa nagdaang taon, marami akong natutunan sa asawa ko, sa rati kong asawa.

She's the kindest person I've met and I know the first thing she will do when she meets a homeless person. Hindi siya magdadalawang-isip na bigyan ito ng matitirhan at bigyan ng pagkakataon na mamuhay ulit katulad ng dati niyang buhay. She won't hesitate to help those who are in state of poverty, kahit alam niyang maraming magsasabi sakanya na pa-show off lang siya para suportahan siya ng karamihan.

"Maraming trabaho." Sagot ko nalang at sinalo ang inihagis ni Ate Saeny sa'kin na ang Heineken na nasa can.

Nasa isang resort kami ngayon, malalim na ang gabi at nagkakasiyahan. Wala naman talaga dapat ako rito kung hindi lang talaga ako hinila ng mga babae paalis sa lamesa ko na punong-puno ng mga papeles.

Punong-punong ang schedule ko simula last week pa, I just opened my first factory in New Zealand, twelfth in total at pagkabukas nun ay biglaang dagsa ng mga gustong mag-invest kaagad.

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon