29

363 12 47
                                    

"Did we had..." hindi ko na maituloy pa ang aking sasabihin, sa kaba na umaahon sa dibdib ko, feeling ko mawawalan ako ng boses, ng dignidad, ng kaluluwa.

Nagawa ko pa talagang itanong kahit halata naman na nangyari nga ang isang pangyayari na hindi inaasahan mangyari. But I still want to confirm it! From his own mouth!

"We had." walang alinlangan niyang sagot, napapikit ako ng mariin at naitakip ang mga kamay sa mukha.

"You remember it?" muling tanong ko.

"I don't recall most, ang tanging naalala ko ay dito tayo napunta sa kwarto ko... and we were kissing, nadala na ako sa impluwensya ng alak."

Fuck.

Where did he do it then? Saan niya ginawa?! Saan?!

Gustong-gusto ko na iyang tanungin sakanya, hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung saan at mukhang pati siya ay hindi rin alam! He only remembers what happened before things got heated up!

Please tell me he didn't do it inside! Please tell me he did not! Hindi ko alam ang gagawin ko kung--

Malalim ang aking paghinga, pilit na kinakalma ang sarili. Huminga ka ng malalim, huwag kang magpadala sa emosyon. Hindi maganda ang mangyayari kung magpapadala.

Hindi naman lahat ay nabubuntis kaagad diba? Iyong ibang mag-asawa nga ay kahit ilang beses gawin, hindi nabibigyan ng pagkakataon na makabuo ng pamilya. Pero ang iba talaga at may fertility problems, at ako, wala! Obviously! Hindi mabubuo si Juwy kung may problema ako!

Hindi sapat ang isang linggo. May mga kaso ng mga nabubuntis na hindi agad nalalaman na nagdadalang-tao sila sa isang linggo, minsan ay umaabot ng ilang linggo pa!

Fuck!

Bakit ba ako nagpadala kagabi?! Sana pala ay nanahimik ako sa isang tabi at hindi na tumanggap pa ng mga inaabot nila pagkatapos ng dalawa-tatlong shots!

Wala sa planong masundan si Juwy! Kung sakali! At wala rin sa plano na mahulog kami sa ganito ulit!

Alcohol is truly menacing.

Hindi nagsalita si JK, marahil ay napapansin ang aking malalim at mabagal na paghinga upang makontrol ang sarili at makapag-isip ng tama, the bed felt light, tumayo ito. Hindi ko alam kung saan nagtungo pero ang hula ko, ay nagpunta sa bathroom dahil naramdaman ko ang paglapat ng isang damit sa aking mga hita.

Sumilip ako, it was a robe. Matapos ang ilang minuto na pagpapakalma ay tahimik ko itong sinuot, pagkakita ko sakanya ay nakasuot na rin ito ng roba.

Pinulot ko ang nagkalat ko na damit, tinupi ko ang mga ito at nilagay sa isang tabi.

"May maghahatid na attendant ng lunch natin, they do room service naman."

So I'm having lunch here? Magrereklamo paba ako? His actions can be considered as aftercare anyway, hindi nga lang iyong aftercare na nasa isip ng tao after the sexual intercourse.

Tahimik lang kaming dalawa, walang kumukuda, kahit noong dumating iyong attendant at naihatid ang aming pagkain ay tahimik lang din kami, sa tingin ko nga, alam na nung attendant ang nangyari dahil parehas kaming nakasuot ng roba at walang imikan sa isa't-isa. Iisipin nito one night stand ang nangyari.

Pero hindi ba ganoon nga nangyari?

Kahit sa aking paglisan sa kanyang kwarto, hindi na nasundan pa ang usapan.

Nanghihina akong napaupo sa lapag sa banyo sa kwarto ko, nag-ala jelly ang mga tuhod ko at basta nalang bumigay nang walang pasabi.

Kinakabahan ako sa magiging resulta makalipas ang ilang linggo. Nananalangin ako na sana pagkaraan ng isang linggo ay alam ko na kaagad ang sagot.

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon