30

400 13 1
                                    

Ten chapters left! Ngayon ko lang napansin na chapter 30 na pala tayo ^^

-

Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa labas, na tumagos sa transparent na bintana sa kwarto at saktong-sakto na tumapat sa aking mukha kung kaya't naantala ang aking mahaba at mahimbing na tulog.

Bumalik ang aking kamalayan sa paligid, mahina akong napadaing nang maramdaman ang sakit ng katawan, ang nag-udyok sa'kin na makatulog agad dahil sa pagod.

Nagsibalikan ang mga pangyayari sa'king isipan mula kinagabihan, naalala ko lahat, walang kulang, simula sa pagsasabi sa'kin ni Juwy tungkol sa sinabi ng kanyang ama sakanya, ang pagpunta ko rito sa penthouse ni JK, ang pag-iyak, ang pagsabi ng mga damdamin...

At ang aktibidad na hindi ko na nabilang pa kung ilang oras ang aming naabot bago tuluyang napagod.

Isang halimuyak ang aking naamoy, halimuyak na kaya kang hilahin at pabaliwin sa unang pag-amoy, nakakapang-akit at napakahirap na hindi ito pansinin.

Gumalaw ang talukap ng aking mata, mula sa pagkakapikit ay dahan-dahan itong dumilat upang makita ko ang paligid, imbis na makinig, makiramdam at maka-amoy.

Malabo sa unang tingin, pero nang tumagal, luminaw narin ang paligid at nakakabaliw ang unang bagay kung saan nahulog ang aking mga mata.

Am I in a fairytale book or what? Ke-aga-aga ganito ang itsura nang kasama ko. Nakaka-insecure. Alam ko namang may maipagmamalaki rin ako pero hindi ko naman nakikita ang sariling pagmumukha kapag bagong gising.

Look how ethereal he's looking right now, ibang level na 'to ng kagwapuhan ng isang lalaki, masasabi mo talaga "He woke up like this", walang ayos na ginawa kahit ang magsuklay, wala. He literally woke up like a Greek God.

"Good morning," his morning voice shook my insides, namilipit ang aking tiyan nang marinig ang boses niya, iyong puso ko, wala na namang pahinga sa mabilis napagtambol. Kulang nalang isasama ko na ito sa banda. Baka sakali manalo siya kasi hindi nagpapatalo.

"Good morning," mahinang bati ko, sapat lang na kaming dalawa ang makakarinig, kahit wala naman kaming kasama sa penthouse, o sa mismong kwarto niya.

Isiniksik ko ang aking mukha sa unan, tinutubuan na ng hiya dahil sa nangyari kagabi.

Ako pala itong unang hahalik. Wala pala talaga kaming pinagkaiba ng pinsan ko, mga nauunang sumunggab, hindi maghintay na sila magkusa.

Grab the chance talaga ang ginawa.

The coldness of his hands made me shiver, kung magkadikit na kami, mas pinagdikit niya kami, tipong dalawang papel na pinagdikit gamit ang isang pandikit. Ang kaliwang braso niya ay naging aking unan at ang kanan ay nakayakap sa aking bewang.

Napakasarap sa pakiramdam, kakaiba ang pinaparamdam. Ito ang akala ko'y aasahan ko nung nagising ako sa kwarto niya noon, hindi ko alam na may mas magandang plano pa pala si Kupido sa'kin at mas pinaganda pa.

Magrereklamo ba ako? Syempre, hindi.

Ang hirap igalaw ng katawan ko dahil sa sakit, limitado lang ang bawat galaw at dapat may pag-iingat. Para akong isang doll na nawala sa isang museum at dapat ang trato ng lahat sa'kin ay talagang dapat na may pag-iingat, hindi basta-basta. It's like I'm worth billions.

"Does your body hurt?" tumango ako at ipinikit ang mga mata, wala pa akong balak gumising pero hindi na ako makatulog pa dahil nagising na ang aking buong kaluluwa nang makita siya.

"I'm sorry, I went a bit rough last night," he softly glides his hand up and down on my waist, sending chills all over my body.

Anong a bit rough? Mas malala pa 'yan sa a bit!

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon