One Shot Story
PANAGINIPAko nga pala si Yukino Alonto, o mas kilala sa palayaw ko na Yuki. Mabait ako, medyo cute na dugyot at tsaka masipag kung minsan. Mahilig din akong mangarap ng gising, bakit ba? libre lang naman ang mangarap diba?
Kasalukuyan kaming naninirahan ni mama sa isang condo sa Manila since college na'ko at dito ko talaga gustong matapos yung kinukuha kong kurso. Bukod pa doon hindi talaga kami sa Manila nakatira ni mama, sa Commonwealth, Quezon City talaga kami totoong naninirahan. Halos walong taon na rin mula noong umalis kami and never na ulit kaming nakauwi para bisitahin yung bahay namin dun. Kaya naisipan ni mama na umuwi muna kami dahil hindi naman sagabal sa pag aaral ko kung umuwi man ako pabalik ng Quezon kasi buhat nang magsimula ang pandemya ay puro online classes nalang kami.
Nang makauwi kami galing byahe, lubos akong namangha sa mga pagbabagong nakita ko. Bukod pa dun kabukod tanging ang bahay lang namin pati yung katapat naming bahay ang hindi nagbago.
Noong nasa byahe kami ni mama naikwento niya sakin yung dati niyang kaibigan na naiwan niya sa Quezon at hindi ako makapaniwala nang malaman ko na kaibigan pala ni mama yung mommy ng isa sa mga pinakasikat na vlogger dito sa pinas na si Jordyn Lee. Sino ba namang hindi makikilala si Jordyn eh napakagwapo niyang lalaki, hindi s'ya ganung katangkadan nasa mga 5'3 lang yung height n'ya tapos ang bait bait pa hindi lang sa mga magulang at kapatid niya pati sa mga fans niya sobrang bait nyang makisama, kaya ang dami niyang fans na babae maging ako aaminin kong adik na adik ako sa kanya. Bukod sa mga vlogs n'ya mahilig din siyang mag cover ng mga sayaw, isa sa mga nagustuhan ko lalo sa kanya.
So ayun... tama na yung kapapantasya ko back to reality. Nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila Jordyn! Medyo kinakabahan pa ako gawa ng baka mabasag ko yung mga mamahaling vase nila baka magbayad pa ako.
Makikita mula dun sa hagdan nilang gawa sa glasses na pababa na si Mrs. Lee kasama yung bunsong kapatid ni Jordyn na si Charlothe Harper Lee (Charlode yung tamang bigkas sa name n'ya hindi Charlot ha yung kay Jordyn is Jorden wag kayong malito).
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Charlothe at sabihin sakin na "ate na-miss po kita ng sobra, pwede po bang tulungan mo ako tungkol kay kuya, hindi po siya masaya ngayon eh" she whispered.
Then nagulat ako kase hindi ko inaasahan na kilala ako ni Charlothe "ahm... sorry Charlothe ha, pero hindi ko kase maalala na kilala mo ako. At pa'no mo nga pala ako nakilala?" I replied.
"Eight years ago, ikaw po yung lagi kong kalaro diyan sa may harap ng garden namin hindi ko po yun makakalimutan kase ikaw po yung itinuturing kong ate noon" kwento niya.
Hmm.. maybe kaya hindi ko sila malala kase lumipat na kami ni mama sa isang Condominium sa Manila, para doon ko maipagpatuloy ang pag aaral ko at ngayon lang ulit kami nakabalik dito sa Commonwealth, Quezon City dahil gusto daw makita ni mama yung dati nyang kaibigan which is si Mrs. Lee pala!
"Ah ganun ba Charlothe, ano bang problema ni Kuya mo?" oo nga pala kuya ko nga din pala si Jordyn since 5 years yung pagitan ng age namin and 19 lang ako huhuuu T^T.
"Ganito po kase ate gusto ko po kasing maging girlfriend ka ni kuya" nahihiya niyang sabi sakin.
"A-ano?! bakit ako? eh hindi ako nababagay para sa kuya mo.. alam mo na... masyado siyang perfect para maging boyfriend ko at isa pa diba mayroon na siyang girlfriend? nakikita ko pa nga sa vlogs n'ya minsan."