PROLOGUE
"Yeah, they say when we grow up
You'll understand when you're older
Guess I'm still a kid, I don't know it
If I'll ever let go of this"
panaginip?
Tama isa nanaman itong panaginip. Nandito nanaman sya....
Sinundan ko ang boses ng babae at tunog ng piano hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang mahabang pasilyo na may isang kwarto. Sadyang kakaiba ang kwartong ito at doon nga nanggaling ang boses.
'alam kong siya yon...'
"Say goodbye to the old me
We ain't friends anymore, you don't know me
I know I could die any moment
If I do, just remember this..."
sumilip ako sa pinto at bumungad saakin ang isang pamilyar na kwarto pero wala akong ibang nakikita kundi ang isang babae na nakaupo patalikod saakin at tanging liwanag muna sa bintana lang ang nagbibigay ilaw para makita ko sya.
" Anger's a liar, he ain't got no respect
I fell in love with my pain, and I slept with my regrets
Happiness saw it happen,
maybe that's why she up and left..."
Dahan dahan syang lumingon saakin
"People change, even Satan used to be an angel--"
Tumayo sya mula sa pagkakaupo at luhaang lumapit saakin habang may bumubulong ng mga salitang hindi ko maintindihan. Papalapit na sya at dahil doon ay napapikit nalang ako.
'bakit ba hindi ako makagalaw?!'
Gusto ko nang umalis pero parang may nagtutulak saakin na pakinggan sya.
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at ganon nalang aking pagkagulat ng makita ko ang sobrang lapit na mukha nya na puno ng pasa at ang dugo na tumutulo sa kanyang bibig.
"S-save me....find h-him! " nanlilinsik ang mga matang aniya saakin dahilan para mapaupo nalang ako sa takot.
Ayoko na dito, isa lang itong panaginip at ayokong maniwala. Nag angat ako ng tingin sakanya pero hindi na nakakatakot ang mukha nya.
Mukhang kalmado sya at blangko ang ekspresyon ng mukha nya. Pulang pula ang mahabang buhok nya at sobrang puti ng balat nya. Hindi na sya nakatingin sakin pero randam ko ang matinding galit nya
"I'll be back...and no one can stop me." bulong nya at-
Bang!
"LUNA!"
"LUNA ANO BA?!"
Nagising ako at hinihingal na bumangon mula sa pagkakahiga
"Binabangungot ka, buti nalang napadaan ako sa kwarto mo" nagaalalang sambit ni Manang Nory at inabutan ako ng tubig.
Napanaginipan ko nanaman sya. Hanggang kailan ko ba sya makikita sa panaginip ko?
Kumilos ako at nagpaalam na bibili ng mga gamit sa school dahil may pasok nanaman bukas. Dumaan muna ako sa garden ng bahay at pumitas ng ilang bulaklak dahil may dadaanan pa ako
"Sa Cemetery po" saad ko sa driver at tumango naman sya.
Pinagmasdan ko ang daan papunta sa sementeryo
Pang ilang buwang dalaw ko na ba to?
'bakit wala pa rin nagbabago?'
Nakakalito, nakakaba at masyado na akong naaapektuhan ng mga panaginip ko.
Lagi nyang sinasabi na babalik sya at maghihiganti, kailan?
"ma'am nandito na po tayo" nilibot ko ang paningin ko at bumaba agad ng kotse.
Sa totoo lang, ito ang paborito kong lugar sa lahat.
Tahimik..
Malamig..
Pinuntahan ko ang puntod nya at nilinis ang mga tuyong bulaklak na nagkalat sa puntod nya.
Pinagmasdan ko ang nag iisang larawan na nalagay sa lapida nya
'Siya' ang babaeng laging nasa panaginip ko.
Binasa ko ang nakasulat
"I will forever be still on your side"
"-Empress Lewis..."
YOU ARE READING
TWO SOULS [ON-GOING]
Teen FictionWe always come back for two reasons - To fix mistakes, And to take what's ours...