Luna's POV
Kasalukuyan akong nakatitig sa kawalan habang nakahiga parin sa kama ko. Araw-araw nalang parang palaging pagod ang utak ko kahit minsan wala naman akong iniisip.
Parang gusto ko nalang matulog magdamag at wag na pumasok sa school pero kailangan tsk!
Tamad akong bumangon at naghilamos bago pumunta sa kusina. Bago pa ako makababa sa hagdan ay pinagmasdan ko ang buong bahay, sobrang tahimik.
Paniguradong wala nanaman si dad at tulog pa si Chase.
Masyadong malaki itong bahay para saaming tatlo pero okay lang naman saakin, ayoko ng masikip.
Puro katulong lang lahat ng kasama ko dito ngayon pero hindi ko sila nakikita madalas. Lahat din ng body guards ng pamilya namin dati ay hindi ko na makita ngayon. Ang sabi ni Chase ay mas mabuting wala nang body guards para mabuhay ako ng normal
hindi katulad ng dati..
"Manang Nory?" tawag ko sa mayordoma ng bahay
"Manang Nory!" sigaw ko dahil baka hindi nya lang ako naririnig sa sobrang lawak ng sala. Nagmamadali naman syang lumapit saakin na parang takot pa
"M-ms. L-luna" utal pang tawag nya saakin.
"Nagluto po ba kayo ng breakfast? Nagugutom na ako eh" nakahawak pa sa tyan na sabi ko at binalewala ang pag pagiging kabado nya.
Sinundan nya naman ako sa kusina at umupo ako sa mahabang lamesa. Inayos nya ang plato at kutsara. Nagtaka naman ako ng ilapag nya ang dalawang uri ng baso at isa na don ang wine glass
"Manang bakit po may wine glass?" takang tanong ko. Lumapit naman sya saakin at inabot ang isang bote ng wine pero hindi ko ito tinanggap kaya takang tumingin sya saakin.
'bakit ba ako iinom ng ganon eh ang aga-aga?'
Baka puyat lang si manang.
"M-madalas nyo po kasing ibilin saakin dati na kailangan pag gising nyo ay may wine kayo" nakayukong sabi nya
"Pero ang aga pa po, ayokong uminom ng ganyan"
"Madalas po kasi kayong magalit kapag-"
"Bakit naman po ako magagalit?" putol ko sa sinasabi nya. Takang napatingin naman ulit sya saakin
"Wala pa po ba kayong maalala?"
"Ang alin?" ako naman ang nagtaka
"Dati-"
"Goodmorning, manang pakiready ng kotse ko please." hindi ko namalayang pumasok na sa kusina si Chase at lumapit saamin kaya hindi na natuloy ni manang ang sinasabi nya
"Manang ano po yon?" tanong ko ulit
"Two months na po--"
"Ako nang bahala kay Luna, manang." walang emosyon na sambit ni Chase at napatango nalang si manang at saka lumabas ng kusina.
"Ano ba yon?"
"Wala kumain kana."
'Ang sungit talaga nito!'
Tinignan ko nalang ang mga pagkaing nakahain pero-
whattt
'PURO GULAY!' T_T
YOU ARE READING
TWO SOULS [ON-GOING]
Teen FictionWe always come back for two reasons - To fix mistakes, And to take what's ours...