Chapter 6
NATHAN LOUIS POV
"Okay! It's already time!Pass your paper forwards."
Isa-isa namin pinasa yung mga test paper namin papaharap hanggang sa makolekta na ito lahat.
"Ok! Your scores will be added on your grade so i hope you answered the questions correctly. That's it for today class dismiss"Saad ng prof. Agad kaming nagsitayuan at isa-isang naglakad papalabas.
"Hayss sana naman mataas score ko! Babawasan na naman ni dad yung allowance ko kapag mababa grades ko!"Saad ni Ella sa tabi ko.
"Madali lang naman yung test ah?"
"Para sayo."Sagot nito. Hindi nalang ako umimik sa sinabi nito at baka nahirapan nga siya sa test.
"Nathan,Wait!" Napatingin kaming dalawa ni Ella sa likod namin. Nakita naming tumatakbo papalapit dito si Tristan pati ang mga ibang istudyante ay nakatingin sa kanya.
"Bakit?"tanong ko.
"Ahm are you free now?"tanong nito.
"Ahm..may practice kami nila Gio para sa tournament namin kaya kailangan kong umalis,bakit?"
"Hindi ka naman ata magtatagal don diba?"
"Ah Oo bakit?"
"Then i'll come with you!" Nagkatinginan kami ni Ella.
"Ah....San ba tayo pupunta? Sabihin mo nalang yung place at oras, pupuntahan nalang kita." Saad ko.
"No, we're going to the house together"
"Bessy pumayag ka na. Kanina pa tayo pinalilibutan dito. Ano? May palabas?" Bulong ni Ella sakin. Napatingin naman ako sa paligid ko at nakita kong marami ngang nakapalibot samin.
"Bahala ka." Saad ko at naglakad papalayo sa kanila. Sumunod naman sakin yung dalawa.
"Ah bessy alis na ako. papagalitan ako ni dad ei sayang, gusto kong sumama" Saad ni Ella. Ang dad ni Ella ay sobrang strikto sa kanya simula nang mawala ang ina nito kaya minsan ko lang nakakasama si Ella sa labas.
"Oh sige, Ingat ka." Saad ko. Tumango naman ito at kumaway-kaway tas pumasok na sa kotse nito.
"Let's go." Saad ni Tristan at naglakad kami papuntang sasakyan nito tas sumakay na kami at dumiretso na patungong condo ni Gio.
Pagkarating namin sa condo ni Gio ay agad kaming nagdoorbell at maya-maya ay binuksan narin ito. Nakita kong napatingin at napatulala si Gio kay Tristan ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.
"Ah Gio, kaibigan ko pala si Tristan. May pupuntahan kasi kami mamaya pagtapos nito kaya sinama ko na lang siya dito"Saad ko dito. Napabaling naman ito sakin.
"Ahm Hi i'm tristan, nice to meet you" Saad ni Tristan at nakipagkamay kay Gio. Tila naman nanigas si Gio sa kinatatayuan nito at napatulala na naman kay Tristan kaya nagtaka ako.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by a Mafia boss
General Fictionwhat would you do if someone kidnapped you? Reminder:The photo used in book cover is not mine. Credits to the real owner. Warning; SPG and MPREG : This story contains mature scenes NOT suitable for very young audiences 9/13/21