“No, no, no, please, Amex. . . Huwag mong gawin ‘yan, please,” pagmamakaawang iyak ng lalaki habang hinahawakan ang duguang braso ng babaeng pinakamamahal niya. Hawak-hawak niya kasi ang baril na pag-aari ng pulis sa tabi nila matapos siyang saksakin ng lalaki. Ngayon ay itinututok niya na ito sa kanyang ulo. “Hindi ito ang kailangan natin. . . Hindi ito ang sagot.”
Habang napakahigpit ng hawak ng babae sa baril ay humahagulgol ito sa sakit at poot. “Ito lang ang alam ko, Kenin. Ito lang alam ko na makakapagpalaya sa mga puso natin. . . Kunin mo na ang kutsilyo at sabay na tayong magpakamatay.”
“Hindi!” mariing angal ni Kenin at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa manipis na braso ni Amex. “Makakaalis tayo dito nang buhay. . . Makakatakas tayo nang buhay. Maniwala ka.”
“Hindi na tayo makakatakas dito, Kenin. . .” iyak ni Amex na nawawalan na ng pag-asa. “Mga kriminal tayo. . . Tinutugis na tayo ng mga pulis. . . Kapag nahuli nila tayo, papahirapan rin naman nila tayo. Mas mabuti nang magpakamatay tayo nang sabay para magkasama pa rin tayo sa kabilang buhay. Baka nga hindi talaga tayo itinadhana sa buhay natin ngayon. Pero, sa susunod, hahanapin kita, Kenin.”
“Pero, mahal ko.” Unti-unti nang lumuluwag ang pagkakagapos niya.
“Maniwala ka sa’kin.”
Nagulantang sila nang marinig nila ang papalakas nang wang-wang mula sa kabilang bahagi ng pader ng abandonadong pabrika ng tsinelas na kinalalagyan nila. Papalapit na ang mga pulis na tutugis sa kanila.
Hinila ni Amex ang kutsilyo na nakasaksak pa sa ulo ng nakahilatay na pulis. Bumalik ang paningin niya kay Kenin at binigay ito sa kanya na mantsado ng nakasusulasok na dugo.
Nanginginig ang mga kamay ni Kenin nang kunin niya ito kay Amex. Hindi siya sigurado sa gagawin nila. Hindi siya sigurado kung tama ba ang gagawin nila. Ang pinapanalangin niya lamang ay magiging totoo ang sinasabi ng pinakamamahal niya.
“Magbibilang ako ng tatlo at sabay tayong magpapakamatay,” sabi ni Amex na pinipigilan ang sarili na umiyak pa.
“Sandali lang,” saad ni Kenin. At tila tumahimik na ang mga wang-wang sa labas. Hinawakan ni Kenin ng malaya niyang kamay ang madumi at duguang mukha ni Amex at dahan-dahan siyang lumalapit sa mukha ng dalaga. Mangiyak-ngiyak man ay lumalapit na rin si Amex. Hanggang sa magkasalubong na ang kanilang mga labi. Nanatili silang magkadikit hanggang sa narinig nila ang mga pulis sa labas.
“Napapalibutan na namin kayo! Ibaba ninyo ang inyong mga armas at hindi namin kayo sasaktan. Marami kami. Hindi na kayo maakakatakas pa.”
Naghiwalay na ang kanilang mga labi pero magkadikit pa rin ang kanilang mga noo. Habang nakatitig ang mga mata ni Amex na napupuno ng mga luha sa mga mata ni Kenin ay nag-umpisa na itong magbilang.
“Isa.”
“Dalawa.”
At malakas ang pagsabog sa bakal na pinto ng pabrika. Bumukas ito at bumungad sa mga pulis ang duguang magkasintahan.
“Hinto!” sigaw ng isa habang itinututok sa kanila ang dalang baril. Sa likod niya ay ang iba pa niyang mga kasamahan.
“Tatlo.”
YOU ARE READING
ST. VALENTINE'S LAW
General FictionWhat will you do if you live in a country where the government chooses who you must love and marry? Obey or fight and become criminals? . . . o0o . . . DENIECE MURRIE, is a girl who's not into "wattpad-like" boys. Act...