"Mika gising na, male-late na tayo sa work!" Sigaw sakin ni Jane ang boardmate ko slash bestfriend at kasamahan ko rin sa work"Maaga pa naman Jane mga 3-minutes pa please.."
"Aba Mika nanagininip ka na naman siguro noh? Bumangon ka na jan anong oras na oh" sabay higit niya sa paa ko
"Arayyy! ano ba yan oo na po eto na babangon na"
Bumangon na ako at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa may cabinet ko at sabay naligo. Si Jane talaga ang orasan ko lagi kapag di pa ako nagigising sa masarap kong pagkakatulog. Maliban sa paghigit sa paa, tinatalamsikan din niya ako sa mukha ng tubig pati pinipitik ang aking tainga.After 7-minutes na paliligo ko natapos na rin ako at nag-bihis ng uniform namin sa work.
"Bilisan mo na Mika!!" Pag-aangaw na naman ni Jane saakin
"Oo na eto na!" Nag sapatos na ako at lumabas ng dorm, normal nalang saming dalawa ang magsigawan sa umaga
"Oh tara na" paga-akit ko sa kaniya. Sabay na kaming nag antay ng taxi at ng may dumaan ay pinara na namin ito at sumakay.
"Oy Mika umamin ka nga napanaginipan mo na naman ba yung lalaki na lagi mong nakikita sa panaginip mo kaya ka tinanghali na naman ng bangon?" tanong sakin ni Jane
"Oo eh, alam mo ba dun sa panaginip ko ngayon may binigay sya sakin eh isang rosas, pero alam mo ang weird kasi black yung rosas eh"
"Epekto na yan ng pagpu-puyat Mika Ebook ka pa ng ebook eh" pang-aasar nito, Eh sa maganda rin magbasa ng mga stories sa ebook
Simula ng mag-18 ako nag simula na kong managinip dun sa lalaki na tinutukoy ni Jane na nakikita ko sa aking panaginip. At ngayong 25 na ako ay tuloy parin ang pag paparamdam nito sa panaginip ko,pero di ko siya makilala at sigurado naman akong di ko siya kilala? Nakarating na kami sa office at dumiretso na ko saaking table. Mga ilang minuto dumating si Boss Vic.
"Announcement, makinig ang lahat meron kayong makakasamang bago ninyong ka office mate, sana'y maging kaibigan niyo siya threat him as your family and also respect him" him ibig sabihin lalaki.
Maya-maya ay may pumasok na lalaki at tumayo sa may harapan naming lahat, bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang lalaking iyon.
Matangkad siya maputi at medyo singkit ang mata. Tsaka matangos-tangos ang ilong. At ang mas nakakabighani sa kaniya ay yung taling o nunal niya sa may parteng leeg,dahil nakadagdag ito sa ka-gwapuhan niya.
"Guys, Meet Mr.Andrew Lee" pagpapakilala ni boss.
"Hi , I'm Andrew Lee you can call me Drew for short or just call me by my name if you want also"
Nagpalakpakan naman sila at bigla siyang napatingin sakin bigla naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Halos lahat ng office mate kong babae dito ay kinikilig sa kaniya kahit wala pa naman itong ginagawa na ikaka-kilig nila.
"Okay Mr.Andrew your table is in the right side of Ms.Mika Marquez" Pag minamalas ka nga naman katabi ko pa. Pero bakit ganon ang weird ng pakiramdam ko?
"Thank your sir Vic."
Pumunta na siya sa table niya at ako naman ay tinuloy ang pag tatype sa aking computer. Dahil may kailangan akong ipasang mga documents sa aming manager after namin mag leave.
"Hi Miss Mika Marquez" bati nito sakin ng nakangiti ng bongga
"Ah, eh hello Mr.Andrew Lee"
"Hope well get along"
"Su..sure" sabay ngumiti siya.. shet nakaka inlove ngiti niya. Habang nakatutok ako sa conputer ko hindi ko maiwasan ang pag tingin-tingin ko kay Andrew. Bigla naman niya akong nahuli sa pagtingin ko sa kaniya
YOU ARE READING
I'm Inlove With You Since 2003
RomanceMika Edzel Marquez a girl who admired a man, that she encountered in her job. A man that make her feel the love, care and having attentions for all the time. Andrew Walter Lee a strange person that enter Mika's life to make his promise come true.But...