Ang Kabubuuan

0 0 0
                                    

Ang punyal sa ilog Tarazaran

Kasalukuyang naghihirap ang nayon ng Gildera dahil sa sumpang iniwan ng diyos ng hangin na si Ihipo buhat nang mag-sunog ang taumbayan ng nasabing lugar ng mga napakaraming kemikal para sa kanilang eksperimento.

Labis itong nakapinsala sa hangin na siyang kinagalit ni Ihipo. Mula noon ay iniwan niyang nakatali ang ibon ng kalayaan sa napakalaking puno ng narra gamit ang mahiwagang lubid na hindi matukoy kung ano ang makakaputol nito. "Makinig kayo, mga mamamayan ng Gildera! Magwawakas lang ang inyong pag-hihirap sa oras na mapakawalan niyo ang ibon ng kalayaan mula sa pagkakatali nito sa mahiwagang lubid. Dapat niyong matutuhan ang limitasyon niyo bilang tao. Para saan pa ang panibagong kagamitan kung nakakapinsala naman ito sa kalikasan? Mga
mang-mang!" at biglang naglaho kasabay ng hangin si Ihipo, ang diyos ng hangin.

Labis na nangamba ang mga tao. Naging mahirap ang pag-papatubo ng mga halaman at nagkasakit ang karamihan sa mga hayop sa bayan ng Gildera kung kaya't naging salat sila sa pag-kain.

Isang araw ay ipinatawag ng pinuno ng Gildera ang taumbayan. "Aking mga mamamayan, alam kong alam ninyo na labis na nag-hihirap ang ating bayan ngayon, kung hindi tayo agad gagawa ng aksiyon ay mamatay tayong lahat." Umugong ang mga bulungan ng mga mamamayan ng Gildera sa sinabi ni pinunong Hakob.

"Kung kaya't inuutusan ko ang bawat kalalakihan ng bayan na ito humanap ng paraan upang maputol ang mahiwagang lubid na gumagapos sa ibon ng kalayaan. Ang sino-man na makaputol sa tali ay siyang ipakakasal ko sa isa sa aking mga anak, at magkakaroon ng mataas na katungkulan." Matapos imungkahi ni pinunong Hakob ang kaniyang anunsyo ay kumilos agad ang mga kalalakihan sa bayan ng Gildera.

Maraming sumubok, ngunit walang nag-tagumpay na maputol ang mahiwagang lubid kahit na ginamitan na nila ito ng iba't-ibang armas gaya ng itak, espada, palakol, lagari, at marami pang iba.

Sa kabilang dako ang isang dilag na nag-ngangalang Akilali ang naglalaba sa ilog ng tarazaran kasama ang kaniyang ina at iba pang kababaihan sa bayan ng Gildera. "Tunay na nakahahabag ang ating bayan ngayon, nawa'y may isa na sa mga kalalakihan ng ating bayan ang makaputol ng mahiwagang lubid na gumagapos sa ibon ng kalayaan upang matapos na ang pag-hihirap natin na ito." maramdaming ani ng ina ni Akilali.

"Paano naman ina kung hindi pala lalaki ang makakaputol no'n? Paano kung babae?" kuryoso ang dalagita.

"Nako anak, ang mga naglalakihang kalalakihan nga ng Gildera ay hindi kaya, pano pa kaya ang babae? At sino naman ang babaeng mangangahas na pumutol sa napakatibay na lubid na iyon?" Natatawa pang wika ng kaniyang ina.

"Ako, ina! susubukan kong wakasan ang sumpa ng diyos ng hangin!" Gulat ang gumuhit sa mukha ng ina ni Akilali nang marinig ang sinabi ng anak samantalang nag-tawanan naman ang mga kasamahan nila sa pag-lalaba."Nahihibang na ang iyong anak, Amanda!" patawa-tawang sabi ni aling Rosa. "Siya ba naman daw ang tatapos sa sumpa? Napaka suntok sa buwan ng iyong pangarap hija, Mabuti pa'y mag-sanay ka nalang sa mga gawaing bahay ng may pakinabang ka sa iyong mapapangasawa sa hinaharap." Labis na nalungkot si Akilali sa kaniyang mga narinig kung kaya't tinapos niya agad ang paglalaba upang makauwi na at magakapag-pahinga.

Kinagabihan ay pumunta muli si Akilali sa ilog ng Taranzara bitbit ang isang gasera. Habang sinisipa sipa niya ang mga bato sa tabing-ilog ay naaninag niya ang iilang mga basura at tila mantika na lumulutang lutang sa  tubig.

Pinulot niya ang mga basurang nakita at inilagay sa buslo na kaniyang nakita sa batuhan. Hindi maatim ni Akilali na makita ang tila kemikal na mantika sa ilog kung kaya't pinunit niya ang iilang bahagi ng mahabang kasuotan upang salain ang kemikal na ito, nag-tagumpay naman si Akilali sa paglinis nito at saka siya umupo sa malaking bato katabi ng ilog.

ANG PUNYAL SA ILOG TARAZARANWhere stories live. Discover now