March 27, 2010.
Graduation Day....
I'm walking along the aisle and everyone's eyes are looking at me....
Ang katapusan ng pagiging buhay studyante ko ngunit simula ng panibagong yugto ng buhay ko.
Bukas paggising ko... ibang buhay na ang haharapin ko. Mas makatotohanan. Realidad. Buhay kung saan kailangan kong maging matatag. Buhay kung saan malalaman ko ang tunay na kahulugan ng salitang MAG-ISA..
Habang suot-suot ko ngayon ang kulay asul na bestida na regalo niya, ang kulay itim na sapatos na binili niya at ang makikinang na alahas mula sa kanya. Masasabing kong hindi ko nahuhuli sa uso dahil sa kanya.. Dahil sa aking AMA.
Ang aking AMA na kailan man ay hindi ako hinihindian sa anumang bagay na aking hilingin.
Ang aking AMA na nagparamdam sakin ng walang katumbas na pagmamahal.
Ang aking AMA na kinaya ang salitang "SAKRIPISYO" para sa amin. AKIN..
Ngunit hindi ko alam....
Na sa bawat pera na kanyang pinapadala, dugo't pawis ang puhunan.
Sa bawat regalo na nais kong bilhin, lungkot ang kabayaran.
Sa bawat alahas na kanyang ipinupundar, luha ang kapalit.
At sa bawat tsokolate na aking kinakain, hirap at sakit.
Ngunit sa pagkakataon na ito, nais kong suklian ang bawat sakit, lungkot, at luha na kanyang naramdaman sa pamamagitan ng mga medalyang nakasabit sa aking leeg. Sa diploma na tangan ko at mga sertipikong nagpapatunay na magiging proud ka sakin.
Sa araw na to, susuklian ko ng kasiyahan ang bawat sakripisyo mo.
Ang pagtitiis ng pag-iisa.
Ang malayo sa pamilya.
Sa araw na ito, sisiguraduhin kong kung saan ka man ngayon isisigaw mo ang katagang "ANAK KO YAN!"
At sa araw na ding ito, suot ang toga ko, hawak lahat ng medalyang inaalay ko sayo. Mararamdaman ko ang maging mag-isa.
Na habang nakatingin ako sa larawan mo na nakangiti, siya namang pagtulo ng luha ko. ang pagsakit ng puso.
Magmamartsa ako, ngunit hindi sa graduation hall kundi papunta sa himlayan mo. Sa araw ng pagtatapos ko, hindi valedictorian address ang sasambitin ko kundi ang pamamaalam ko sayo.
Hindi mo man lang masisilayan ang bunga ng mga sakripisyo mo.
Na ako, na iyong ANAK.
Maglalakad sana papuntang entablado para ihatid mo, para sabitan ng medalya at para sabhin sayo na "PA.. PARA SAYO TO. IYONG HARDWORK MO!"
Ang sakit lamang isipin na sa mismong araw na to. Ang araw ng pagtatapos ko... ay ang araw din ng pag iwan mo sa amin.AKIN.
Maraming.. maraming....salamat!!
AMA...
Paalam...
A/N: Yeahhhh.....Yeahhhh.... Beng!!! Hindi ko alam kung bakit ko sinulat ito. Hahaha nakasakay lang ako sa padyak at may narinig akong kanta then naisip ko ito. Ewan ko kung bakit!!!
Pasensya... medyo latak at maraming flaws ang one shot na to. Sadyang naisipin ko lang talaga. But anyway, sa mga makakabasa nito na Graduating students... Sa oras ng pagtatapos niyo.. Take that as an opportunity to thank your parents for all the hardwork and hardship para sa inyo....
Yun lang.. ENJOY :))
SHARE..... COMMENT.... LIKE....