LIGAWAN 1VS.1

288 22 29
                                    

Sa panliligaw,

     dahan-dahan lang,

Wag magmadali,

     maging marahan,

Relax ka lang,

     wag kang kabahan,

Saka sabihin,

     ang nararamdaman.

Dumiretso ka lang,

     wag kang liliko,

Upang sa pag-ibig,

     di ka mabigo,

Masgsalita ka,

     mula sa'yong puso,

Ingat ka lang at,

      baka ka mabunggo.

Kung ika'y nabigo,

     tumayo kang muli,

Muli kang sumubok,

     wag mag-atubili,

Bilisan mo lang,

     baka ka mahuli,

Pero wag ka lamang

     Sige nang sige.

Ho'y pare ko'y,

     ito'y pakatandaan,

Na sa panliligaw,

     ay di paunahan,

Na kung minsan,

    ika'y sinusubukan,

Na ang babae,

     pakipot kung minsan,

Hindi masamang

     sumunod sa bago,

Basta tunay

     syang nasa puso mo.

LIGAWAN 1VS.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon