| A L Y S S A -/
Ang buhay ay parang pagsulat ng isang storya, di mo alam kung saan ka magsisimula, kung anong gusto mong mangyari at kung ano ang ending nito. Pero sa totoo lang di ko pinoproblema kung anong gusto kong mangyari at yung ending, dahil WALA PA AKONG NASIMULAN.
Walang nasimulan dahil walang naaalala, walang alam, walang clue wala as in WALA! Napatanong nalang ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay. Bakit? Wala na ngang naaalala bulag pa HAHA ang ganda ng buhay. Nakakapucha.
Bakit pa ba ako nabuhay? Eh, wala ngang donor para sa mata ko eh. Yung parents ko sabi nila mahal ako at ramdam ko naman yun, pero sarili ko hindi ko mahal.
AKO NA ATA ANG PINAKAMALAS NA TAO SA MUNDO! Akalain mo yun? Yung wala kang naaalala, di ka makakakita, may depression ka pa. Aba ang ganda ng buhay! Sa sobrang ganda gusto ko ng matapos to tangina.
"Aly," tawag yun ni papa, alam ko.
"Ano po yun tay?"
"Hali ka muna sa sala,bilis."Kung makapag demand ng "bilis" parang di ako bulag pero sige. Itong stick na to ang naging bestfrend ko. Naging gabay ko na ito kahit saan paman. Alam ko na ang bawat sulok ng bahay kaya di na ako nahihirapan, nasanay na din. Pero sa America kami ngayon, ewan ko nalang sa Pinas. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan.
"Anak, may importante akong sasabihin sayo," malamang tinawag mo ako,eh. Sabi ko sa sarili.
"Ano naman yun dad?" Mahina kong tanong.
Naramdaman ko ang pag galaw ng mga labi niya, ngumiti ito. Parang nae-excite ako pero ewan haha. Ewan.
"Finally anak! May eye donor ka na" at niyakap niya ako. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking mga bibig. Ang saya ko, SOBRANG SAYA!! Excited na akong makita sila, yung paligid, kung gaano kaganda yung Amerika, kung sino yung magiging kasama ko habang buhay...yung taong mahal mo. HOI ALY LAYO NG INIISIP MO! Hay."Kailan mo ba gusto magpaopera anak?"
"Pwede po ba sa susunod na araw tay?"
"Wow anak! Di halatang excited ka ano?" Sambat ni nanay hahaha pasensya na po, tao lang na bulag na hindi makapaghintay na makakita ulit.
"Pwede naman,eh. Matagal na tayong nagpacheck up at kaibigan ko lang rin yung may-ari kaya kung gusto mo sa susunod na araw, sige."
YEEEES NAMAAAAN! Hahaha gusto ko talaga to! Yung mahal ka nila :)
"Tara anak, ako nalang ang magaayos sa gamit mo, gabi na. Magpahinga ka nalang" malamyang utos ni nanay.Sumunod naman ako sa kanya. Pumunta lang ako sa kwarto at napahiga. Salamat, Lord. Kakaisip ko lang kanina na wala pa akong eye donor pero pagktapos ng ilang minuto, meron na. Ang bait Mo talaga.
Bigla akong napaisip, ayaw ko to. Nung nagiisip ng malalim. I have demons in my head. Hirap kontrolin. Pero di ko maiwasang tanongin ang sarili ko. Kung makakakita ka na anong gagawin mo? Sa tingin mo may silbi ka na dahil nakakakita ka na? Sa tingin mo babalik ang lahat sa normal dahil nakakakita ka na? May silbi ka na,ha? May silbi ka na? BUHAY KA PERO PARA KANG PATAY! Wala kang silbi! Wala! Wala!
No, not again. Please. Not again.At umiyak nalang ako.
Yung mga demonyong nagbubulung-bulongan na wala akong silbi. Worthless,usless, walang purpose sa life, kahihiyan. Ang sakit. Ang sakit. Umiyak lang ako ng umiyak. Bakit ako ganito? Umiiyak lang sa ganoong dahilan? Pero mabigat rin kasi eh, masakit.
Pinlay ko nalang yung DVD player ko. Music saved me. Or maybe "saved" is not the perfect term. It just helped me ease my pain. Nagplay ang isa sa fave songs ko. Better Off Dead by Sleeping with Sirens.
Bawat lyrics. Tagos. First verse palang pero ang sakit. Nakakamanhid. Hanggang sa malapit na sa chorus, mas lalo pa akong umiyak. Umiyak sa sakit, umiyak dahil bawat salita sa kantang to'y gustong sabihin ng bibig ko.

BINABASA MO ANG
She was the One
FanfictionOur brain may forget who these people are, what's in the past. Our brain may forget EVERYTHING but our heart, our dearest heart, will never forget who made it beat faster. It will never forget who gave you the spark despite of your brain forgetting...