| D E N N I S E -/
"Den," my dad called. Agad naman akong bumangon sa kama ko. Minsan di ko naiintindihan kasi yung isip ko tagalog ng tagalog pero yung bibig ko english ng english. "Yes, dad? Come in." Sagot ko naman. Binuksan ni dad yung door at lumapit sa akin. Tumabi siya sa akin sa kama at nagsalita. "Den, I have a really big favor for you. I know this will be hard but, will you do this for me? For my friend?" Nalito naman ako kung anong klaseng favor yun kaya nagtanong narin ako. "What favor is it, dad?" Napabuntong hininga yung dad ko. Kinakabahan ako kasi feeling ko malaking favor talaga to. "I transferred all your patients to another doctor, you have another job, to take care of my daughter's friend." Nagulat ako.
"What!? You transferred all my patients to another doctor!? It's my responsibility! It's my job! Why do you keep on interfering!?" Nagalit ako dahil sa gulat. "Den, please listen to me." Kalmang boses niya.
"It's for my friend. All you have to do is to be with her. That's all. Take care of her, talk to her, feed her, everything!" "Why me!? Why does she even need my care?"
"Because she's blind, Den. Her parents went back to the Philippines because there's a problem in their company. And because... I know that YOU can take care of her. Please." Pagmamakaawang boses nito. Nag-highlight talaga sa akin yung YOU. Hindi pa sapat yung sagot niya. Gusto ko parin yung totoong sagot kung bakit ako.
"Is that all, dad?"
"Yes Den, that's all."
Hindi naman pala mahirap eh! Nagalit lang ako kasi yung mga patients ko, pero sige nalang. "Okay dad, I'll do it." Kalmado na ako ngayon. Inabot ni Dad yung balikat ko. He rubbed my shoulder. "This will be hard for you Den, really hard. But I know you can do it. Thank you." Hinalikan niya ako sa noo at agad na lumabas. Hindi ko naiintindihan kasi madali lang naman yun eh, alagaan siya, kausapin yung mga ganun pero bakit sabi niya mahihirapan ako? Tapos nangibabaw pa yung "YOU can take care of her." Alam kong may tinatago sa akin si Dad, alam ko. Pero huli na kasi lumabas na siya at papunta na yun ng hospital. Too late na para magtanong kaya tumayo nalang ako at inayos sarili ko. As in ayos na ayos. Ayokong mapahiya kahit na bulag siya. Gusto ko parin presentable yung dating. Yung malinis. Maliligo na ako at pupunta na ako sa hospital.Sumakay na ako sa sasakyan at pumunta agad. 15 minutes lang yung biyahe papunta doon. Habang bumabiyahe, hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi niya kanina. Pwede naman kasing "I know you can take care of her" pero bakit nilakas niya yung boses niya sa YOU. Para bang ang laki ng responsibilidad ko. Para bang kilalang-kilala ko yung pasyente kaya alam ko paano siya alagaan.... Pero paano nga? Paano kung kilala ko talaga siya kaya ganun ang paraan ng pagksabi ni Dad? Ang dami ko ng iniisip. Ang dami.
Bumaba na ako at pumunta sa office ni Dad para malaman yung infos. Kumatok na ako sa pintuan at sabi naman niya na pumasok na ako. Nag-usap kami. Tanong ako ng tanong tungkol sa infos ng pasyente pero hindi niya sinasabi sa akin.
"Dad, if you really want me to do this, you'll tell me!" Galit kong boses.
"If I'll say it to you now, you'll back out. You'll give up, I know. So it's better if you go to the room now! She's alone. She needs you." WHAT!? Kung alam ko kung sino siya ba-back out ako? Sino ba siya? Anong meron sa kanya? Friends ba kami? Ganun? Eh matagal-tagal narin kami nandito kaya wala na akong pake sa mga tao sa Pilipinas. Well, except sa isa. "What's the room number, dad?" Tanong ko.
"The best room here, Den. 213."
SHIT. BAKIT DOON? BAKIT YUNG NUMBER NA YUN? ESPESYAL YUN SAKIN BAKIT DUN NIYA PINA-STAY??
"Is this patient really important to you,Dad? You made her stay there. You never let anyone stay there. I never wanted ANYONE to fucking stay there! You know how important that number is to me." Napalakas yung boses ko ng konti.
"She's important to me because she's my friend's daughter. She's important to you,too."
PUCHA! Makaalis na nga! Nakakainis! Sino ba kasi siya at bakit pa dun pina-stay. Hindi na ako nakinig pa kay Dad at sinara yung pinto. Dali-daling akong pumunta sa room, na galit. Kapal ng mukha! Dun talaga!? Ang daming rooms pero dun talaga? Grabe!Ang daming bumabati sa akin ng good morning. Kahit na yung mga sikat at mas magaling pang doctor kaysa sa akin bumabati parin, of course anak ka ng may-ari, eh haha. Pero hindi! Galit parin ako kasi ang kapal ng mukha ng pasyenteng 'to. Dun talaga.
Room number: 213.
Heto na, magugulpi ko na talaga tong makapal na mukhang to! Sa 213 talaga. Hmp!
Kumatok ako. Pinakalma ko sarili ko kahit konti.
"Come in." Sabi ng tao sa loob.
Nanlamig ako. Namanhid. Huminto. Parang yung mundo ko tumigil. Parang ayokong pumasok. Hindi pa naman ako sure kasi hindi ko pa siya nakita, pero yung boses, familiar. Kung iiyak man lang ako, okay lang naman dahil hindi niya ako makikita. Pumasok na ako.
Nakatingin lang ako sa sahig. Iba ang ambiance ng room. Kinakabahan ako. Dahan-dahan ko tinaas yung tingin ko at nakita ko siya.
SHIT! BAKIT!???? Yung utak ko punong-puno na ng cursed words. Bumabaha.
Aly......
AALIS NA AKO. LALABAS NA AKO. TAMA SI DAD. ANG HIRAP. SOBRA. HINDI KO NA TO KAYA. Paalis na sana ako ng...
"Hi" sabi niya.
Shit. Yung boses niya, namiss ko. Nadudurog na ako. Yung feeling na langit at lupa inipit ka. Durog talaga. Hindi ako makalabas, hindi ako makagalaw. Kung saan ako nakatayo dun lang ako. Hindi talaga ako makagalaw parang may dala akong mabigat na bagay.
"I know I'm blind but I didn't know you're deaf,too.hahaha" Tawa niya.
Naalala ko, hindi pala ako nakasagot. Pero yung tawa niya. Hindi nagbago. Yung pagiging palabiro niya, andiyan pa din.
"Sorry, I was just adjusting to what happened." Palusot ko.
"Why? Is there something wrong? Something happened back there?" Concerned niyang boses. Ganyan talaga siya. Mula pa noon.
"No, nothing. Well, how are you?" Humahanap na ako ng paraan para maalis yung tanong niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ly! Ano ba kasing nangyari sa'yo?? Tanga ka ba? Forever kang careless! Sabi ko sa sarili."Well, Im fine now. Glad that I'm not alone." Sagot niya. Tinitigan ko lang siya, yung mukha niya, ngiti, yung dimples, LAHAT. Ang ganda parin niya. Di ko maiwas itanong kung anong nangyari sa kanya pero inunahan niya ako.
"Do you understand tagalog?" Cute. Parang batang nagtatanong kung may candy pa ba ako haha.
"Yes, I do. If nahihirapan ka to talk at some point then go. If you're having a hard time, magtagalog ka na." I did my best to speak in Tagalog. Nahihirapan na ako ngayon.
"Sus! Nakakaintindi ka naman pala pinahirapan mo pa ako! Ahaha" biro niya. Tumawa naman ako. Nagtawanan kami saglit at tumahimik ulit. Oras na para magpakilala.
"I forgot. You dont know me yet. I'm Dennise, Dennise Michelle Lazaro. And you are?" Inoffer ko yung kamay ko sa kanya para mag handshake. Kahit di niya makikita alam ko namang mararamdaman niya. Di na niya kailangan pang magpakilala sa akin kasi kilala ko siya, kilalang kilala. Pero kailangan kong magpanggap at yun ang pinakamahirap. Tama ako, naramamdaman niya yun at naghandshake kami.
"Hi Den! I'm Alyssa, Alyssa Valdez. Nice to meet you! Kahit di naman ako nakakakita." Masaya yung boses niya nung una pero humina nung sa huling linya. Naghawakan parin yung kamay namin. Nasasaktan ako. Hindi ko kaya pero kailangan, kailangan kong maging matatag, para sa kaniya.
"It's fine Aly, it's nice to meet you more!" I'm trying to lift her up. Kilala ko to. Di ko lang alam kung may depression pa ba to pero alam kong malungkutin to. "Thank you,Den." Nagulat ako. "Why are you thanking me?" "Because you're here, with me." Ayun! Di ko alam kung kikiligin ba ako o masasaktan. Cheesy pero ganyan talaga siya. Deep inside, kinilig talaga ako. Oo, aamin ko yun. Ang sweet kaya! "Of course, Ly. It's my responsibility to be here with you. I wont leave you."
"Promise?"That question. In trembled voice, I answered.
"Promise."SHIT. Kumirot yung puso ko. Ito yung sinasabi namin palagi. "Promise? Promise." PERO PUCHA YUNG PROMISE NA BREAK. Ayoko nang isipin yun mas masasaktan ako. Ibahan ko nalang ang topic
"So what happened to you back there?" I asked.
KAMU SEDANG MEMBACA
She was the One
Fiksi PenggemarOur brain may forget who these people are, what's in the past. Our brain may forget EVERYTHING but our heart, our dearest heart, will never forget who made it beat faster. It will never forget who gave you the spark despite of your brain forgetting...