Nandito ako ngayon sa secret place ng school namin. Lagi na rin ako dito at lagi ko na rin nakakasama yung multong babae na yon. Ewan ko, ilang weeks ko palang syang kasama ang komportable nanamin sa isa’t isa. Nakaka refresh talaga dito, nakakapag drawing pa akong maayos. Mayroon nga sa sketch pad ko na na naidrawing ko na itong lugar na ito.
Lumamig bigla ang paligid ko at sinyales lang iyon na nandito sya.
“ sabi na eh, nandito ka lang pala “ sabay upo nya sa tabi ko.
“ Ang tagal mong hindi nagpapakita ah? Busy din ba ang mga multo?” pagtatanong ko habang nakatutok lang ako sa dinodrawing ko.
“ oo eh. Kailangan ko lang magtago ng ilang araw. “
“ sino bang pinagtataguan mo? “
“ ang ganda naman ng dinodrawing mo. “ pag-iiba nya ng usapan.
Kasing ganda mo..Walangya namang isip to oh. Bat ko nasabi yon. Pero sa totoo, kahit na multo sya, napatunayan kong maganda sya. Ano bang pinagsasasabi ko!
Bilang nanahimik sya at nakatingin lang sa lawa. Matagal lang syang ganyan.
“ paano ka ba naging multo?” pagtatanong ko na parang ikinagulat nya.
Bigla naman syang ngumiti at nakatingin parin sa lawa.
“ hindi ko rin alam eh”
Tumahimik nalang ako. Parang nawalan ako ng sasabihin. Alam ko, malungkot ang ngiting pinakita nya.
-----------------
AUTHOR'S NOTE: uy maynagbabasa din pala sa story ko na to..hehehehehe..thank you po sa mga nagbabasa nito. Sana matuloy ko na tong story na to bakasyon na din namen.. Salamat po..

BINABASA MO ANG
Mata ng Pag-ibig
Cerita PendekAyaw ng marami ang magkaroon ng third eye dahil sa mga multong makikita nila. Pero ako, dahil sa third eye ko, nakilala ko siya.......