Kinabukasan, palabas na ako ng gate ng dorm ng may mapansin ako sa kabilang side ng daan na naka upo at nakayuko sa mga tuhod nya sa gater ng daan. Yung multong babae kagabi.
Hindi ko na ito tiningnan. Tuloy tuloy na ako sa paglakad ng magsalita sya sa likod ko.
“ hoy mister sungit! “
Dedma lang ako sa kanya. Bahala syang magsalitang mag-isa. “ masamang makipag-usap sa kanila, masasaktan ka lang” yan lagi ang sinasabi ng lolo ko. Kaya ngayon, sorry ka babaeng multo.
Hinarangan nanaman nya ang dinadaanan ko. Tiningnan ko naman sya. Nakatingin sya ng seryoso sa akin.
“ Bakit ba? Bakit ba lahat kayo ayaw akong kausapin hah?! Dahil ba isa akong multo? Dahil ba nakakatakot ang itchura ko?(sob) Pati mga kapwa ko multo walang gustong kumausap sa akin. A-alam mo bang(sob) mahirap tanggaping multo na ako, ni hi-hindi ko alam ang sanhi ng pagiging multo ko o ang pagkamatay ko. Tapos konting kwentuhan lang ayaw nyo pa akong kausapin hah?! “
Nabigla ako sa inakto nya. Umiiyak sya? May konting guilt na namuo sa akin.
“ so-sorry... “
“ WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA (-^_^) nakakatawa yung mukha mo, hahahaha, pwede naba akong mag audition sa pagiging actress? Ang galing ko talagang magdrama “
Tiningnan ko sya ng masama at umalis na sa harapan nya. Ibang klase din naman yang babaeng multo nayan, naniwala panaman ako sa kanya at na guilty.
“ mister sungit! Wait lang!”
Nasa school na ako at alam kong nakasunod parin ang babaeng multo sa akin. At kanina nya pa ako kinukulit na joke lang daw yung kanina.
“ uy Jam, bati na tayo, ikaw lang naman yung nakakakita sa akin e. “
Teka, bat alam nya ang pangalan ko? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at kunwari na may tinatawagan ako at humarap sa kanya.
“ bakit alam mo ang pangalan ko?”
“ ang talino mo naman, naisip mo yang pa cellphone cellphone na yan para lang hindi magtaka ang mga istudyante na may kausap kang multo. Hahahahahaha”
“ hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. “ mariin kong sagot sa kanya.
“ nabasa ko sa ID mo oh..” sabay turo nya sa ID ko.
Napahiya ako dun ah. Napatingin ako sa wrist watch ko at pakshet! Late na ako sa first subject ko. Iniwan ko na sya at nagmadaling tumungo sa room namin.
Ok naman pala na na late ako dahil mas late sa akin ang prof namin.
Lunch break na at idinis-miss na kami. Nakita kong kumakaway si babaeng multo sa akin paglabas ko sa room namin. Actually, iba talaga sya sa mga multong nakikita ko. Maganda sya. Aaminin ko, sya palang ang nakita kong magandang multo. Teka, ano ba pumasok sa akin, bat ko sinasabi yan. Sa halip na dumiretso sa lugar kung saan sya naghihintay ay iniba ko ang direksyon ng pupuntahan ko.
BINABASA MO ANG
Mata ng Pag-ibig
Truyện NgắnAyaw ng marami ang magkaroon ng third eye dahil sa mga multong makikita nila. Pero ako, dahil sa third eye ko, nakilala ko siya.......