Chapter One

2 1 0
                                    

Dalawang magkasunod na putok ang bumasag ng katahimikan sa buong lugar. Sinundan ito ng mga iyak at pagmamakaawa.

"T-tama na! Pak-kiusap! Pakiusap!!", iyak ng babaeng ngayon ay puno na ng sugat ang katawan dulot ng ginawang pagmamalupit ng mga krimenal na nasa kanilang mga harapan.

"TUMAHIMIK KA!"

At sinundan ito ng isang putok ng baril diretso sa utak ng babae dahilan upang siya ay mapahiga ng tuluyan at umagos ang kanyang masaganang dugo mula sa kanyang laman. Sinundan ulit ito ng isa pang putok ng baril at kumalat ang utak ng babae.

"KAYO!", sabay turo ng lalake sa ibang mga tao sa loob ng silid. Isang panghohostage ang nagaganap.

Bakit nga ba niya ginagawa ang mga ito? Isang palaisipang patuloy na dumadaloy sa kanyang isipan.

'Pera, isang bagay na pwedeng komontrol sa lahat, pera ang naghahari sa buong mundo, nabibili ng pera ang lahat, pati buhay ng tao' ito marahil ang iniisip niya ngayon. Isang makamundong bagay na puno't dulo ng lahat ng kasamaan.

Napansin ng lalake ang pagkatahimik ng iba, ngunit rinig parin ang mga mahihinang hikbi ng mga ito.

"Kung mananatili kayong ganyan hanggang mamaya, baka pagdating ng sundo niyo, bangkay nalang ang kukunin nila", sabi nito sa kanila, tinutukoy ang ginawang pagtatangkang pagtakas ng mga ito kani-kanina lang na naging sanhi ng pagkamatay ng iilan sa mga kasama nila.

"K-kuya, pakiusap, p-pakawalan niyo n-na ka-mi", napalingon naman ang lalake sa batang kumakapit sa pantalon niya. Pinipigilan ito ng kanyang ina ngunit hindi ito nagpadala.

Ang bata ay umiiyak.

'Luha?', saglit na napangiti ang lalake.

'Luha ang sumisimbolo sa pagiging mahina, pagiging talunan, at pagtanggap ng pagkatalo. Luha ang dahilan kung bakit napupuno ang mundo ng kahirapan', wika nito sa sarili.

"TUMAHIMIK KA!", sigaw nito at kaagad sinipa ang bata palayo dahilan upang ito ay gumulong at mawalan ng malay. Kaagad rin itong pinuntahan ng kanyang ina at inalalayan. Ito'y umiiyak din.

"...anak..", bulong ng ina ng bata. Takot, kaba at lungkot. Isang boses ng inang wala ng pag-asa.

Nakaramdam ang lalake ng pagkaawa, ngunit maya-maya'y kaagad ring napangiti.

'Noong nangyare ba sakin iyan, sinubukan ba akong tulungan ng mga magulang ko? Wala silang ginawa, pinabayaan lang nila ako, pinili pa nilang umupo at mabuhay kesa tulungan ang anak nila at mamatay', galit na saad nito sa sarili.

'Mga wala silang puso', dugtong nito.

Kapansin-pansin ang lalong pagkuyom ng lalake sa mga kamao niya. Ito'y puno na ng galit.

'Walang dahilan upang kaawaan ko sila, wala', wika nito sa sarili at kaagad itinuon ang baril sa ina ng batang kanyang sinipa.

Napahandusay ang katawan ng ina ng bata. Kaagad ding dumaloy ang dugo dito. Tila ang buong silid ay napinturahan ng pula.

"Tandaan niyo ang pangalan ko, kung may mabubuhay pa mang nilalang dito matapos ang araw na ito, ako si D. Wala akong kinakaawaan kahit sino ka man o kahit ano kaman", wika nito at kaagad lumabas sa silid na kinaroroonan ng mga hostage nito.

Lahat sila'y wala ng pag-asa. Lahat sila'y alam na ang kanilang patutunguhan - ang mamatay sa kamay ng mga taong iyun.

[D]

"D, nandito na ang bisita natin, dala na raw niya ang pera kapalit ng mga hostage", saad ng isa kong kasamahan, isa sa pinakatapat kong kaibigan.

"Susunod ako, ikaw na muna ang bahala sa kanila sa ngayon..", sabi ko sa kanya.

"...at ikaw, bantayan mo 'tong mga hostage sa loob, kung may maglakas loob na manlaban, patayin mo", sabi ko doon sa isa ko pang kaibigan, oo kaibigan ko sila, masanay na kayo.

"Namimiss ko na ring makatikim ng dugo D", wika nung kasama kong inutusan ko para bantayan ang mga hostage habang dinilaan ang espada niya.

"Hindi ako mag-aalinlangan", dagdag pa niya tapos agad ding pumasok.

Agad ko ng pinuntahan ang aming bisita.

"Magandang umaga Ginoo", sabi ko doon sa lalakeng parang abogado, nanginginig at namumutla.

"Ikaw siguro si D! Asan ang mga hostage!! Ibalik mo na s..."

"Ang pera?", pagpuputol ko sa sinabi niya.

"A-ah andito, k-kaya bilis! Nasa-an ang mga ho-hostage!?", sigaw pa nung abogado.

"Wag kang magmadali", sabay lapit ko sa kanya.

"Makakasama mo rin sila"

"AAAAHH!!!", sigaw nito.

"Sigaw pa, gusto ko pang makarinig ng pagsigaw!", sabi nung kasama kong inutusan ko kaninang magbantay dito.

Siya si Ali, may tinusok siyang karayom sa katawan nung abogado, nakokontrol niya iyon, ewan ko kung paano, basta nakokontrol niya ang sakit na naidudulot ng karayom sa katawan ng taong tinusukan niya.

"Tignan mo ang case na dala niya kung kompleto ba ang pera", utos ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa silid kung saan ko ikinulong ang mga hostage.

Nang makapasok na ako, napangisi nalang ako nang napuno ng dugo ang buong silid.

"Gale, ang sarap ng dugo ng babaeng to", wika niya sa sarili.

Siya si Gale, gaya ni Ali, mayroon din siyang armas, ang kanyang espada. Ang espadang iyun ay napakatulis na kahit metal ay kayang putulin at hatiin ng walang kahirap-hirap. Mayroon siyang hilig na sabihin ang pangalan niya kapag ginaganahan siya, lalo na kapag nakakatikim siya ng dugo.

"Gale DUGO! DUGO!!! GIYAHAHAHAHA", tawa niya sabay dila at tikim ng dugo na tumalsik sa kanyang mukha.

Napansin ko agad na buhay pa yung bata kanina, napailaliman kasi siya nung nanay niyang pinatay ko.

Agad akong pumasok sa loob, wala akong pake sa mga dugong tumatalsik sa mukha at katawan ko, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Agad kong itinaas at tinapon ang bangkay nung nanay palayo, at agad kong kinuha ang katawan ng bata.

"Anong gagawin mo sa kanya D?", tanong ni Gale habang nakatingin parin sa mga bangkay.

"New recruit", sabi ko.

"Bata?", biglang tanong ni Ali habang pumapasok sa silid dala-dala ang case na nilalagyan ng pera.

"Hindi lang siya basta bata, isa siyang espesyal na bata", sabi ko sabay tingin sa bata.

Tinignan ko ang bata at puno ng galit ang mga mata nito. Gusto ko ang ganitong ugali.

Mapaghiganti.

*****

D' LargesseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon