SED
"N-nas...nasaan ako?", wika ko nang mamulat ko ang aking mga mata.
"Bata, gising kana pala?", boses ng isang lalake. Tss, hindi ba halatang gising na ako?
"Bata", napalingon naman ako sa isang pamilyar na boses.
Siya yung humostage sa amin kahapon.
"Anong pangalan mo?", tanong niya at lumapit sa kinaroroonan ko.
Sasagot na sana ako nang maalala ko ang mama ko
"N-nasaan si mama?", tanong ko
"Patay na", napalingon naman ako doon sa isang lalake habang nililinisan ang espada niya gamit ang isang puting panyo.
"Anong pinagsasasabi mo!"
"Tumahimik ka!", sigaw nung isa.
"Kuya, a-anong nangyayare dito!?", tanong ko
"Una, huwag mo akong tawaging kuya. Pangalawa, patay na ang nanay mo, wala siyang pakialam sa buhay mo. Pangatlo tumahimik ka. Pang-apat makinig ka sa amin", wika nito dahilan upang tumulo ang aking mga luha.
Ngunit bigla nalang akong napakapit sa kinahihigaan ko nang bigla niya akong tuunan ng baril.
"Huwag na huwag mong ipakita ang mga luhang iyan sa akin"
Kaagad naman akong namutla dahil sa tinuring niya. Wala na si mama, wala na. Patuloy akong umiiyak sa aking isip, walang lumalabas na impormasyon sa aking isip, tila ito'y nawalan ng baterya at hindi na gumagana. Takot ang naghari sa akin, takot na baka kitilin ng mga taong ito ang buhay ko.
"Anong pangalan mo", nakakarakot nitong tanong.
"S-Sed", sagot ko, ang mga pawis ko'y patuloy paring tumatagaktak.
"A-Ano bang kailangan niyo sakin! Ihohostage niyo na naman ako?", hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang na magsalita sa harap ng mga ito. Napakasalungat ng ipinapakita kong tapang ang ipinapakita ng katawan ko, tumatayo ang mga balahibo ko at ramdam ko pa rin ang pamumutla ko. Natutuyo na rin ang mga pawis ko at ang mga luha kong aking pinahid gamit ang likod ng aking kamay.
"Ang sabi ko, tumahimik ka", napapikit nalang ako dahil sa isang putok ng baril. Handa talaga siyang pumatay kahit anong oras.
"Nandito ka para makipagtulungan sa amin", wika nito.
"Ano! Nagpapatawa ba kayo!", sigaw ko. Alam kong isang kahangalan ang ginagawa kong pagsagot. Para sa isang walong-taong gulang na bata, nasa tamang pag-iisip na ako. Bata palang ako simula nang maghiwalay ang mga magulang ko at si mama lang ang nagsilbing inay at itay ko. Ang mama ko, hindi ko mapapatawad ang mga taong ito.
"Ambata-bata mo pa pero ganyan kana kung sumagot sa amin! Tumahimik ka!", sigaw nung lalakeng may dalang espada. Hindi nalang ako kumibo. Kinikimkim ang sama ng loob at lungkot.
"Sasama ka sa'min", sabi ni D
"Hindi, hinding-hindi ako makikipagtulungan sa inyo! Sa lahat ng nakita ko kahapon, hindi ko makukuhang makasama kayo! Napakasama niyo! Wala kayong awa! Sana, sana mamatay nalang kayo! Pinatay niyo ang magulang ko! Napakasama niyo!", sigaw ko dahil sa galit. Napakadali lang para sa kanila ang kumitil ng buhay, na para bang isang laro lamang ang ginagawa nila.
Inaasahan ko ng may mangyayari sakin pagkatapos kong sabihin ang mga iyun pero, pero wala. Minulat ko ang mga mata ko.
"Sed..", wika nito na sinamahan pa ng seryosong mga mata. Ibang-iba sa nakita ko kahapon.
"...may dahilan ako kung bakit ko yun ginawa. Ako, si Ali man o si Gale, may mga dahilan kami kung bakit namin pinasok ang napakasamang gawaing 'to. May dahilan kami para harapin at pasukin ang lahat ng gulo at krimeng ito, may dahilan kami", paliwanag nito na tila ba may nais ipahiwatig.
"..p-pero, pero ano? Ano!? Pera!? Pera lamang ang nais niyo! Pumapatay kayo dahil sa pera! PERA PERA PE--", ngunit hindi ko natapos ang sinabi ko dahil kaagad siyang sumingit."Gaya rin ng kung anong nararamdaman mo", napahinto ako sa sinabi niyang iyon. Anong ibig niyang sabihin?
Nararamdaman ko?
Napayuko ako bigla.
"Tayo na", sambit ni D at sumunod naman sina Ali at Gale.
"Hindi kami ganun kasama", napalingon naman ako kay Ali habang tinatapik ang balikat ko.
"Ali", wika ko.
Ano nga ba ang nararamdaman ko? Isang hinanakit.
Bigla nalang bumalik ang mga alaala ko."KAHIT KAILAN HINDI AKO NAGING MASAYA SA PILING MO!", sigaw ni papa at pinagbubugbog si mama.
Iyak lamang ako ng iyak, apat na taong gulang pa lamang ako noon ngunit tila parang kahapon lamang iyun sa aking isipan.
Bumabalik ako sa mga panahong puno ng iyak ang aming bahay.
Mayaman kami, oo. Ngunit hindi kami masaya. Walang kaligayahan sa aming buhay.
"Isang pagkakamali ang lahat", wika ng aking ama at kaagad umalis sa harap ng aking inang nakaluhod lamang dito. Sinundan naman iyun ng malakas na kalabog ng pinto tanda ng paglabas ng aking ama mula rito.Nanatiling ganoon ang aming buhay, puno ng pighati at hinanakit. Ako'y isang bunga lamang ng pagkakamali.
Kaagad akong bumalik sa aking mga pandama nang maramdaman ko ang ingay sa labas.
Sandali akong nag-isip. May dahilan o wala, hindi pa rin tama ang pumatay dahil sa pera. Oo, may kwento sila, may dahilan sila, kagaya ko rin sila, may mga hinanakit din sa buhay, ngunit hindi ko kailanman inasam ang mga bagay na iyun. Hindi ko inasam ang gumawa ng kasamaan.
Hindi ko inasam na gumamit ng dahas para sa pansariling kagustuhan.
*****
