11

245 31 1
                                    

After ng conversation namin nila Dad kagabi, medyo kinabahan naman ako sa mga possible na mangyayare sa mga susunod na araw. Bigla kong naisip agad si Jaydee after what we discussed kagabi.

Flashback

I'm holding the boquet and chocolates na bigay sakin ni Jaydee habang papasok ako sa bahay namin. Ngayon na lang ako makakauwi since may condo naman ako na malapit sa campus. I'm trying to be independent na din kasi you know hehe. I was entering the main door when I saw dad opened the door. Niyakap ko agad si Dad. I missed this.

"Dad, I missed you so much" I said habang nakayakap pa rin kay daddy this was the best feeling 

"Naglalambing ang baby girl ko" sabi ni naman ni dad sakin 

"Dad, diba sabi ko don't call me baby girl na coz big girl na ako, okay?" sabi ko kay dad na medyo naiinis na boses

"Just kidding anak by the way, galing sa manliligaw mo yan?" intrigang tanong naman sakin ni daddy. Uh, should I tell the truth. I forgot, homophobic nga pala si daddy huhu paano na 'to 

"Uh-" hindi na ako pinatapos ni dad magsalita

"Silence means yes. I'm looking forward na magkakaboyfriend kana anak" hay eto na nga ba sinasabi ko eh. I looked at kuya at medyo nag worried sya sa sinabi ni dad

"Ah yes dad hehe let's eat na po?" I said to him sabay upo sa table 

"Anyway dad, my friends can't go here po pala may biglaang project kasi po sila na need ipasa within this day kaya ayun babawi nalang daw po sila" sabi ko naman kay daddy 

Nag nod lang si dad then we continue eating. If nagtataka kayo kung bakit wala si mommy, nasa lola namin sya sa Singapore. She stayed there for a couple of months na kasi binabantayan nya si lola. I missed my mom too.

"I want to meet your suitor anak" bigla naman akong nasamid sa sinabi ni dad wth?!

"Uh sorry, nasamid lang po. Uhm soon dad hehe" naiilang na sabi ko dito

"Dapat mas pogi kay daddy yan ha" pagmamayabang na sabi nito. hahaha if only you knew dad, mas pogi talaga sayo tapos mas babaero pa tss

"Uh, akyat na ako dad and kuya busog na po ako and besides may tatapusin pa po akong paperworks" I said tapos tumayo na 

Tumango lang si kuya and ngumiti sakin. Feeling ko alam ni kuya pero alam ko naman na tanggap nya ako <3

"Okay anak. Sana soon mameet ko na yung suitor ng anak ko, okay? Don't disappoint me, Amanda" 

Yan nalang yung last na napakinggan ko sa sinabi ni dad bago ako umakyat sa kwarto ko. Paano na 'to? Idk what to do please somebody help me :<



Ngayon namin malalaman kung sino ang mga pasok sa try-outs kaya maaga akong pumasok. Hindi kami sabay ni Laney pumasok kasi malalate daw sya ng konti ewan ko ba. I already texted Amanda na din but she's not responding yet siguro nagbibihis pa or what. Naglakad lang ako sa campus then I saw Madie? Sya yung may ari ng coffee shop na pinuntahan ko last week.

"Hey!" I waved my hands 

"Oh, Hi Jaydee! Ang aga mo ah" sabi naman nya sakin 

"Ngayon kasi ipopost sa bulletin yung mga nakapasok sa try outs eh kaya ayun medyo naeexcite ako. Ikaw bakit parang ang aga mo din?" Pabalik na tanong ko sakanya 

"Well, first of all Jaydee palagi po akong maaga pumasok then next, may need akong hiramin na books sa library eh for our quiz kasi mamaya sa shop ako didiretso" wow naman napakaproductive naman netong taong 'to.

"Oh, I see I see so pano ba yan? Una na ako Madie magkabilang way pupuntahan natin eh" sabi ko sakanya sabay 

"Uh okay, visit ka ulit sa shop if you have time Jaydee" masiglang sabi naman nya tapos nag umpisa na din syang maglakad sa pupuntahan nya.

Great idea. Next time we will try to visit ni Amanda kasi for sure magugustuhan nya yun plus I know, she loves coffee.



Kasama ko ngayon sila Frances dito sa mini office namin, they helped me to finished some things tapos nabanggit ko na din sakanila yung naging conversation namin ni dad while we were eating.

"Hala, paano na yan Amanda?" nag aalalang tanong ni Ate Ella

"Kahit ako ate, hindi ko alam" nakakasad naman yung ganitong situation 

"Alam na ba ni Jaydee yan?" tanong ni Frances

"Nope and please don't tell her girls ha, atin atin lang 'to. You guys knew naman how daddy a homophobic, madidisappoint ko sya sobra pag nalaman nya na yung anak nyang babae, babae din yung gusto" sabi ko naman sakanila 

"Kasi ganun yung love. Kahit anong gender kung nagmamahal ka, nagmamahal ka" straight to the point na sabi naman ni Coleen

Well, tama naman pero it depends minsan eh.

"But, sure naman yung nararamdaman mo kay Jaydee diba Amanda?" tanong sakin ni ate Ella

"Yes ate. Sure pa sa sure. Kung pwede ngang magsama na kami ni Jaydee sa iisang bubong, ginawa kona eh but we are still minors and nag aaral pa tayo kaya bawal pa yung ganon"

"Jaydee will be sad pag nalaman nya 'to for sure" sabi naman ni Frances 

"Kaya nga. Kaya please don't tell this to her ha?" pagmamakaawa kong sabi sakanila

"No worries!" sabay sabay naman nilang sagot sakin


This is unbelievable. Bakit hindi ko naalala na homophobic nga pala si Dad. Hays, dad hope you understand na love always wins. 


"Oonga pala, diba ngayon malalaman yung mga makakapasok sa varsity?" hala, oonga pala. Nakapasok kaya sya? Oonga pala she texted me earlier pero hindi ko pa sya narereplyan since nabobother ako hays. I'm sorry Jaydee ko.

"Yes, naniniwala akong makakapasok sya" I positively said to them 

Nagtungo nalang kami sa mga respective classrooms namin kasi next week, we have midterm exams na din kaya maghahabol ang mga teachers na magturo. Hindi ko kaklase sa subject na 'to si Jaydee kaya nalungkot naman ako bigla. How is she kaya? Nakapasok kaya siya? I believed naman na kayang kaya nya makapasok for varsity.

I enter our classroom. After I reached out my chair, meron ng bag na nakalagay dito. I hold the bag and asked them kung kanino 'to tss badtrip na nga ako dadagdag pa eto.

"Kaninong bag ito?" Hinawakan ko yung bag at itinaas

"Why Miss?" tanong naman sakin nung lalaki na medyo chinito duh panget mo 

"Anong why?! This is my chair so please find yours" matapang na sabi ko naman dito

Lumapit sya sakin as in malapit na malapit sabay bulong nya sa tenga ko "Okay" 

Sinampal ko naman sya. Aba bastos to ah tss

"Bastos" napahawak naman sya sa pisngi nya tapos tumawa lang tss sino ba 'to hindi ba nya alam na ako ang President dito baka ipa guidance ko sya bigla sa inaasal nya.

After that incident, umupo na ako sa upuan ko. Naririnig ko yung boses nung mayabang na yun sa likod pero hinahayaan ko lang. Napakaasbag sumbong ko yun kay Jaydee eh chos. Nakinig nalang ako sa discussion ni Ma'am.











So ayun, here's the ud po. I'm sorry, umaga ko na naipublish hehe may tinapos pa akong schoolworks eh. Hope you like it guys. Don't forget to vote and comment nadin. I will interact sa mga mag cocomment po. I love you all po. Stan MNL48! SULONG!

They don't know about USWhere stories live. Discover now