Back to school na
After that incident, umabsent na ako hanggang sa matapos yung school fest. I also deactivated my socmeds account. Wala lang, for my inner peace I guess? Gabi gabi na din ako pumupunta sa bar kahit na mag isa lang ako. Tinatadtad na ako ng messages and calls nila Laney and Amy pero hindi ko pa din sila pinapansin. Patadtad tadtad ka pa ng messages dyan Amanda kala mo ba hindi ko padin nalilimutan na sinabi mong friend mo lang ako sa harap nung Drev na yon tss.
Bumangon na ako para magluto ng breakfast. Bukas nalang ako siguro papasok kasi medyo late na din naman and tinatamad padin ako. After ko kumain, nag search ako ng coffee shop around Tagaytay and nakakita ako ng may magandang view. I think dabest to. Nagbihis na ako then umalis na ako.
Amanda POV
Ilang araw na ako nag iisip kung ano bang nangyare kay Jaydee. Naguguilty ako sa nangyare after ko mabasa yung message nya sakin bago sya umalis ng campus. Tinatanong ko naman si Laney kung may balita ba sya sa bestfriend nya pero wala din daw talaga kasi miski sakanya hindi nagpaparamdam hays. I really miss u na sana alam mo yon Garcia :<
"Coffee?" tumingin ako sa nagsalita and si Drev pala
Bumisita ulit sya dito sa campus pero paalis na ulit bukas kaya susulitin na daw nya today na kasama ako. I have classes pero excused ako since natapos na yung event kaya need kong bantayan yung mga students na tanggalin yung mga booths.
"Thanks, Drev" sabay kuha ko neto
"Mamimiss na naman kita, Amanda" he said habang nakatingin lang sa mga nagliligpit ng mga gamit
"Aww, me too Drev. Mag iingat ka ha?" sabi ko dito
Tumingin sya sakin and nagulat ako kasi niyakap nya ako bigla. Walang nagsasalita samin then bumitaw na sya sa pagkakayap nya.
"Amanda, we both know na we are childhood friends and alam kong alam mo na may feelings ako sayo. Alam kong alam mo na gusto kita Amanda. no, mahal pala kita more than friends pero alam ko din sa sarili ko na hanggang kaibigan lang yung turing mo sakin" hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya pero he's right na alam kong more than friends na yung turing nya sakin syempre he acted that way naman kasi.
"I'm sorry bes" eto nalang yung nasabi ko kasi baka masaktan ko pa sya lalo.
He smiled at me.
"Wag kang mag sorry. Hindi ka sorry sorry na may humanga sayo Amanda. I hope you find your safe space and ipaparamdam sayo na deserve mo palaging mahalin" sabi nya tapos tumayo na sya sa kinauupuan nya.
Napangiti nalang ako sa sinabi nya at unti unti na syang naglakad papalayo.
"Drev, thank you so much! See you soonest!" Sigaw ko sakanya na naging dahilan ng paglingon nya. He just smiled and nodded.
I'm so lucky to have my boybestfriend. Hopefully, we'll meet again. After umalis ni Drev, chineck ko ulit yung phone ko kung may reply na ba si Jaydee sakin pero ayun wala pa din. Baka naman nambababae kana Jaydee Garcia. Ayusin mo buhay mo baka makalbo ko kayo pareho ng babae mo.
"Attention to all students of Moordale Secondary Academy I would like to inform you that we have transferee students that came from Canada. Please be good to them. Thank you and have a nice day"
Wow. Galing Canada yung mga transferees. Naexcite ako bigla kasi alam kong mamemeet ko sila mamaya sa office. Anyway, tomorrow magpopost for tryouts para sa mga athletes dito sa school. May upcoming competition kasi against sa rivalry ng school.
YOU ARE READING
They don't know about US
FanficHi everyone! Since, I saw a lot of vids ni Jaydee and Amy so I decided to create a fanfic story for them. This is a fanfiction story only! Lawakan lang natin mga imaginations natin and please protect their friendship at all cost. Support MNL48! SULO...