JAKE'S POV:
"time of death, 7:45pm" rinig kong sabi ng doctor. Tangina hindi pwede! Hindi pwede! Lord naman. Bakit naman ganun?? Sila na nga lang ni mika ang meron ako eh. Ang daya naman.
"Sorry sir. Ginawa ngamin lahat pero sya na po mismo ang sumuko" sabi ng doctor tsaka sya umalis kasama ang mga nurse.
Naiwan akong tulala. Para akong lumulutang sa oras na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Anak, condolence. Tatagan mo ang loob mo"
"Condolence anak. Nandito lang kami ha"
Buti nalang nanjan sila tito at tita. Kung wala sila hindi ko alam kung kakayanin ko. Gusto ko na din sumunod sakanya. Nilapitan ko sya. Sandaling natulala at biglang humagulgul sa iyak. Yumakap ako ng mahigpit. Sobra sobrang sakit. Sobra. Nakakapanghina.
"Tito, Tita, mauna po ako. Asikasuhin ko lang po yung paglabas ni miles"
"Ako na anak. Magpahinga ka muna"
"Ako nalang po tito"
"Hindi anak ako na. Alam ko physically and mentally tired and emotional ka ngayon kaya ako na bahala ha. Wag ka na tumanggi kasi parang anak na din namin kayo"
"Ok po tito salamat po"
"Wala yun nak. Hon samahan mo muna sya ha"
"Sure hon"
"Tara na anak sa labas" pag anyaya sakin ni Tita dahil nasa loob parin kami ng emergency room.
Paglabas namin, saktong nakasalubong namin ni Tita yung incharge sa morgue
"Sir ililipat na po namin yung pasyente sa morgue" sabi nung isa at tumango lang kami ni Tita bilang tugon
"Nak, baka gusto mo mag dinner?"
"Hindi po ako nagugutom" nakatulalang sabi ko
"Pero anak kaninang umaga ka pa walang Kain"
"Pero Tita wala po akong gana"
"Kahit tubig man lang anak"
Ayaw ko din Sana kaso nahiya na ko kay Tita kaya pinagbigyan ko nalang. Pumunta kami ng cafeteria at bumili ng tubig.
Mga isang oras din kaming natulala ni Tita at puro lang kaming iyak. Walang kibuan. Iyak at tulala lang. Maya maya pa, dumating na si tito.
"Pwede na ilipat si miles sa manila"
"Salamat po tito"
"Walang anuman anak"
MIKA'S POV:
yes, I might loss memory but my hearts never forget. Di ko man maalala ang mga taong nakapaligid sakin tulad nila kuya jake, miles, Mhiel, kean, alam ko malaking parte sila ng pagkatao ko. Ramdam ko sa puso kong Mahal ko sila kahit hindi ko sila maalala.
Kawawa naman si kuya jake. Dalawang kapatid nya nasa hospital. Ramdam ko yung kalungkutan nya. Ramdam ko yung hirap at pagod nya.
Lord bigyan nyo pa po sana ng lakas si kuya para lampasan ang mga pagsubok sa buhay.
Nagkwekwentuhan kami ni kean ng biglang nagpatay sindi ang ilaw. Luh.
"Mika!!!" Bulalas ni kean sabay talon sa kama ko at niyakap ako.
"Bigat mo oy! Umayos ka nga! Bakla ka ba?" Tanong ko kaya bigla syang bumitaw sa yakap nya sakin at bumalik sa upuan na nasa tabi ng kama ko
"Hoy hindi ah"
YOU ARE READING
no ordinary love (Continuation)
RomanceIto ay continuation Ng No Ordinary Love. for all the new reader please view my old account @milestarlover and read 'no ordinary love' para maintindihan nyo yung flow story. thank you an Godbless!