Chapter 2 : Ang Parusa

37 26 14
                                        

Dedicated to AZYJuab03

•••

Someone's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Someone's POV

"Masaya kaming nakabalik ka na sa palasyo, prinsesa Ada." Sambit ng hari na walang mababakas na reaksyon, ama nina prinsipe Adeo at prinsesa Ada.

Base sa muka ni prinsesa Ada, hindi nya nagugustuhan ang mga nakikita nya sa kanyang paligid. Paano'y kompleto ang mga matataas na personalidad ng palasyo at nakaupo sa kani-kanilang upuan. Halata mo sa muka nya ang kaba at inis.

Naguguluhan naman ang itsura ng kanyang mga kasama. Mga kapwa babae ang mga ito, magaganda sila.

"Hindi na kami mag papaligoy ligoy pa," Ani Heneral Pol. "Ang mga nangyari—"

"Talagang ngayon nyo ako hahatulan? Gayung kasama natin ang mga kaibigan ko?" Walang emosyong sabi ni prinsesa Ada.

"M-mawalang galang na po sa inyo, mahal na hari at mahal na reyna ga'yun din sayo mahal na prinsipe." Pag lalakas loob na humakbang ng isang beses ang isa sa mga babaeng kasama ni prinsesa Ada.

"Sige, ano ang iyong nais itanong o sabihin, mag salita ka." Walang emosyon sabi ng hari.

"Salamat po, ako nga po pala si Azyra Kathlene mula sa angkan ng mga Giron ay nag tatanong kung sino po ba talaga ang babaeng nakasama namin sa loob ng tatlong buwan," Tanong ng babaeng nag pakilala na Azyra habang nakayuko pa rin.

"So, talagang walang nakakaalam sa inyo kung sino si prinsesa Ada?" Nakangiting sabi ng reyna.

"Mawalang galang na din po, kamahalan. Ako naman po si Eilliethyia Gail galing sa angkan ng Valdemore. Gusto ko din po sanang itanong sa inyo kung sinong Ada ang tinutukoy ninyo gayung ang usapan ninyo ay patungkol kay N-nia." Gaya noong Azyra, nakayukong tanong din noong nag ngangalang Eilliethyia.

Narinig namin ang kaunting bungisngis ng prinsipe.

"This is fun, HAHAHA prinsesa Ada talaga lang ha? Nag palit ka din ng pangalan kung saan ka napadpad? Nakakatawa," Napailing ang prinsipe.

"Ikaw, mag pakilala ka muna bago namin ipaliwanag kung anong klaseng nilalang si prinsesa Ada, o mas kilala nyo sa anong pangalan nga ulit? HAHAHA... Nia," Dugtong ng prinsipe.

Humakbang ng isang beses ang natitirang babae bago nag pakilala at yumuko, "Magandang araw sainyo kamahalan, ako si Zhianna Marie mula sa angkan ng Sanford, tawagin nyo akong Zhia."

Matapos ng pag sasalita ng huling babaeng kasama ng prinsesa, tinawag ng hari ang kanyang alalay na si Haku na sya ring nag sisilbing kanang kamay ng hari.

"Haku, gusto kong ikaw ang mag salaysay ng paunang sagot sa katanungan ni binibining Azyra,"

Tumayo mula sa pag kakaupo si Ginoong Haku pero bago pa man ito makapag salita ay naunahan sya ng prinsipe.

PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon