Chapter 1

2 0 0
                                    

Rain's POV

Hayy, nakakapagod naman.

Unang araw ko dito sa dorm. Naglipat ako ng mga gamit dahil malapit na ang pasukan at ayaw ko naman na kung kailan malapit na eh saka ako gagalaw.

Nilisin ko ang kwarto ko at inayos ang mga gamit. Naglagay ako ng mga design na minimal lang at maganda pa rin kahit simple.

Umabot ng walong oras ang pag iimpake at mag oorganize ko. Wala kasi akong kasama.

Grabe walong oras sa paglilinis. Iba ka talaga self.

"Rain, ito nga pala ang susi ng kwarto mo." Sabi ni Tita Marites. Kapatid siya ng Mama ko.

"Ay oo nga po pala, maraming salamat po Tita."sabi ko at kinuha ang susi. Nakalimutan ko pala kunin kanina.

"Basta pag may kailangan ka tawagin mo lang ako ah."sabi niya, at tumango naman ako.

Hindi ako sanay na mag isa dahil simula bata pa lang ako ay palaging may kasama ako sa mga gawain. Ngunit ngayon ay mag iiba na dahil ako ay nasa kolehiyo na. At nasa syudad. Kasama ko lang ang aking sarili. Independent yarn?

Mag aalas sais na ng bumaba ako at pumunta sa grocery store. Mamimili muna ako ng mga pagkain na lulutuin at babaunin ko sa school.

Wednesday na ngayon at limang araw na lang at pasulan na namin. Medyo excited na din ako.

Napadaan din ako kanina sa University namin. Katapat kang kasi nito ang dorm ko kaya iwas na ko sa late nito.

Habang dumadaan ako ay tumitingin ako sa mga building nito. Ang ganda at halatang luma na ito dahil sa mga design.

"Aray." Mahinang sabi ko. May nakabunggo ya ta ako?

Tiningnan ko kung sino ang naka bunggo ko pero nung tumingin ako, wala namang tao. Ano yun? Sino yun?

---------

Nandito na ako ngayon sa loob ng mall at konti na lang ang tao. Pumasok ako sa grocery at  ang haba ng pila. Ano nangyayari panick buying ba to?

"Miss, bawal na po pumasok."sabi sakin ng guard.

"Bakit po?"tanong ko.

Nagaalanganin pa siya bago ako sagutin.

"Madami na po kasing tao. At magsasara na rin po kami." Sagot na.

Ay ganon? Ang dami ngang tao.

"Sige po." Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Bakit kaya ang daming tao doon. Lahat ata ng tao sa mall napunta dun sa grocery. Wednesday naman ngayon at hindi naman akinse? hmmm..

Pumunta na lang akong Jollibee para sa hapunan. Alas syete na naman ng gabe ayoko na magluto.

Nag order ako at nag take out. Magsasara na kasi daw yung mall kaya take out na lang daw.

Habang palabas ako ng mall, may nakita akong isang babae na may dugo ang damit niya. Umiiyak ito.

Napansin ko nag paligid na parang wala ng tao.

Anong nangyayari?

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kinakabahan ako. Pinuntahan ko ang babae at merong dugo nag itsura niya. Umiiyak ito.

"Anong nagyari sa iyo?"tanong ko.

"Umalis ka na.."sabi niya.

Umalis daw ako?? Bakit?

"Bakit?? Anong nangyayari?"

"May mangyayaring masama. Umalis ka na!"
"Umalis kana!!!"
"Dalian mo."
"Umalis kan--"

Napamulat ako bigla ng akin mga mata, grabe ang pawis ko.

Panaginip yun?

Grabe ang kabog ng dibdib ko at hindi ko maintindihan ang feeling ko.

"ToooooOot-ToooooOot-"

Nagulat ako noong biglang tumunog ang cellphone ko.

(Monday, 6:45am)

Lunes na at bumilis na naman ang oras.

—————————————————
VOTE!!
VOTE!!
VOTE!!
SEE YOU NEXT CHAPTER!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ForeseenWhere stories live. Discover now