Ikatlong Kabanata: Paano?

34 1 0
                                    





IKATLONG PANAUHAN

“PAGBATI, ALAB.” Sabi ni Kidlat nang makita niyang lumabas ng silid si Alab. Pupungas-pungas pa ito habang papunta sa hapag. Hinayaan na lamang niya na maghain ng pagkain ang mga Alipin sa hapag. Agad nang kumuha ng makakain sina Kidlat at Ugsad.

“May problema ka ba Alab?” tanong ni Lati habang nakatingin kay Alab. Napansin niya ang nakakunot nitong noo  habang papalapit siya sa hapag. Umupo na ito sa kanyang tapat at saglit na tinignan ang mga pagkaing nakahain sa kaniyang harapan.

“Ha? Wala naman.” Agad na sagot ni Alab at uminom sa tubig na isinalin ng Alipin sa kanyang baso.

“Maaliwalas ang paligid, salamat kay Mapulon, binigyan tayo ni Hanan ng pagkakataon upang masilayan ang araw, kung kaya’t hindi ko maunawaan kung bakit lukot ang iyong mukha.” tanong ni Ugsad at kumagat sa prutas na kanyang hawak.

“May iniisip lang.” Nagkatinginan naman ang tatlo dahil sa kanyang isinagot, pawang mga hindi naniniwala sa tinuran ng binata.

“Mukhang alam ko na kung anong bumabagabag kay Alab.” Nakangising sabi ni Ugsad.

“Hindi ‘ano’, kundi ‘sino’.” Pagtatama ni Lati sa kapatid.

“May kinalaman ba ang magandang Babaylan dyan sa gulo ng isip mo ngayon, Alab?” tanong ni Kidlat habang itinataas-baba ang kanyang kilay.

“Umamin ka na, Alab. ‘Di ka naman namin huhusgahan.” Paggatong ni Ugsad sa kaibigan.

“Wala nga. H’wag niyo na lang akong pansinin.” Sabi ni Alab.

“Alab, kami lang naman ‘to. ‘Di mo na kailangang mahiya sa amin.” Pangungulit pa ni Lati. Wala nang nagawa si Alab at napabitaw na lang ng malalim na bunton hininga.

“Oo na, si Laya ang iniisip ko.” Pasukong sabi ni Alab na lalong ikinangiti ng kanyang mga kaibigan.

“Hindi ba’t nagkita na kayo kagabi? Anong nangyari?” pag-uusisa ni Kidlat.

“Nagalit siya sa ‘kin.” Nanlaki ang mga mata nila. “Kasi naabala ko siya  ko siya habang nag-aaral ng ritwal. Nalaman niyang sinundan ko siya mula rito hanggang sa kanyang balay. Ngayon, ‘di ko alam kung paano siya kakausapin.” Pagsasalaysay ni Alab habang nakalumbaba.

“Nako, mukhang mahirap nga ‘yan.” Naiiling na sabi ni Lati. “Anong balak mo?”

Kumunot ang noo ni Alab at namayani ang katahimikan sa hapag. Ilang sandali pa ay naiinis niyang ginulo ang kanyang buhok. Nagkatinginan naman ang tatlong binata sa inasal ng huli.

“Hindi ko pa alam. Ni wala nga akong maisip na paraan kung paano ko siya malalapitang muli.” Namomroblemang saad in Alab at saka napayuko. Narinig naman niya ang mahinang hagikhik ng kanyang kabigan kung kaya’t inangat niya ang kanyang ulo para makita kung sino ito.

“Anong itinatawa-tawa mo r’yan, Kidlat?” nagtatakang tanong ni Alab.

“Ito pa lang ang unang beses na nakita kitang nangamba ng dahil sa isang babae. Nakakapanibago.” Natatawang saad ni Lati habang kumakain. Nanliit naman ang mga mata ni Alab at pasimple siyang sinipa sa ilalim ng hapag, na ikinadaing naman ng huli.

“H’wag kang mag-alala, Alab, tutulungan ka namin d’yan. Kung hindi mo naitatanong...” sabi ni Ugsad at inangat ang kanyang payat na braso, at umaaktong matipuno. “... bihasa ako sa panunuyo ng mga kababaihan.” Pagmamalaki pa nito.

“Bihasa? Kaya pala hanggang ngayon ay wala ka ring mapapangasawa.” Panunukso ni Lati na ikinatawa nina Alab at Kidlat, at ikinalukot naman ng mukha ni Ugsad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon