Prologue
the first day"Tangna ka, unang araw palang late ka nanaman."
"Ang oa mo Aziana, alas-otso pa simula nang unang klase natin."
"Ayun na nga eh alam mo namang alas-otso simula dumating ka 7:59 na."
"You know what bes, tara na mas lalo lang tayong malelate kung sesermonan mo pa ko. Daig mo pa si mama manermon eh" napairap na lang ito at umuna ng mag lakad papunta sa una naming klase.
Pag dating namin nakahanap agad kami ng upuan sa may bandang likod. Mabuti nalamang at wala pa ang professor namin nang makadating kami.
"Hi miss" napalingon ako sa aking likuran, isang gwapong lalaki. Kulay chokolateng mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi at maputing lalaki.
"Hi" pag bati ko dito sabay ngiti ng matamis.
"I'm Hunter Grey, bago ka lang dito?"
"I'm Akira Eve Santillan, and yes bago lang ako"
"ahh kaya pala parang di ka pamilyar Akira,Nice to meet you"
"Nice to meet you too Hunter" napatigil kami sa pag uusap ni Hunter nang may umubo ubo sa tabi ko.
"Hi Hunter! I'm Aziana Gonzalez,19 years old, Single and ready to mingle" Malakas na sabi ni Azi sabay kindat kay Hunter. Si Hunter naman ay mukang nagulat sa lakas nang boses ni Azi.
"Nice to meet you Aziana. Mag kaibigan ba kayo?" tanong ni Hunter sabay tingin saming dalwa.
"Yes" sagot ko
"Matagal ka na bang nag aaral dito Hunter?" tanong ni Azi
"Last year la-" naputol ang sasabihin ni Hunter nang biglang bumukas ang pinto ng silid dahilan para mapatingin ang lahat doon.
Isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang idad nito saamin. Nakasuot ito ng puting polo,itim na pantalon at salamin. Kulay asul na mga mata at mapupulang labi katulad nang kay hunter ngunit madilim ang mukha nito, mukang masungit.
"omg yan ba yung bago nating prof?"
"hala ang gwapo"
"yan ba yung prof natin? bat parang ang bata pa"
bulungan nang mga babae sa harapan pag pasok ng lalaki sa silid.
"Sit down class" ani nito.
"I'm Mr.Galen Castariel Suarez. You can call me Mr.Suarez or Mr.Castariel. I will be your professor.Please introduce yourselves" sabi nito sa baritong boses.
Nagsimula nang mag pakilala isa isa ang mga kaklase namin hanggang sa maka dating na kay Aziana.
"Good Morning my name is Aziana Gonzalez you can call me Azi. Im 19 years old ang single" she chuckled.
"Hi Im Akira Eve Santillan,19 years old. you can call me Aki or Ira but please don't call me by my second name, i hate it." sabi ko at umupo. napansin ko naman titig na titig sakin si Mr.Suarez.
Nag patuloy ang pag papakilala nang iba pa at nang matapos ito ay nag simula ng mag turo si Mr.Suarez na sobrang seryoso,ni pag ngiti ay hindi ata magawa nito dahil lagi lang itong nakakunot noo.
"Miss Santillan!"
napatigil ako sa pag kakatulala ng madinig ko ang malakas na tawag ni Mr.Suarez sakin.
"uy bes san nanaman lumilipad utak mo kanina ka pa tinatawag ni sir." bulong ni Azi sakin bago ako tumayo.
"y-yes sir?"
"Kanina pa kita tinatawag pero mukang malayo ang lipad ng isip mo."
"i-im sorry sir" sabi ko sabay baba ng tingin.
"Answer my question! What is the largest organ in the body?"
"The Skin sir. It has a total area of about 20 square feet." sagot ko habang naka tingin parin sa ibaba at nag mag angat ako nang tingin nakatitig sakin ang mga asul nitong mata.
"Good sit down. And next time please makinig ka pag nag tuturo ako"
"y-yes sir pasensya na po" kinakabahan kong sabi sabay upo. narinig ko naman tumawa si Azi kaya napatingin ako dito.
"first day na first day napagalitan ka agad hahahaha" natatawang sabi Azi.
Inirapan ko na lamang at bumalik sa pakikinig kay Mr.Suarez na ngayon ang sinusulat sa whiteboard kaya't kitang kita ang malapad at matipunong likod nito. Tinitigan ko nalamang ito hangat matapos ang klase namin.
FOLLOW,COMMENT&VOTE