"Mahal kita. Hindi man manaig ang ating pagmamahalan dahil ako ay isang Mestisa at ikaw ay isang Prayle."
"Mula nang matapos ang pandigmaang pandaigdig hindi na sila muling nagkita."ingay mula sa mga nagtatanghal sa stage ang aking naririnig.
Ilang beses ko nang napanuod ang pagtatanghal kaya lumabas ako mula sa entablado,nanibago ang aking mata mula sa dilim sa loob at liwanag dito. Mas lalong sumakit ang mata ko sa aking mga nakita.VINCIENDRO:
"Ano ba meron dito sa campus?" walang malay na tanong ko kay Brin na sumunod pala sa akin.
"Nakalimutan mo na ba may tour at palabas para sa mga Senior High.Ayan nga oh from different School Uniform." sarcastic nitong tugon.
Oo nga pala bakit di pa ako masanay na madalas dayuhin ng ibat ibang school at organization ang university kung saan ako nag-aaral."Bakit hinahayaan ito ng UP? Tsk"
"Huh? Ang ganitong programa?"
"Hindi. Ang makapasok ang mga pasaway na estudyante." at di na ko nakapagtimpi pa dahil andami nilang palisaw-lisaw, halatang walang balak bumalik para manuod sa entablado.
"Hoy kayo! Anong ginagawa nyo jan? Hindi ba dapat at nanunuod kayo sa loob?" puna ko.
"Dapat. Kaso ang boring ng palabas tungkol sa history kung ikaw din kami mabobored ka rin for sure bro!"Whuut? "Bro?"ang lakas ng isang toh na sagutin ako! Andami nila pero sya ang pinakamaangas,naka headphone pa ha!
"Oo kasi mas gugustuhin mo pang mag ML ganon ba?" ang alam ko ay nakuha ko ang atensyon nya ngunit hindi pala, dinedma nya ko! Oo dahil mula sa halos ilang bigkis na laman ng classroom ang mukang nagkalat sa ground na ito, umayos ang isang lupon ng mga estudyante mula ng makita nila ang dalawang babaeng papalapit sa amin.
"Ayts! Sila ate! Mga tol,tara na!"
Pero hindi pa ko tapos sa kanila! Kaya hinawakan ko ang bag ng batang sumagot sakin ng pabalang kaya di sya nakatakbo agad.
"Pre chill mga bata yan!"bulong sakin ng kaibigan ko.
"Bata? Eh ilang buwan na lang college na sila! Ilang taon ka na ba? Senior High ka na diba?""Bitawan mo ko." Bigla syang nagmukang Puppy na nagmamakaawang bitawan ko. Wala akong nagawa kundi bitawan sya.
"Paumanhin. Ngunit nakakaabala ba sila sa inyo?"what the hell! 'Paumanhin!'??? Really?Nahawa na yata sa entablado.
"Ah h-hindi naman. Ayos lang. Pinapabalik lang ng kaibigan ko sa loob." Nak-nang Brin ! Babaero talaga! Ako halatang tinatanong, si Brin ang sumagot.
"Salamat. Kanina ko pa sila chinecheck at tama nga lumabas sila" kakaibang boses.
"Wa-walang anuman." this time ako naman sumagot,ngayon ko lang yata naranasan magka stiff neck.
"Tara na sa loob." sabi nung isang kasama nya na mukang mataray.
"Pre? Ngumingiti ka?" ako?
"Parang nakita ko na kung sino yung paghihirapan kong babae." uunahan na kita,dami mo ng babae tsk.
"Hindi ba magkaiba ang pahihirapan sa paghihirapan hahaha.""Tsk! Basta leave her!"
"No worries. Wala ko balak mangolekta this year! Senior High? yun Dude! Child abuse!"
"Di naman nagkakalayo edad namin kung sakali."komento ko.
"Seryoso ka dude?Kung di sya Senior High.Baka teacher mas matanda naman sayo,mukang bata lang itsura"
"Age doesn't matter sabi nga nila!"
"Wow That's the spirit! Ngayon lang yata kita nakitang nagka interes sa babae" supportive na sana OA lang.