"Stunning as ever hija, what a beautiful dalaga you have been." Ani tita Nikholeta.
She motioned a hug so I hugged her curvy body, I must say even though my tita is already Fourthy-two years old she still looks sexy and stunning.
"Masyado mo naman akong binobola tita," biro ko.
Hawak-hawak ko pa din ang aking maleta habang niyayakap si tita. Hindi ako masundo ni Daddy dahil napaka-busy niya, kaya si tita na lamang ang sumundo sa akin.
Ah Gensan, ang sariwa ng ihip ng hangin. Maamoy mo ang preskong amoy ng karagatan kahit medyo malayo ang Airport sa mismong dagat, na-miss ko talaga dito sa Mindanao.
Sampung taon din akong nanirahan sa London, hindi rin ako nakauwi sa Pilipinas dahil paminsan-minsan ay dinadalaw ako doon ni Dad.
"Hindi naman nagbibiro ang tita mo Siana eh," saad ng lalaking nasa likod ni tita.
Matangkad siya, sa palagay ko ay 6'1. Kumikinang kung madadapuan ng araw ang kaniyang balat, ang mga mata niya para akong nilulunod sa dagat na kulay kayumanggi kung tititigan ko ito, at ang ngiti niyang nakakapang-akit ay masiyadong nakakapang-halinang tignan.
"Arthuro? Ikaw nga, I missed you so much." Nabitawan ko na lamang ang aking maleta, tsaka namin hinagkan ang isat-isa.
"Naku! Bakit feeling ko mas mahaba at mas gusto mong kayakap si art kaysa sa'kin?" Nagbibirong ani tita.
"Ano ka ba tita? Siyempre ikaw nakikita naman kita kung bumibisita ka sa London, ngayun ko lang ulit nakita si Arthuro eh," magiliw kong paliwanag.
Uhm hello!? Sampung taon ko kaya hindi nakikita ang lalaking maha-... Ang lalaking kababata ko. Kababata na lang muna, kakakita lang mahal na agad? Ano ako malandi?
Gwapo naman siya, duh magaling ako pumili eh. Okay naman siya pero gusto ko lang maging sure, alam mo naman mahirap na siyempre uso yung mga pinagpapalit sa malapit eh.
Dumaan lamang kami sa isang Japanese Restaurant tsaka bumalik na uli sa daan, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang tinititigan ang mga bahay at establishimento na nadadaanan ng sasakyan.
Ang dami na ng mga magagarbong bahay, establishimento ang pumalit sa dating mga sakahan o di kaya'y kinatatayuan ng mga matataas na puno. Mas naging busy na rin ang daan dahil sa pagdami ng mga taong may sasakyan at motor.
Nang dumilat ako ay nasa Round ball na kami ng Tacurong, ang kinalakihan kong City. Grabe mahigit 2 hrs din akong nakatulog.
"Ang rami na ding mga pagbabago tita noh?"
"Marami na talaga hija, kahit nga sa Hacienda ay marami rin. Nagbawas ng mga tauhan ang Dad mo kaya nabawasan na ang mga tao roon, tsaka may kuryente na rin." Kuwento ni tita.
Sa dami ng pagbabago na ito napatingin na lamang ako kay Art, naaalala niya pa rin kaya ang pangako namin? Dapat lang! Ang dami ko kayang binasted na manliligaw para sa kaniya.
"Oh wag ka masiyadong tumitig sa'kin, baka matunaw ka," biro ni Art.
"Ba't ako matutunaw? 'Di ka naman hot, you're so GGSS,"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa upang kunwari ay naiinis ako sa pagka-GGSS niya. Nakakatawa iyong nakanguso niyang mukha matapos marining ang sinabi ko.
"Eh ba't mo ako tinitignan aber?"
Oo nga? Ba't ko nga ba siya tinitignan? Ah eh wala, tama wala lang!
BINABASA MO ANG
Shearing trouble for love
Short StoryNiessiana is the youngest daughter of the most wealthy Haciendero in Tacurong. She and Arthuro made an oath before she left to study in a Boarding School in London, ten years later she comes home very excited to fulfill this promise to Arthuro. His...