Chapter 15 - The Start

572 18 2
                                    

CHAPTER 15

DANIEL'S POV

Naka upo lang ako sa bench na malapit lang sa room namin, hinihintay ko kasi kabanda ko. Tumingin ako sa paligid ko at buti naman walang tao, Nakining lang ako nang kanta para naman hindi ako ma bored sa kakahintay sa mga loko. Hindi ko kasama ang dalawang lovebirds kasi may date sila, kaya niyaya ko sila lester para naman may kasama ako.

Humangin nang malakas at natangay ang buhok ko, kaya nalaglag din ang headset, Panira yung hangin! Pambihira! Ganda na nang music eh, kakainis. Pinulot ko ito at may nakita akong maliit na papel na may sulat, kaya pinulot ko. Napa kunot noo naman ako sa nabasa ko.

Get ready? Ano to? Napakamot nalang ako sa ulo ko. Baka naman hindi to sakin, nag kibit balikat nalang ako. Nilagay ko lang sa tabi ko at nagpatuloy lang sa pagkikinig nang musika.

"Bro! Kanina kapa?.." Sabi bigla ni Lester at umakbay sakin. Hindi ko sila napansin ah.

"Oo, bakit ang tagal niyo ha?." Sabi ko sabay tanggal sa headset.

Tumabi rin sakin si Katsumi, si seth at Jc nakatayo lang.

"Kasi tol, hinihintay pa namin si JC. Eh paano kausap pa niya si baby loves niya eh.." Sabi ni katsumi, kaya napalingon ako kay JC

Tss. Si JC lang kasi may girlfriend saming lima. Eh paano, loverboy yan eh. Nagkamot lang nang ulo si Jc, napa iling nalang ako.

May nakita kaming kotseng kakarating lang, kaya napatingin kami dun. Huminto siya sa tapat nang principal office, naka tingin parin kami dun para kasing may kakaiba dun sa sasakyan nayun.

May bumaba na tatlong lalaki at isang babae. Hindi namin sila kilala, parang mga bago lang. Pumasok na sila dun.

"Bro, kilala mo yun?" Tanong bigla bigla ni seth

Tumingin muna ako sabay iling..

"Hindi bro, hindi ko sila kilala." Sagot ko sa tanong ni seth

Napa ahh nalang si seth at umakbay kay jc. Si lester at katsumi nandito parin sa tabi ko.

"So, pano tol? Tara!? Maggagabi narin oh.." Sabi ni katsumi sakin.

Ay oo nga may pupuntahan pa pala kami. Tumango lang ako at tumayo na kami, sumakay naman agad kami sa kotse ni lester. Pupunta kami sa isang sikat na bar , gusto lang namin ma enjoy yung araw nato kasi wala si mama, 2 days siya wala kaya mga kapatid ko ang kasama sa bahay.

Pinark agad ni lester , nandito na kasi kami sa bar. Bumaba narin kami.

"Tol, parang ang daming tao sa loob ah. " Sabi ni lester sabay silip,

Mukhang ang dami nga, masaya to! Hindi na kasi ako naka punta sa mga bar, si mama kasi. Simula nong nag break kami.

"Oo nga eh. Tara na sa loob, para naman madami dami yung maiinom natin diba?."Sabi ni seth bigla

Oo nga naman, tama si seth kaya pumasok na kami sa loob. Nauna si lester kasi daw siya ang pinakagwapo samin. Psh! Ang hangin talaga ni les kahit kailan, napa iling nalang kami.

Naamoy ko agad ang mga usok nang sigarilyo at mga inumin, nag halo halo ito. May mga nag sasayawan sa dance floor, yung iba naman nag mamake out na. May lumapit na babae kay les at niyaya nitong makipag sayaw sakanya, kaya nakipag sayaw na siya sa bababe. Kami naiwan lang sa bar counter, talagang si les hindi parin nag babago.

"Bro, bakit hindi ka masaya? Diba dapat masaya ka kasi andito tayo ulit sa bar. Lets enjoy this night pre! Cheers!" Sabi ni katsumi sakin at sabay sabay kami nag cheers, hard yung pinili naming inumin. Matanda na kami kaya ok lang kong hard ang inumin namin. Sabi nga ni kats mag enjoy kami ngayong gabi.

SHE'S A GANGSTER? ( kathniel) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon