3 YEARS AGO...
❤❤❤❤❤❤❤❤❤
What is Love?
What is Love
What is Lov
What is Lo
What is L
What is
What i
What
Wha
Wh
W
"Ara ano bang tina type mo dyan at kulang na lang sirain mo yang keyboard ng computer mo." pasigaw na sabi ni Camille habang sinisilip niyang pilit ang computer ko.
Binato ko siya ng isang roll ng tissue na nasa table ko. Napaka chismosa talaga, ingay ingay marinig pa kami ng boss namin lagot na naman ako.
"Cams tumigil ka nga sa pagsigaw mo, katabi lang kita. Hindi ako bingi at wala ka sa kabilang bundok para sumigaw." inis kong sabi sa kanya.
"Hoy kayong dalawa hindi ako makapag focus sa tina type kong article dahil sa pag-iingay niyo. Utang na labas tigil tigilan niyo na yan." galit na sabi ni Kim.
"Ito kasi" sabay na sabi namin ni Camille habang nagtuturuan.
Natigil kami sa pagbabangayan ng bumukas ang pinto ng office ng boss namin. PATAY! sabi na eh.
"Ma'am Ara pinatatawag ka ni Boss." sabi ng secretary ni Boss na si Dawn.
Hinila ko muna ang buhok ni Cams bago ako tumayo sa chair ko. Makaganti naman sa kanya.
"Ms. Ara, upo ka muna." sabi ng Boss ko.
"Thanks Boss."
"Ara may isang T.V show ang gusto kang interviewin, ni review ko muna ung mga i-a ask na question sayo. At may isang tanong dun na alam kong ayaw mong sagutin "Why sad endings?". sabi ng Boss ko na si Aby Maraño.
"Sorry Boss pero ayokong magpa interview." sabi ko.
Hanggang ngayon takot pa din akong sagutin kung bakit malungkot ang katapusan ng mga kwento na sinulat ko.
Hindi naman ako pinilit ni Boss, ng makabalik ako sa table ko. Nanginginig na naman ang buo kong katawan. Nag panic na sina Cams at Kim. Itinuro ko ang bag ko kung saan nandun ang gamot na tanging nagpapakalma sa akin.
Pinainom nila ako ng gamot ko at maya maya bumuti na ang pakiramdam ko.
"A-Ara ung gamot di-diba.." Kim
"Kim please ayokong pag-usapan kung bat ako umiinom ng gamot na yun." pagputol ko sa sasabihin ni Kim.
"Okay. May kailangan ka pa ba?" worried na tanong ni Kim.
"Ara gusto mo bang mag halfday? Ako na bahalang magsabi kay Boss." sabi ni Camille. Tulad ni Kim, pati si Cams nag-aalala sa akin.
Kaya ayokong may nakaka alam ng kwento ng buhay ko kasi ayokong kaawaan nila ako.
Bumukas ang pinto ng opisina namin. At sumilip ang Bakla, Si Carol bumisita sa amin. Grabe namiss ko talaga sya. Nag 1 month na leave kasi siya dahil sa malapit na siyang ikasal.
Sa lima kong kaibigan, si Mika at Carol lang ang nakaka alam ng istorya ng buhay ko. Hindi sa wala akong tiwala kay Kim, Camille at kay Cienne. Ayoko lang talaga ng may nakaka alam.
