Malayo layo ang bineyahe namin papuntang Lipa, Batangas sa Rancho ng mga Cerveza ang punta namin. Dun kasi siya ikakasal, dream wedding kasi niya yun simula nung bata pa siya.
.
.
Pagkababa ko sa kotse ni Mika, nagtatalon talon ako sa sobrang sakit kasi ng puwet ko. Kangalay kaya magbiyahe ng matagal.
**click...click**
Pag lingon ko may lalaking nag picture sakin habang tumatalon. Nakakahiya! Pagbaba niya ng camera, nakangiti siya sakin.
ANG GWAPO NAMAN NIYA, umiwas ako ng tingin sa kanya kasi naman ung ngiti niya. Ng tingnan ko ulit siya naglalakad na siya palayo.
"Ano kayang tinitingnan ng Bestfriend mo Dr. Reyes?" Tanong ni Kim kay Mika.
"Mukhang yung Photographer." sabi ni Best.
Pucha ang chismosa ng mga to na si Mika lumipat dun sa passenger seat, sina Kimmy naman kagulo dun sa likod ng kotse.
"Napatingin lang ako kasi pinicturan niya ako" sabi ko.
"Ayieeeeeee si Arabella dalaga na." pang-aasar ni Cienne. Nagtawanan naman sina Mika.
"Ewan ko sa inyo, Tara na gutom na ako." sabi ko at naglakad na ako papunta sa bahay nina Carol.
"Uiiiiiiii nagmamadali gusto niyang sundan yung photographer.." sigaw nung apat na bruha. Kaya tumigil ako sa paglalakad at hinintay ko sila.
"Nakaka-asar kayo." sabi ko at binatukan ko silang apat.
"Binibiro ka lang naman namin friend. Tsaka single ka naman, ayaw mo bang maka experience man lang?" sabi ni Cams, at nagtawanan ung tatlo. Ano bang sinasabi ng lukaret na to.
"Ano namang klaseng experience?" I asked.
Di ko alam kung mali ba ung nasabi ko kasi lalo silang humagalpak ng tawa.
"Wala best, kabastusan lang yang sinasabi ni Cams sayo. Alam mo naman yang writer na yan madaming alam." tatawa tawang sabi ni Mika.
"Excuse me tatlo kaming writer dito, naiba lang yung akin kasi mapupusok sinusulat ko. Kasalan bang maging maganda, kaya madaming experience." Cams.
"Hoy twinny ang landi mo." Inis na sabi ni Cienne.
"Tara na gutom na talaga ako." sabi ko. Nag aalburoto na kasi ang mga alaga ko sa tiyan.
Pagpasok namin, dali daling naupo sa sofa ung apat na bruha. At ang nakakainis nandun din ung gwapong photographer.
"Ara upo na." sabi ni Kim at ngising ngisi ang mga bruha. Paano ba ako uupo eh makakatabi ko ung photographer.
"Mas feel ko tumayo." sabi ko habang nakatingin lang ako sa may labas. Tsss. Bat ba ako nahihiya dun sa lalaking yun? Kasura, kasi naman sina Mika iginagalaw pa sakin.
"Ara ano nga number mo?" tanong ni Mika.
Ng tingnan ko naman ang lukaret kong bestfriend, iningunguso niya ung photographer na busy sa pagkalikot ng CP niya. Kasura talaga tong mga to.
"Ang number ni Ara ay 0908-180-8188" sabi ni Cienne at kumindat pa ang gaga.
"Ulitin mo, tapos bagalan mo para ma save niya." pagpaparinig na sabi ni Kim.
Tinaasan ko silang apat ng kilay. Bat ba mas atat pa sila sa akin na magka lovelife. Tsaka ang gwapo kaya nun, asa pa akong magkagusto yun sakin.
Inulit nga ni Cienne at sinabayan pa siya ni Cams. Kaya pinapatay ko sa titig ung apat. Isusumbong ko talaga tong mga to kay Bakla. Kakasura baka akalain ni Kuya na nagpapa cute ako.
