"Panis ka nanaman boi" turan ko sa kaibigan kong si AJ
"Pa'no ba 'yan? Naka-perfect nanaman ako sa exam. Libre mo na ako." sabi ko habang winawagayway sa harapan niya ang test paper ko
Kahapon ay nagkaroon kami ng pagsusulit sa Matematika at ngayon ay pinapamahagi na ang mga papel namin. At inaasahan ko na nga, na makakakuha ako ng pinakamataas na marka. *Ehem* Baka Steven yata 'to.
"Oo na. Saan mo ba gusto kumain?" tanong niya sa 'kin
"Sa Jollibee na lang. Na-miss ko na kumain doon."
"O sige tapos ng klase natin. Punta tayo roon."
"Good job boi. Sabi ko naman sayo maghanda ka na. 'Di mo ko matatalo. Hahaha."
"Sus lamang ka lang naman ng isa sakin."
Tiningnan ko ang papel niya at isa nga lang ang mali niya.
"Badtrip kasi yang no erasures eh. Namali pa tuloy."
Nag-bleh sign lang ako sa kanya. Kasalanan niya yun. Pabura-bura siya eh.
Mukhang nainis na ang mokong at tumayo para hampasin ako. Inaasahan ko nang hahampasin niya ako pero wala akong naramdamang pagbatok sa ulo ko. At pagtingala ko, nakita ko na lang na nakangisi ang mokong at umupo muli.
"Ayos lang. Mas matangkad pa rin naman ako sayo." sabi niya at ngumiti na parang nang-iinis.
At ako naman ngayon ang umamba para hampasin niya. Lakas ng loob nitong mokong na 'to na pagtripan yung tangkad ko. Eh ano ngayon kung mas matangkad siya sa 'kin? Matangkad rin naman ako kumpara sa karamihan. Mas matangkad nga lang itong mokong na nasa harapan ko.
Hahampasin ko na sana siya nang biglang tumunog ang bell at dumating na ang guro namin.
Matapos ang lahat ng klase namin ay hinampas ko sa balikat si AJ. Sapat na siguro ang lakas para mapangiwi siya.
"Bilisan mo boi. Kain na kain na ako oh. Gusto ko na matikman yung libre mo."
Sabay na kaming lumabas ng silid at habang naglalakad ay nakaakbay lamang ako sa kanya. O akbay nga ba? Para akong unggoy na nakasabit sa kanya. Bakit ba kasi ang tangkad nitong mokong na 'to?
Naglakad lang kami papuntang Jollibee tutal malapit lang naman sa paaralan namin.
"Oh anong gusto mong kainin?"
"Hmm. Burger na lang siguro. Baka sisihin mo pa ako 'pag naubusan ka ng pera. Hahaha"
"Sigurado ka. Sulitin mo na. Baka huling libre ko na 'to sayo."
"Sus. Asa naman. Haha. Matatalo pa rin kita kaya malilibre mo pa rin ako."
'Di na siya nakipagtalo sa 'kin. Pumila na siya para um-order at ako naman ay naghanap ng mauupuan namin. Wala nang lugar sa baba kaya sa pangalawang palapag na lamang ako pumwesto. Habang naiinip ako kahihintay kay AJ, tumingin-tingin muna ako sa labas. At ang nakaagaw ng pansin sa akin ay yung mamahaling kotse na nakaparada. Iniluwa nito ang isang lalaking nakatuxedo at isang babaeng nakapulang damit. Maganda, mahaba at wavy ang buhok. At saka sexy mga pards.
Nanatili akong nakatingin sa baba hanggang sa maramdaman kong may tumutusok sa may pisngi ko. Paglingon ko ay nakita ko si AJ at ang hawak niyang fries. Umupo na siya katapat ko at nilapag ang tray na hawak niya.
"Ayan na yung burger mo. Sinamahan ko na rin ng fries. Kumain ka nang marami para tumangkad ka naman. Hahaha." sabi niya sa 'kin.
Tiningnan ko lang siya nang masama at umambang hahampasin ang ulo. Pinagtitripan lagi nito yung tangkad ko eh. Palibhasa mas mataas siya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Arrogant Aces
أدب المراهقينSteven Hiro Santos is a great example of your "almost" perfect guy. Gwapo, matangkad, at matalino. Pero hindi yan ang best adjective to describe him. Kapag tinanong mo ang mga kaklase niya, ang sasabihin nila sayo "Yabang". Bakit? Oh well, si Steven...