Rachel POV
After ng pag-iwan sakin ni Jason sa coffee shop di naman ako nagalit sa kanya medyo nahihiya pa nga akobeh haha umiiral nanaman kasi ang katangahan ko.
Dumiretso ako sabahay para magbihis alangan namang pumasok ako na parang basang pusa diba.
Pag pasok ko sa Mansion na abutan ko si Trisha na duguan at pati mga katulong namin patay at hahaha joke lang yun.
Sinalubong ako ni Trisha yung kapatid ko, fan yan ng The Four Treak.
" Sista anyare bat basang-basa ka."
"Ahhhh mahabang storya."
Dumiretso na ako sa kwarto ko.
pag pasok ko ang gulo-gulo. Once a week lang ako kung umuwi dito medyo malayo-layo kasi ang school dito kaya nag stay ako sa unit ko.Nagbihis lang ako ng iba kong Uniform at nagmadaling pumunta sa School medyo ma lelate na kasi ako eh.
Pagdating ko sa school sinalubong ako ni Kim.
"Besh as in kailangan talagang umuwi at maligo?"
"Kim oo naligo ako ng ulan kaya pwede silent ka na lang kasi nakakairita yang kaingayan mo."
Bigla namang dumating ang prof namin para sa next subject by the way sya nga pala yung adviser namin yung feeling teenager na adviser haha.
"Class kayo ang napili na section to represent our school para sa isang youth camp. I will give you a letter kung papayagan kayo ng parents nyo o hindi pls. return it to me tomorrow. The Youth Camp will be after 1day na it is fast approaching kaya return to me the letter tomorrow ok.
Nagsimula ng mag lesson c prof lumingon ako sa seat ni Jason kung present sya at present nga sya kaso ayun natutulog.
After 10987654321 years eh nag time na. haha salamat as usual napaka boring pero nakikinig naman ako mabait ako eh haha. Naawa ako sa mga prof kasi after mag migrate ni Adrian eh wala ng matinong estudyante ang naiwan sa classroom.
Dumiretso ako sa parking lot at nagmadaling umuwi mukha kasing exciting yung youth camp na sinabi nig prof namin gusto kong sumali ang boring kaya sa unit kung wholeday akong mag mumokmok sawa na ako sa mga mall eh .
Matawagan nga si mama sana pumayag.
*ring*
sinagot naman agad ni mama.
[Hello anak napatawag ka kakapadala ko palang sa inyo ni Trisha ah manghihingi ka nanaman ng pera nak magtipid ka naman minsan alam mo namang ....]
-_- di ko na sya pinagpatuloy sa pagsasalita.
"Ma di yun kayo naman pinangungunahan kaagad ako eh. Kasi ma ganito yun. Yung section namin ang napili para mag represent sa school sa isang youth camp then it looks interesting kaya gusto ko sanang sumali."
[ Tapos? ]
" alam ko naman papayag kayo eh pero pwede..."
[ padadalhan kita bukas ok kuhanin mo na lang ok kaw talaga. o sya sige nak bye. ]
Yan ang gusto ko sa mama ko.
Yes makakasama ako.Jason POV
Pag-uwi ko sa bahay pinag-iisipan ko kung sasama ba ako o hindi. para kasing ayoko tinatamad ako mas masarap parin ang mahiga sa kama sa buong maghapon mag movie marathon at mag stroll haha.
Kaya di na lang ako sasama ^_^
*tingting*
A/N: tunog yan ng iphone XD