Brica's POV
"Babe anong oras tayo aalis?" tanong sakin ni Risa
"Mga 9:00am na lang siguro tinatamad pa ako eh hehe" sabi ko sa kanya
"Sooos eh kase naman magmove-on na day! Ang daming mga boylets dyan na naghahabol sayo mamimili ka na lang" sabi nya sakin na sinamahan pa ng nang-aasar na ngiti tapos kumindat pa.
"Alam mo ewan ko sayo! Matutulog na nga lang muna ulit ako gisingin mo ako ng 8:45 haaa" sabi ko sa kanya inaantok pa kase talaga ako dahil niyaya nila ako ni kuya Rite magbar kaya ayun may hang-over pa atsaka medyo masama talaga ang pakiramdam ko.
"Oh sige! Labas muna ako" sabi niya bago lumabas ng kwarto
Maya-maya hindi naman ako makatulog dahil iniisip ko nanaman ang mangyayare mamaya kapag nakabalik na kami sa Maynila. Syempre ilang taon na ang nakalipas nung huli akong makauwe sa amin, well sila Risa at kuya naman nakakauwi sila dun, kase dun sila nagtatatrabaho ako lang naman ang stay-in dito sa probinsya dahil dito na ako nagtrabaho pagkatapos ng nangyare 3 years ago.
"Ooooooooyyy Bri gising na!! Alis na raw tayo sabi ni kuya Rite" panggigising sakin ni Risa
"Eto na!! Nagmamadali?! Sabi ko kase sayo gisingin mo ko ng 8:45 hindi yung aalis na tayo! Siraulo ka talaga" sabi ko sa kanya pagkatapos ko mag-ayos
"Ano ready ka na?" tanong ni kuya sa akin
"Saan kuya?" sabi ko sa kanya na nagtataka
"Umuwe?" sabi nya pero iba ang nakikita ko sa kanya kase parang may ipinahihiwatig sya sa akin. Hindi ko alam sa kanya kung nang-aasar sya or nagtatanong lang talaga eh.
"Oo nga naman Bri bakit saan ka pa ba dapat magready? Di ba sabi mo wala na yun?" sabi naman ni Risa. Isa rin to eh haay! Basta ewan na lang. Tinulugan ko na lang sila kase hahaba nanaman ang usapan eh.
Nagising ako ng malapit na kami sa bahay dahil nakikita ko na ang mga bahay nung mga kapitbahay namin, nakita ko pa nga si Aling Susan sa tapat ng bahay nila nagbabantay nung apo niya siguro yun, kase mga hula ko nasa dawang taon pa lang yung bata. Nakita niya yung sasakyan ni kuya kaya kumaway siya binaba ko naman yung bintana dito sa side ko tapos kumaway rin ako sa kanya pabalik. Nagulat pa nga siya. I chuckled because of her reactions. Antagal ko na nga talagang hindi nakakauwi dito sa amin.
Pagdating namin sa tapat ng bahay nasa labas si kuya Boy yung driver nila Mama kaya dinirecho na ni kuya yung sasakyan sa loob. Pagpasok sinalubong naman kami nila Papa kasama yung ibang kasambahay na kinuha nila kila Tito Connor na nasa sala pala at inaabangan kami.
"Bridgette!! Buti naisipan mong umuwi , ang tagal na nung huli mong punta rito" sabi ni Papa at patakbong niyakap ako
"Pa, dahan-dahan naman. Tsaka alam mo namang busy ako sa trabaho sa probinsya di ba and inaalagaan ko rin si Lola Lea roon so wala akong oras umuwi rito" sabi ko sa kanya pagkatapos kong magmano
"Asan nga pala po si Mama?" I asked kase hindi ko pa nakita si Mama
Pero may nakita akong kalalabas lang sa kusina na babaeng naka-face mask at mahaba ang buhok nung una akala ko kinuhang kasama sa bahay ni Papa pero nung tinanggal na niya yung face mask si Mama pala!
"Mama!!" tawag ko sa kanya at tumakbo para mayakap ko siya
"Anak! Ang laki ng pinagbago mo ahh" sabi ni Nanay nakita kong may papalabas nanaman galing kusina
"Mama sino sya?" tanong ko kay Mama kase nagtataka ako bakit may lalaking lumabas sa kusina namin na mukhang bisita nila Papa
"Si Shan yan anak di mo ba siya nakikilala?" sabi ni Mama at parang binuhusan ako ng malamig na tubig
"Ha? Eh Ma imposible namang si Shan yan" sabay turo kay Shan daw sabi ni Mama
"Bakit naman anak? Hindi ba nasabi saiyo ng kuya mo na nakauwi na si Shan galing Amerika?" sabi naman ni Papa. Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko si kuya na hindi makatingin sa akin
"Luh? Pa anong sinasabi mong Amerika eh si Shan iniwan ako nun nung bata pa kami" sabi ko kay Papa na nagtataka sa sinabi ko
"Hey" Sabi ni Shan daw kaya napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa
"Oh baket?" sabi ko sa kanya eh kase grabe rin siya makatitig eh
"Can we talk?" he said kaya napataas kilay ko sa kanya
"Bakit nga? Tsaka bakit hindi dito?" sabi ko sa kanya
"Uhmm can we talk privately?" sabi niya na parang naaasar na kaya tumango naman ako
"Ma, usap lang daw kami" sabi ko sa kanila kaya pumunta na kami sa likod bahay at umupo malapit sa swimming pool
"Oh ano na pag-uusapan natin?" sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin
"How are you?" sabi niya
Tiningnan ko lang siya kasi nagtataka pa rin ako kung bakit sinasabi niyang siya si Shan. Eh kasi ang natatandaan ko lang na Shan yung kababata ko na umalis rin pumuntang ibang bansa tapos umuwi ulit dito nung nag- High school na kami, kaya sino tong Shan na toh?
![](https://img.wattpad.com/cover/287821408-288-k354281.jpg)
BINABASA MO ANG
Fight of Promises
Teen FictionFirst love never DIES ika nga nila pero mapapatunayan pa kaya ito nila Brica at Shan kung maraming pagsubok ang dumating sa kanila? Hindi lang to simpleng pagsubok dahil dito masusubukan ang tatag ng pagmamahalan nila. Cover By: @Kimchiboo_ Start: N...