Chapter 1

18 2 0
                                    

"Anak gising na" nagising ako sa tawag ni Mama at tiningnan ko yung oras sa cellphone ko nakita kong 4:30 na ng umaga

"Bababa na po" sabi ko at tumayo na para maligo dahil unang araw ng klase ngayon at Grade 10 na ako kakalipat ko lang ng school homeschooled kase ako nung nagstart nung nag-Grade 7-9 ako kase natakot ako dahil binubully ako dati sa dati kong school so parang natrauma ako

Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit at sarili ko bumaba na ako para kumain naabutan ko naman si Mama na nagsecellphone kaya kumain na lang ako, pagkatapos ko naman kumain nagpaalam na akong papasok

Walking distance lang naman yung bago kong school kaya yun naglalakad na lang ako, wala si kuya kasi nasa Maynila nakatira College na kase sya Engineering yung course na kinuha niya and graduating na rin. May sarili na rin siyang condo niregalo nila Papa sa kanya kaya naiinggit ako kay kuya kasi may sarili na siyang tinitirhan. Eh ako? sa bahay pa rin kasama sila Mama masyado kasi nila akong binebaby eh pero ok lang baka kapag sa Senior high school ko may sarili na rin akong condo 

Habang naglalakad di ko napansin na nasa malapit na ako sa school nakita ko rin si Siti pinsan ko sa side ng Mama ko marami kasi akong pinsan pero bihira ko lang sila makita dahil nasa ibang mga lugar sila nakatira, sila Siti lang ang malapit sa amin

"Brica!!" tawag sakin ni Siti pagkarating ko sa gate nung school

"Oh? Dapat pumasok ka na" sabi ko sa kanya pagkarating ko sa harapan niya

"Eh? Inantay talaga kita noh! Kase naman alam kong maninibago ka rito dahil first time mo ulit pumasok ng school magmula nung elementary tayo" sabi niya sakin habang naglalakad na kami papasok sa school

Nilibot ko yung tingin ko kasi talagang naninibago ako, nilingon ko naman si Siti pero syempre hindi na bago ang ganito sa kanya since ako lang naman ang homeschooled samin. Nakarating na kami sa classroom namin kaya pumasok na kami, pagpasok namin ang dami nang students na nakaupo at naghihintay ng teacher kaya namili na lang kami ng upuan sa likod banda kasi ayoko umupo sa harap kasi dati nung elementray ako lagi ako sa harap tapos palagi akong tinatawag

Bumukas yung pinto namin at pumasok na yung hinihintay namin na teacher, pagpunta niya sa harap naglibot muna siya ng tingin pagkatapos ay pinatayo kami

"Goodmorning Class" sabi ni Ma'am 

"Goodmorning Ma'am Remo" bati naman nung mga kaklase ko kasi di ko pa naman siya kilala kaya sa goodmorning lang ako sumabay

"You may take your seats" sabi niya

"Since first day ngayon at hindi na bago sa inyo ang ganitong system kapag first day syempre punta sa harap sabihin ang buong pangalan, edad at saang galing na school kapag transferee. Gets?" dagdag niya pa at tumango naman ang mga kaklase ko 

"So let's start at the back na lang papunta sa iyo" sabi niya ulit at tinuro ang kaklase ko sa unahan

So nagsimula na sila at kinakabahan ako kasi ngayon na lang ako ulit nakapagsalita sa harap ng ibang tao maliban sa family namin. Nung tiningnan ko yung last row dalawa na lang sila bago kami nila Siti kaya nilingon ko siya at nakita kong nakikinig sya sa harap samantalang ako namamawis na dito. 

Nung turn ko na tumayo na ako at pumunta sa harap, pag harap ko pumikit muna ako bago nagsalita

"Hi Goodmorning po! My name is Bridgette Micaella Dela Fuente, 16 yrs. old po and ahmm homeschooled po kasi ako and ngayon na lang po ulit nagtry na pumasok sa school. Thank you po!" sabi ko at yumuko kasi nahihiya ako

"Excuse me Ms. Bridgette if I may ask lang naman kung bakit ka na-homeschooled?" tanong sa akin ni Ma'am habang nakatingin sa akin

"Ahmm natrauma po kasi ako dati, nabully po nung mga classmate ko nung nasa 1st quarter ng class po" sagot ko sa kanya bago tumungo ulit dahil nakatingin sa akin lahat  

Fight of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon