1

102 38 148
                                    

THIRD PERSON
WARNING: DISTURBING SCENES AHEAD!

May lumapit na duguang binata sa isang grupo ng kalalakihan na nagtatawanan sa ilalim ng puno ng Acasia.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" naghihingalong sigaw nito habang hawak ang nagdudugong dibdib.

Natigil ang tawanan ng mga lalaki dahil sa pag sigaw ng binata. Pero agad din nilang nilisan ang tingin nila dito, tila walang nakita o narinig.

Patuloy ang pag sigaw ng binata, kahit na malapit na itong mawalan ng boses.

Tahimik na nag mamasid ang isang dalaga sa nangyayari, may katabi itong dalawang lalaki.

Nang hindi makatiis ang dalaga ay nagsimula na itong humakbang papalapit sa binata.

Napailing nalang ang dalawang kasama nito bago hinila ang suot nitong pink na sweatshirt, na may mukha ni Keroberos galing sa anime na Cardcaptor Sakura, para pigilan ang pag hakbang nito papalapit sa binata.

Inis na nilingon ng dalaga ang dalawang lalaki.

"Ano ba?! He's losing so much blood, we need to help him! You idoits!"

Ngumisi ang nasa kaliwang lalaki, bahagya din nitong itinagilid ang ulo.

"Nu uh."

Napairap nalang ang dalaga bago nito nilipat ang tingin sa lalaking nasa kanan.

Ngunit wala siyang natanggap dito kundi ang malamig na titig nito sakanya.

Inis na nagpapadyak ang dalaga sa inis. Wala itong nagawa dahil nakabantay sakanya ang dalawang lalaki.

Nanatiling naka-sandal ang mga likod nila sa gate. Habang walang emosyong pinapanood ang binata na mag makaawa sa isang grupo ng lalaki.

Ang ibang estudyante ay nanonood lang din. Ang iba ay dinadaanan lang ito, na parang walang nakikita.

"Are we really just gonna stand here and watch? While that guy is dying?!" inis niyang wika.

Nilingon ito ng lalaking nasa kanan. Tiningnan siya nito gamit ang napakalamig nitong mata.

"We're not allowed to meddle with something without Enzo's permission," sabi nito.

Napairap nalang ulit ang dalaga. Magsasalita na sana ulit ito ng may nagsalita sa gilid niya.

"Yow!"

Nilingon nila ito at nakita ang isang nakangising lalaki at tatlo na nakabusangot na babae.

"Ba't nakasimangot si bb Divine?" tanong nito habang kumakain ng marshmallows.

"Inaaway niyo nanaman ata," biglang saad dito nung babaeng busy sa cellphone niya.

Biglang nanlaki ang mata ng lalaking nasa kaliwa ni Divine bago umiling.

"Hindi ah! May gusto nanaman kasing gawin si Divine." Ngumuso nalang ito bago lumapit sa lalaking busy kumain.

"She wants to help the guy," dugtong ito ng lalaking nasa kanan ni Divine.

Team PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon