DIVINE
WARNING: DISTURBING SCENES AHEAD (GORE)"Wala bang carbonara?" nakangusong tanong ko.
Tumawa naman si Cora sa sinabi ko. Napalabi naman ako. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
"Spaghetti ayaw mo?" Napalingon ako sa likod ko ng may nagsalita.
"Ayaw ko. Ilang araw na nating pagkain yun sa dorm simula nung new year," sagot ko kay Jadie.
Yung tipong every Christmas or New Year alam mong mapupuno ang ref niyo ng pagkain. Tapos iinitin nalang pag may kakain. Minsan nga umaabot pa ng isang linggo ang isang putahe.
"Make sense. Meron pa ngang tira dun eh," sabi ni Jadie bago inilibot ang tingin sa mga pagkain.
Bumili nalang ako ng crackers bago pumunta sa lamesa namin. Iniwan ko dun sila Cora at Jadie, nahihirapan ata pumili ng pagkain.
Tumabi ako kay Portia bago sinimulang kainin ang binili ko. Nanlaki ang mata ko nang maalala kung bakit nga pala kami pumunta dito sa cafeteria.
"Uy, Elle," tawag ko dito. Tiningnan ako nito bago nagtaas ng kilay. "Sabi nila Ethan may chika daw kayo."
Naguguluhan ako nitong tiningnan. "Huh?"
"Hatdog."
"Gusto mo ng hatdog? Eto oh." Bahagya pa nitong inilapit sakin ang plato niyang may limang hatdog.
Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ba si Elle pa ang tinanong ko eh out of order ang utak nito.
"Ako gusto ko!" Biglang lumitaw si Judge sa likod ko, sabay tusok ng isang hatdog sa plato ni Elle.
"Pinaglihi ka ba sa kabute? Ha Judge!?" saad ko habang hawak ang dibdib ko. Shit a-atakihin ata ako sa puso dahil sa kumag na to. Palagi nalang itong sumosulpot king saan-saan, mapapaaga ang burol ko nito eh.
"Hindi eh, bakit?.. Ahhh dahil bigla ka nalang nagugulat sa gwapo kong mukha," sagot nito habang ngumunguya.
"Gago." Inirapan ko siya bago umusog papalayo sakanya. Pareho sila ni Elle, low gets. Mahirap na baka mahawa ako.
"Nasaan sila Enzo?" tanong ko kay Judge.
"Papunta na yun dito. Nagutom ako kaya nauna na ako. Alam mo namang ang babagal nila mag lakad, parang nag puprosesyon." Ngumuso ito bago tumusok ulit ng hatdog sa Plato ni Elle.
Ito namang si Elle parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha. Natawa nalang ako, eh sa dami namin si Judge pa talaga ang na tiyempohan makakita ng hatdog.
Napalingon ako sa likod ko ng may kumalabit saakin.
"Pautang."
Inirapan ko ito bago tumayo saka nilagpasan ito. Ang kumag sumunod pa talaga sakin. Nagpaparamdam lang to pag nangangailangan ng pera.
Huminto ako sabay harap sakanya. Ang lintek nakangiti pa talaga. "Hoy Bolt! Hindi mo pa nga nababayadan yung utang mong trenta sakin last year, u-utang ka nanaman!"
"Last na promise!" ani Bolt sabay nguso. Napasinghap nalang ako bago tumakbo palayo sakanya.
Hindi ako titigilan ng kumag nayon hanggang hindi nasusunod ang gusto niya. Malas niya ngayon, wala talaga akong pera kasi inakit ako ni shopee. Crackers nalang nga binili ko kanina eh!
Napairap ako ng makitang hinahabol talaga ako nito. Ponyeta! Nasaan ba kasi yung shield ko? Ang tagal magpakita. Tsaka ba't ba ang bilis niyang tumakbo?!
Biglang lumiwanang ang Mata ko ng makita ang shield ko. Dali-Dali akong nagtago sa likod nito habang habol ang hininga.
"What the fuck are you doing?!" inis na tanong ni Enzo.
BINABASA MO ANG
Team Play
Fantasy(ON-HOLD) Isang paaralan. Libu-libong estudyante. Isang taga-sundo. Kailangan ipangkat ang sarili sa grupong alam mong magtatagal. Sundin ang hiling para mabuhay. Suwayin ito'y mapapaaga ang pag-putol ng iyong kasiyahan. Kailangan maging pamilya u...