Sense You Found Me

381 16 11
                                    

Your left eye is partially blind, at malabo naman ang kanan mong mata. Ang hirap tuloy masilayan ng crushie mong moreno. You heard that his name was Ken, bagay na bagay sa kaniya.

You noticed that he likes spray painting. Halos lahat ng pader doon ay napinturahan na ata niya. Hindi naman maitatanggi na magaganda ang ginagawa niyang disenyo.

Hindi mo maiwasang mapalingon sa kaniya pag may pagkakataon, at saktong paglingon mo sa kaniya ay naabutan mo siyang nakatitig rin sa'yo. Pinilit mong hindi kumawala ang ngiti sa labi mo at nag-focus nalang muli sa pagsasayaw.

After your practice with your friends for a dance competition, you fixed your things and get ready to go home. Napalingon ka sa gawi ni Ken na inaayos na rin ang mga gamit.

You wanted to be friends with him but when you tried to approach him, he didn't talked back. Ni-hindi ka man nga lang niya nilingon at nag dirediretso lang itong naglakad palayo sa'yo.

The dance competition was held in a gymnasium in your barangay. Everyone who lives in your barangay is invited to watch the competition. Todo suporta ang pamilya mo at may dala pang mga banner.

It's your group's turn to perform. Kinakabahan kang pumunta sa blockings niyo ngunit nagulat ka nang makita ang isang lalaking nanonood sa di kalayuan.

"Ken," bulong mo.

Huminga ka ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Kailangan mong mag perform ng maayos. Maraming nanonood na tao at isa na do'n ang pamilya at ang number one crush mo. Kaya kailangan mong husayan ang galaw. Paminsan minsan kang sumusulyap sa iyong pamilya, at sa kaniya.

The performance went successful, and now is the time of announcement of the champion. Lahat ay seryoso at kabado hanggang sa marinig mong tawagin ang pangalan ng iyon grupo.

Group hug, that's what your group did. All of you are feeling ecstatic and the happiness is unexplainable. You wanted to celebrate, you wanted to be happy but a sudden pain in your head took place.

Napahawak ka sa ulo mo hanggang sa unti-unting mandilim ang paningin mo at tuluyan ka nang mawalan ng malay.

Tunog ng mahihinang hikbi ang naririnig mo nang magising ka. Iminulat mo ang mga mata mo para tignan kung ano iyon, ngunit bakit ganon?

Bakit wala kang makita?

"Mommy," wika mo.

"Anak," your Mom said while sobbing. "I'm sorry."

You teared up when you realized, that both of your eyes are now partially blind. And that you lose your confidence for dancing again.

Simula nang mangyari iyon, lagi ka nang may kasamang katulong sa lahat. Palagi ka nalang nasa loob ng bahay at walang magawa, kaya naisipan mong pumasyal sa bakanteng lote.

"Iwan niyo na po muna ako dito." sambit mo sa mga katulong nang makaupo ka na sa upuang kahoy.

Nakaramdam ka na may naupo rin sa tabi mo kaya napalingon ka doon.

"Sino 'yan?" tanong mo.

Hindi mo man makita ngunit si Ken pala iyon, naupo siya sa tabi mo at nagtataka kang tinitigan dahil sa kinikilos mo.

"Sino ka?" tanong mo ulit.

"K-Ken," rinig mong bulong ng lalaking katabi mo.

"Ken?"

OMG, si Ken? Yung crush mo? Siya ba talaga 'yan? Eh bakit ganon siya magsalita? Parang nahihirapan siya at pabulong pa.

"Uhm, hi! Hello, Ken." bati mo sa kaniya tsaka mo sinabi ang iyong pangalan.

Sayang lang at hindi mo siya makita.

"H-Hindi ko r-rinig," bulong ulit niya. "B-Bingi." dagdag pa nito.

Napasinghap ka dahil sa narinig. You didn't know that he was deaf. You both had a hard time having a conversation but you still made a way to talk with him. At iyon ang naging simula ng inyong malalim na pagkakaibigan.

Madalas kayong tumambay sa bakanteng lote, naglalakad lakad habang nakahawak ka sa braso niya habang siya ang nagsisilbing mga mata para sa'yo. At ikaw naman ang nagsisilbing tenga para sa kaniya.

"Crush kita." wika mo sa harapan niya mismo, kampante ka naman na hindi niya iyon maririnig.

"Ha?"

Umiling ka nalang at ngumiti. "Doon tayo sa may duyan." aya mo sa kaniya.

"W-Wait, may g-gawa b-building. D-Delikado." bulong niya ulit.

Naririnig mo ang iba't ibang tunog ng mga gamit sa pagkakarpintero, naisip mo na baka ang ibig niyang sabihin ay may ginagawang building sa dinadaanan nila.

"Bilisan nalang natin." pagpupumilit mo habang hatak siya.

"S-Sandali!" sigaw niya.

Napahinto ka sa paglalakad at hinintay ang susunod na sasabihin niya, ngunit isang malakas na tunog ng mga bakal ang narinig mo. Naramdaman mo ang pagyakap ng isang tao sa'yo at ang pagtama ng matigas na bagay sa batok mo hanggang sa unti-unting mawala ang diwa mo.

Nakangiti ka habang naglalakad sa isang malawak na lupain, huminto ka sa paglalakad tsaka naupo sa damuhan.

"It's been a while, Ken. Kamusta ka na?" tanong mo.

Imbis na may sumagot ay malamig na hangin lang ang naramdaman mo sa iyong balat.

"Salamat," wika mo tsaka mo mahigpit na hinawakan ang isang papel na may lamang sulat mula kay Ken.

Kinausap mo siya, kinausap na para bang naiintindihan niya ang lahat, na para bang naririnig niya ang lahat, hanggang sa tuluyan ka nang mapaluha habang naka ngiti ng mapait.

"Thank you for saving me that day." you said sincerely.

"Mama, Papa is here."

Nilingon mo ang isang batang lalaki na papalapit sa iyo, yumakap ito sa'yo at niyakap mo rin siya pabalik. Muli kang lumingon sa lapida tsaka ngumiti.

"Mauna na ako, Ken. Bibisitahin ulit kita sa susunod." paalam mo.

"Let's go, Kenken." aya mo sa iyong anak tsaka mo hinawakan ang kaniyang kamay.

Kapag may nangyaring masama sa akin dahil sa kapansanan ko at hindi na kinaya ng katawan kong mabuhay, willing akong ibigay kay Y/N ang mga mata ko.

Sana makita mo kung gaano kaganda ang mundo gamit ang mga mata ko. Use my eyes to see the beauty of life just like how I see the beauty in your eyes.

Be happy.

Ps. Crush din kita.

- Ken

Sense You Found Me •SB19 Ken•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon