Chapter 3

1 1 0
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay ng alarm ng cellphone ko. Tinatamad pa akong bumangon ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ria, pag 'di ka pa bumangon at nalate ka sa pag-aayos 'di talaga kita hihintayin. Maiwan ka dito" tsk makapagsalita akala mo palaging 'di nale-late.
"Oo na! oo na! pababa na!" sagot ko kay Ken na patuloy pa rin kinakalampag ang pinto. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa inis.
Bago bumaba ay naligo na muna ako kahit sobrang lamig dahil nga madaling araw palang. Buti na nga lang at katabi lang kwarto ko ang banyo dito sa second floor ng bahay nila Ken. Inayos ko din ulit ang mga gamit na dadalhin ko para siguraduhing wala akong maiiwan.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kwarto naamoy ko na ang niluto ni tita Stella. Pagkadating ko sa dining, isa-isa nang inihahain nina Ken at mama niya ang mga pagkain, kaya dali-dali akong lumapit at tinulungan sila. Gising na din si tito kaya sabay-sabay na kami kumain, pagkatapos ay tinulungan ko si tita sa paglilinis sa mesa samantalang si Ken ay naligo atnaghanda na. Nagpresenta akong maghugas kaso ayaw ni tita dahil nakabihis na daw ako baka madumihan kaya ibinaba ko nalang ang mga gamit ko sa sala. Habang naghihitay ay naisipan kung i-edit na ang mga extra videos ko. Puro song cover yun kasama ang mga pinsan ko isang buwan ko ding inipon 'to no. Lahat kasi ng song cover na nasa youtube ko ay may kasama akong mga pinsan ko either boy/s or girl/s. Minsan ka-duet ko, minsan naman taga gitara ko and syempre madalas both. Dahil nga matatagalan ako na wala sa amin at 'di ako sigurado kung may kamag-anak ako doon sa tutuluyan ko ay magaling na ang handa. Sanay kasi ang mga manonoood ng videos ko sa dalawang kanta kada buwan. Kung saka-sakali ay mag-isa nalang ako gagawa ng song cover.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na din si Ken at dinala na namin ang mga gamit namin sa loob ng van nila na maghahatid sa amin sa paliparan. Mahigit isang oras at kalahati din ang byahe bago kami makarating, buti nalang talaga at napakaaga namin kaya wala masyadong trapiko. 5:30 ang flight namin dahil maaga daw ang interview ni Ken para sa kanyang trainee thingy. Mga 9:00 ata call time nya ngayon araw, ewan ko ba dito bakit di pa kahapon kami pumunta doon ayan tuloy madalian at wala tuloy choice kundi mag eroplano papunta doon. Bahala nga sya sanay naman na iyan na late, di na bago.
Medyo mahabaang paalam pa ang naganap at buti nalang di na ako hinatid nina mama dahil malamang na may iyakan moments pa, baka mapagkamalan pa ng mga tao na mag-a-abroad ako. Hahaha. Naging mabilis lang ang byahe namin, safe kahit medyo kinakabahan ako sa pag-take-off at pag-land namin dahil ano syempre first time ko. Siyet! Oo nga pala no first time ko muntik ko na malimutan dahil sa antok ko.
Pagkalabas namin ng manila airport, sumakay kami ng taxi papunta sa address na meron si Ken pagkalipas ng higit isang oras ay ibinaba kami ng driver. Guess what? N'ung nagtanong kami sa maling lugar kami dinila ni kuyang driver at ang mas malala ay malapit lang pala kami mula sa pinanggalingan namin. Bad trip diba, pero mas nakakaawa ang kasama ko dahil 8:30 am na nasa airport palang kami. To avoid more conflict and scamming dali-dali na akong nag-install ng transportation app para doon na mag-book ng sasakyan, dahil bago ako umalis sa baryo namin I do my research para less hassle kaso medyo bida-bida kasama ko eh ayan tuloy late na sya.
Pagdating ng sasakyan namin dumiretso na kami sa entertainment company na papasukan ng kasamang manok na laging late. Bakit manok? trip niya lang naman laging kainin ang pritong chicken. Kaya kung saka-sakali ngang mag-kabuni 'yan di na ako magugulat. Charr.
Marami kaming dalang maleta kinailangan ko sumama at saka ayaw din naman niya ako na mag-isa bumyahe nag-pasundo nalang ako sa girlfriend ng pinsan ko na tutuluyan ko pansamantala. Sa daan papuntang waiting room ng building chinicka ko na ang usang employee na naghatid sa amin tungkol sa opening jobs nila at kung saan ang HR room at kung ano-ano pa.  Dahil may pagka-girl scout ako palagi kung dala ang mga requirements ko at syempre ang bio data. Pagdating namin sa waiting facility may grupo ng mga lalaki ang dumating, tatlo sila at isa doon ay kilala ko dahil siya lang naman ang pinsan na tinutukoy ko kanina.
"Bro," bati ni Kuya Joshua ang napakagwapo at galing kung pinsan. Siya muna ang the best dahil patitirahin niya ako sa kanila eh. Hahaha.
Sunod-sunod sila na nakipagkamay at nakipag yakapan, ano ba tawag doon? yung unique way ng mga boys sa pakikipag-interact sa bago nila kakilala basta ganun. Umatras na lang ako palikod habang isa-isa silang nagpapakilala sa isa't isa. Makalipas ng ilang minuto nilang pag-chichikahan, sa wakas napansin din nilang nandito ako.
"Ria, andyan ka pala? Bakit di ka dumeretso sa bahay?" bati niya sa akin at niyakap ako.
"Napakaganda naman ng bati mo kuya, napaka-welcoming" sagot at nakiyakap din.
Natatawa nalang na nakipagkilala sa akin ang dalawa pang kasama nila dahil sa pinagsasasabi naming magpinsan.
"Actually, 'di dapat ako kasama dito kaso medyo naligaw kami eh, tapos late na 'tong kasama ko kaya iyan no choice ako na ihatid muna sya dito. Ayaw din naman nya bumyahe mag-isa" saad ko pagkatapos ng mini pakikipagkilala.
"Sige go na kayo, anong oras na balita ko may practice pa kayo" dagdag ko.
"Sige mga pre una na kayo, samahan ko muna 'to habang hinihintay si Clarraine"
Nang kami nalang ang naiwan ni kuya Josh nagkwentuhan nalang kami ng kung ano-ano tungkol sa buhay.

-God bless everyone, stay safe💜

First Love, First DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon