Chapter 2

1 1 0
                                    

Actually madalas ako sa bahay nila dahil dito malakas ang internet saka kapag tinatamad ako mag edit ng video sa kanya ko pinagagawa. Sa sobrang dalas ko nga dito may sarili na akong kwarto eh. Katatamtaman lang ang buhay nila pero syempre they were far far fortunate than us or maybe just far? whatever.
Ginamit namin ang dyep na ipinamba-byahe nina papa sa pagde-deliver ng mga ini-harvest na pananim namin, sa paghatid sa akin sa bayan dahil sa dalawang maletang dala ko nanapakalalaki.
"Oh pasok, pasok! Bakit hinapon yata kayo?" bungad sa amin ni tita Stella, nanay ni Ken pagkababa  na pagkababa namin sa tapat ng bahay nila.
"Hayst, ito kasing batang 'to dumaan pa sa bahay ng pinsan niya para sa bidyu-bidyu nyang yan" reklamo naman ni mama.
"Ma.." sagot ko nalang. Pinilit ko kasi talaga sila na dumaan muna kina Gab para gumagawa ng dalawang music cover ng sa ganun may extra content akong maia-upload kung sakaling maging busy ako doon sa maynila. Maganda na ready no.
Napagdesisyonan ko na sa maynila na mag-college. Una sa dahilan ko ay dahil gusto ko pang e-explore ang iba't-ibang lugar dahil sa labing walong taon ko na sa mundo, dito palang sa Eastern Samar ang napupuntahan kung lugar at karamihan pa nun ay kasama mo ko ang pamilya. Tsaka siguro karaniwan na ata sa isang probinsyana ang gustohin na maranasan ang buhay maynila. Pero isa rin sa dahilan ko sa pagpili ng maynila ay dahil mas malaki ang opportunity doon, balak ko kasing magbukas ng maliit na botique dahil medyo may talent ako sa designing at sa halos apat na taon ng self-study ko sa professional fashion designer madami-dami na din ang naipon kung designs. Madalas ko din kasi yung pagbuntunan ng stress eh kaya halos kalahati ng collection ko dark or solemn theme.
"Naku, Rea hayaan muna ganyan talaga ang mga kabataan ngayon masyado nang depende sa teknolohiya. Saka buti nga at kahit papaano nakakatulong yan sa inyo" pagkampi sa akin ni tita Stella.
"You treat me the best tita" saad ko saka yumakap sa braso niya.
"Tsk, arte" singit ng biglang sulpot na si Ken at inirapan pa ako. Kaya mataray na tinaasan ko nalang si ng kilay.
"Inggit ka lang kasi mas mahal ako ni tita, bleh" asar ko at binilatan siya.
"Magsisimula nanaman kayong dalawa ng bangayan nyo, hala pumasok na kayo. Doon nyo na pagpatutuloy ang pag-uusap. Ken, tulungan mo ang tito mel mo sa bagahe ni Adie(pronounce-Adi,SKL)" Awat ni tito Kim, tatay ni Ken. Tapos na siguro mag-hart-to-hart talk sila ni papa este mag chickahan, o magkamustahan? ah basta 'mag-usap'. Ganyan palagi sila pag nag-kikita palibhasa childhood friend at ang isa't isa rin lang ang matalik nilang kaibigan.
Nagtagal din sina mama dito ng ilang oras bago umalis. Dito muna ako magpapalipas ng gabi dahil maaga ang flight namin ni Ken papuntang maynila and yes, kasama ko si Ken kaya nga pinayagan ako umalis eh. Kinailangan ko pa ngang pakiusapan si tita Stella noong nalaman kung pupunta doon si Ken para payagan na ako nina mama dahil may nahanap na akong baby-sitter ko(hahaha). Wala na eh, yun nalang choice ko. Tsaka ako din pinagpaalam ni Ken sa mga magulang niya dahil 'di din daw siya payagan kaya win-win ang nangyari. Hahaha.
Balita ko kaya papapunta siya doon para maging trainee, saludo din ako sa isang 'yan dahil mas pinili niya yun kesa sa architecture course niya, sayang pa man din at dalawang taon nalang kailangan niya. Pero balita ko rin naman eh pagnakapag-adjust na siya doon ay itutuloy niya din pag-aaral niya. Sabi niya kasi minsan lang ang opportunidad, tsaka 'yan naman daw talaga ang gusto niyang gawin at pangarap nila ng lolo at lola niya. Kaya kahit ma-pride humingi pa ng tulong sa akin para payagan lang siya.
Ang mga magulang niya ang may gusto ng kurso na kinuha niya kaya kahit nahihirapan ay pinagpapatuloy niya. Kaso madalas siyang mapagod dahil na rin siguro 'di niya gusto ang ginagawa niya. Medyo 'di niya kasundo ang mga magulang niya dahil mula bata laki na siya sa mga lolo't lola niya. Palaging busy sa trabaho mga magulang niya eh kaya walang mag-aalaga kaya ngayon-ngayon na lang siya tumitira dyan sa kanila.
Pagkatapos ng hapunan ay sa kwarto na ako nag palipas ng oras at para na din magpaantok. Maaga pa man din ang alis namin kaya kailangan talaga maagang magpahinga.Bago matulog nag-upload muna ako sa youtube ng video na ginawa ko kanina at nag-post din ako sa iba't iba pang social media. Naglaan din ako ng ilang oras para magbasa, mag-react at mag-reply sa mga nagco-comment sa mga videos at mga kung ano-anong pino-post ko online. Nag-eenjoy talaga ako na makipag-communicate sa kanila dahil mararamdaman mo talaga na belong ka sa kanila. Sa kanila din kasi ako madalas kumuha ng ideya sa mga content na gagawin ko, lalo na pagnabablanko ang utak ko. Balak ko ngang gumawa ng private group chat namin eh para araw-araw magkamustahan at kung pwede ay gabi-gabi kaming mag-video call para mas maganda ang kwentuhan at mas makilala ko pa sila. Naku, apakadaldal ko na makatulog na nga ako. Goodnightieee.

- Good bless everyone, stay safe💙

First Love, First DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon