Jealousy

8 1 0
                                    

Yung makikita mong nagpaparty sila.

Yung nakangiti sila.

Yung nag-selfie ang buong klase.

Yung nasa loob ka ng kwarto mo.

Kasama mo yung mga taong hindi mo kaano-ano.

Ang ibig sabihin ko yung mga nasa poster at yung mga pic ng idol mo sa cellphone mo.

Balik sa topic.

Yung sa class picture ka lang kasama.

Ang sakit! Ang sakit ng tyan ko kakatawa sa sarili ko, yung makikita mo na nag-upload sila ng pic #Bestfriends #Blessed hashtag nyo mga mukha nyo! Punyeta inggit ako! Aminado ako! Sa wattpad ko ibinubuhos ang galit ko!.

Tapos alam mo yung gagawin ko? Ililike ko yung picture para hindi sila mag-hinala na inggit ako o kaya hindi sila maghinala na may kaunting galit ako.

Ako kasi ang awkward ko ng sobra, halos wala akong kaibigan nung mahiwalay saakin yung kaisa-isa kong bestfriend.

Naiingit ako kung bakit hindi ko magawang maging attractive katulad nila, nakakainggit.

May dalawang klase ng inggit:

#1. Gusto mong maging katulad nya

#2. Gusto mo syang patayin dahil hindi mo sya katulad.

Yung #1 yung saakin, punyeta lang talaga mukha akong 10 at sila 16 kasi sobrang matured na sila.

Pero at the end of the day kailangan natin tanggapin na huli na talaga tayo pero okay lang mainggit huwag lang sa masamang paraan na sinisiraan mo na yung kinaiingitan mo :D

Bye~♪

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Average Teenage WierdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon